The best cuddle

1.9K 33 8
                                    


Nagyayang mag inuman si Marlon
10:30 na rin kaya na bobored na sila sa pag-uusap

"Jhay anong madalas mong inumin"-troy

"Sympre tubig haha" sagot ko

"Sira"-troy

"Hindi mo naman kasi kinukompleto"- kian

Sa totoo lang first time ko itong gagawin
Kayayanin ko para makibagay sa kanila

Kumuha si Marlon nang 3 bote ng alak
Hindi pamilyar sa akin ang alak mukhang mamahalin
Nagsimula na ang inuman
Nagsilagayan kami sa aming baso
Tinaas ni troy ang basong may alak

Cheers para sa pagmomove on ni Kent"
Nagcheers kami

Nag alinlangan ako kung iinumin ko talaga
Wala na akong choice nandito na ako
Nang malasahan ko ang alak gusto Kong isuka
Shit parang ihi hindi ko talaga maintindihan
Silang lima parang sanay na walang epekto sa kanila
Parang coca cola lang na tuloy tuloy lang sa lalamunan nila
Hindi man lang nakalasa ng pait at matapang na amoy nang alak

"parang hindi ka ata makausad diyan " -kent

"Ngayon ko lang natikman to"

"Gusto mo mag beer kanalang"

"Uh hindi okay na ako dito "

Naging tuloy tuloy ang inuman
Kahit pa kunti kunti lang ang pag-iinom ko ay nakaramdam ako ng pagkahilo
Pero yung limang kasama ko parang walang epekto
Lumaki ata sila sa inuman

Lumalim na ang gabi mga walong bote narin ng alak ang naubos
Si troy halatang lasing na hindi nahihiyang magkwento about sex life niya
Si kian ganun rin kanina ang tahimik na parang santo ngayon siya na ang bangka sa usapan
Napansin ko rin na masyado ng tahimik si Kent
Nakayuko at lasing narin

"Bor lasing na si Kent " ang pang aasar ni troy na may halong pagtawa

"Lagot ang makakatabi niya sa pagtulog gagawin niya namang unan"- jhapet

Na curious ako kaya sumabat na ako

"Bakit naman? "

"Noong lasing yan magkatabi kaming magkatulog
Akalain mo pagising ko nang umaga yakap yakap ako"-kian

"Pasimpling Hokage yan pre haha" troy

"Tigilan niyo ko hindi tayo talo " -kent

1:30 napagpasyhan na naming umuwi
Halos lasing na silang lahat ako nahihilo lang
Salamat naman sa bulalak na katabi ko
Pasimple Kong tinatapon sa kamesita ng bulaklak ang ibang alak kaya hindi ako nalasing

Si troy na ang naghanap ng taxi ng masasakyan namin
Inaalalayan ko si kent palabas ng bar. Maraming Tao parin sa bar kaya sa paglabas namin malapit sa pintuan hindi ko napansin ang lalaking pasuroysuroy sa paglalakad kaya dahilan upang mabanga niya si kent na inilalayan ko sa paglalakad
Mabuti na lamang agad Kong nahawakan ang tagiliran ni Kent upang hindi siya tuluyang bumagsak sa semento
Lalong humigpit ang pagkawak ko kaya parang yakap yakap ko na Ito bumilis ang pintig ng puso ko tilay ayoko matapos ang sandaling iyon
Napukaw ang isipan ko ng magsalita ang lalaki

"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo"

Gusto ko pa sanang sagutin siya ngunit hindi ko na nagawa sapagkat agad siyang umalis

Gagong yun siya biglang sumolpot eh -sa isip ko

Nang makarating kami sa labas tinawag kami ni troy
Sabay turo sa taxing sasakyan namin
Nag aalayan pa silang dalawa ni kian na pareho naring lasing. Nasa unahan si kian umupo kami namang tatlo sa likod ata nasa gitna namin si kent
Malapit lng ang apartment ni jhapet at marlon kaya hindi na sila sumabay pwedi naman daw lakarin

one sided loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon