Ikaw

163 1 0
                                    

Mga salitang nakakakilig
Puso ko ay lumalakas ang pintig
Hindi mapakali sa iyong titig
Ako ngayon sayo ay umiibig

Ano ang ginawa mo  sakin giliw?
Sayong kagwapuha'y nababaliw
Ako ngayo'y nagmumukhang sisiw
Sayong mga tawa'y naaaliw

Oh aking sinisinta
Ikaw lamang ang aking prinsipe
Sa puso't isipan ika'y nag iisa
Hindi na mapapalitan ng iba

Ipangako mong wag akong lisanin
Sapagkat magdudulot ito sakin ,
Ng mabigat na pasanin
Sa akin ika'y aking mithiin

Ikaw ang pagkain
Sa puso kong gutumin
Nag iisang gamot sa puso kong masakitin
Ngayo'y pagkatao ko ay masiyahin

Salamat sayo, Ako'y muling nabuhay
Buhay ko'y nilaanan mo ng kulay
Noong ako'y nagiisa't malumbay
Wala na akong hinihintay

TulaLLAH Sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon