Nasa pilahan kami nangmakita ko din si kent na pumipila din para mag pa audition
"mitch hali ka sa unahan may pakilala ako sayo"
Kinuha ko ang kamay ni micth upang hilain sa unahan
Wala akong narinig na pag tangi mula sa kanya
Sumama na lamang siya sa pagkabigla ng paghila ko sa kanyaParating pa lamang kami malapit sa table ng nagparegester ng mapansin ko si kent
"ohh mag audition karin"-kent
"Oo eh nakita kita kaya dumiretso kami dito .may pakilala pala ako sayo"
"Sino? "
Tinignan ko sa likod si mitch ngunit hindi ko na siya nakita kanina lang hawak ko siya sa kamay
"Mag auaudition kaba marami pa ang naghihintay" sumingit ang babaeng nababantay sa table
"mag paregester ka muna diyan hanapin ko muna siya baka nag cr lang"
-------
Iwan ko kung bakit nawala nang parang bula si Mitch
Baka naihi lang siya kaya hindi nagpaalamNilibot ko ang aking paningin sa loob ng theater
Nakita ko siya siya palabas ng comfort room"Sorry ihing ihi na talaga ako eh"
"kaya pala bigla ka nalang nawala"
"Pwedi bang bukas nalang tayu mag audition sumama kasi yung pakiramdam ko, okay lang ba?"
Hindi ko alam kong nagdadahilan lamang siya
Ngunit bakas sa mukha niya ang pawis kahit malakas naman ang aircon sa loob ng teatroLumabas kami ni mitch na hindi nakapag audition
Ilang minuto na lamang ay second subject kaya mabuti narin iyon para hindi kami ma late------
Hapon nang matapos ang aming last subject
Patungo ako sa copier machine para sa mag photo copy ng OBE ng aming mga subject"Hindi ka pa uuwi"
Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa aking likuran
Si kent na may hawak din ng mga photo copy
"bakit uuwi kana ba gusto mo sabay na tayu"
Wala akong hiyang sinabi yun haha ako pa talaga ang nagyaya
"sure hintayin mo nalang ako sa main gate kukunin ko lang ang motor ko"
Matapos kong mapa photcopy lahat ng kailangan
Ay agad kong kinuha sa locker ko ang gamit ko-----
Naghintay ako nang ilang minuto kay kent
Sympre medyo kinilig na naman akoSumakay na ako motor sympre sa balikat na ni kent ako humawak
Bawal na ang absent mindedHabang na sa byahe ay nagawa pa naming magkwentuhan
"Kamusta ang audition"
"Registration palang naman eh bukas pa ang audition"
"mahilig ka bang kumanta"
"marunong akong kumanta pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nag audition"
Naging interesado ako sa pinag uusapan namin ni kent at nagsimula siyang e open ang buhay niya
Lumaki sa kent sa kanyang lola
Bata pa raw ito nang namatay ang mga magulang
Umaasa lamang siya sa tulong ng kanyang mga tiyahin upang makapag aral kaya madalas tinitiis niya ang mga salitang hindi maganda sa kanyang tiyahin tuwing humihingi ito ng allowance at pambayad sa project noong hayskul ito
Mas madrama pala itong buhay niya kaysa sa akin
Ako kahit nagiisa lang ngunit kompleto parin ang pamilya
Hindi katulad niya nagiisa lamang siyang anak"ginagawa ko ang lahat para makakuha ng scholarship
Upang mabawasan sa gastos ang tiyahin ko""hanga talaga ako sayo sakabila ng lahat kinaya mo".
"oo naman kung may pangarap ka kakayanin mo"
"bakit gusto mo maging nurse? "
Matagal siya bago sumagot"
"sa totoo lang gusto kong maging engineer"
"eh bakit ka nag aral ng nurse?"
Matagal ulit bago niya sinagot ang aking tanong
"dahil sa isang tao"
Napuno ang curiosity ang isipan ko
Sinong ang kaya ang taong tinutukoy niya"dahil sa isang tao lang?"
"napaka espesyal na tao sa buhay ko"
"gaano ka espesyal?"
"Anu bang tanong yan?"
"uh sorry masydo na akong chismoso"
"haha. Pwedi ba akong himingi nang favor"
"sige yung makakaya ko lang ha"
"Sige bukas sasabihin ko sabi mo yan eh"
Hays sino kaya ang taong tinutukoy niya tama ba lahat ng hinala ko...
Nakakalungkot isipin na may espesyal na tao na pala sa buhay niya.______________________________
Hello readersSalamat sa pagbasa
Anu kaya ang susunod na mangyayari huwag bibitaw chapter 3 na tayoWe encourage you to comment your reaction and feedback
Salamat
Dont forget to vote-author
BINABASA MO ANG
one sided love
Romancekaya mo bang mahalin ang taong hindi pwedi hindi maari hangang kailan mo kaya kakayaning maging kaibigan lang kayu ng taong buong buhay mo siya lang ang ginusto mo sa kadahilanang pareho kayung lalaki