BestFriend 💔

72 1 0
                                    

Kilang kilala kita
Mula ulo hanggang paa
Kasama na kita mula bata pa
Hanggang naging dalaga't binata

Mga araw ,taon at buwan
Na ating pinagsamahan
Ngiti  at tawa ang laan
Mga problemang ating iniyakan

 Sekreto mong ako lang ang nakakalam
Sakin mulang binubunyag
Mga nanloko saki'y iyong pinakukulam
Salamat sa iyo aking Liyag

Hindi akalaing akoy mahulog
Sa likas mong pusong ginintuan
Ngayo'y puso koy kumakabog
Na noo'y hndi naramdaman

Ako'y naguguluhan aking kaibigan
Hindi alam kung bakit ka naibigan
Ito muna'y aking itatago mula sayo
Para ikaw ay hndi malayo sa piling ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TulaLLAH Sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon