KABANATA 7

898 47 13
                                    

NASA harap ko ngayon ang may benda sa braso na pinuno nung grupo kanina.

Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at tiningnan siya. Naglakad siyang paika-ika papalapit sa akin habang nakangisi pa din. 

"Ang tadhana nga naman, ikaw ay muling inilapit sa akin" Saad niya.

 Ayoko na muna ng gulo kaya hindi ko siya pinansin at tumingala nalang sa langit. Wala na ang buwan at tanging mga bituin nalang ang makikita. Kung nasa modernong panahon siguro ako, halos hindi ko na makikita ang ganitong night-view ng langit. Masyadong polluted ang mundo kaya hindi ganoon ka-clear ang nakikita ko, puro wires pa.

 "Ako'y iyong labis na napahanga sa angkin mong lakas binibini. Isang pambihirang kakayahan ang iyong ipinamalas kanina. Akala ko'y hindi na ako makakalakad pa." Sabi niya at tumawa. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.

"Ako nga pala si Manuel, binibini." Pakilala niya.

"Papaano kayo pinakawalan ng mga guardia?" Pagtatanong ko pero hindi pa din ako tumitingin sa kanya.

"Sabihin nalang nating, ako ay mayroong kapit sa taas" sabi niya at tumawa ulit.

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Agad naman siyang napatikhim at tumingala nalang din.

"May tiyo akong nagta-trabaho roon. Isa siya sa mga namumuno sa mga guardia sa bayang ito." Patuloy niya.

Tsk. Ito talaga yung isa sa mga kinaiinisan ko. Yung mga taong abusado sa pribilehiyong meron sila. Yung mga taong hindi sakop ng batas dahil may kapit sa loob. Hindi napaparusahan dahil may mga taong nagtatanggol sa kanila gamit ang kapangyarihan.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at tumawa lang siya.

"Ayoko sa mga taong gaya mo" Deretso kong sagot.

"Ikaw ay abusado" Dugtong ko pa. Natawa siya lalo. May nakakatawa ba don?

"Napakaseryoso mo naman binibini. Ako'y nagpasya na magbabagong buhay na. Salamat sa pagpapamulat sa akin" Sabi niya ng nakangiti pero inirapan ko lang siya.

"Ang mga ganitong bagay ay hindi dapat idinadaan sa biro. Hindi dapat ginagawang katawa tawa ang usaping tungkol sa pangaapi ng kapwa. Isa kang masamang tao na dapat ay maparusahan ng batas. Nanlalamang ka sa mga taong mas mahina sayo, dahil alam mong may sasalo sa mga katarantaduhan  mo. Para kang bata, kung tutuusin ay dapat matured ka na." sabi ko at inirapan siya.

Natahimik naman siya at naging seryoso ang mukha.

"Ako'y lubos na nagsisisi na sa aking mga nagawa. Napagtanto ko ang aking mga kamalian at pangako hindi na ako uulit pa. Sa katunayan ay handa akong tumulong sa mga batang inapi ko. Nais kong ipasok ang mga bata sa paaralan upang sila'y matuto." napakamot siya ng kanyang batok at bahagyang ngumiti.

"Totoo ang aking tinuran, ako'y nangangako na-"

"Wag mo sakin sabihin dahil hindi ako interesado. Kung gusto mong gawin, gawin mo" Hindi ko na siya pinatapos at sumabat na ako. 

Humakbang na ako pabalik sa loob ng Resto pero narinig ko pa siyang nagsalita.

"Gagawin ko talaga yon binibini!"





ARAW ng linggo. Maaga akong lumabas ng bahay para magjogging. Isinuot ko muna ang damit ko dahil mas komportable ako doon at hindi ako makakapagexercise kung naka baro't saya ako. Iniwan ko si Leighn doon at hindi na ginising pa dahil mahimbing ang kanyang tulog.

Papasikat pa lang ang araw pero may ilan ilang tao na akong nakakasalubong na sa tingin ko ay papuntang bayan. Ang iba ay napapatingin sa akin siguro ay iniisip kung bakit ibang iba ang itsura ko sa kanila. Well wala na akong pake kahit tingnan pa nila ako. Dere-deretso lang ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang maliit na sapa. Napagdesisyunan kong umupo muna saglit at magpahinga. 

Runaway, Reaper RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon