Unexpected

107 6 4
                                    

Sometimes, you need to regret or suffer first before you realize something.

Napa-buntong hininga na lang ako sa pag-aalala sa mga nakalipas na panahon.

Dalawang taon na halos ang nakaraan, pero wala pa ring balita sa kanya, even his parents.

But I am still here. Patiently waiting. At the same time, hoping. Hoping that he's still in love with me. But who am I fooling? Malamang may iba na 'yon.

"May iba?" tsk. Bakit ko ba naisip 'yon. Kelan ba naging kami? Ikaw ba naman ang ipagtabuyan tingnan ko na lang kung hindi ka sukuan. I smiled bitterly at the thought.

Kiel, I'll wait for you no matter what happens. Basta masabi ko lang ang nararamdaman ko sa'yo, ayos na ako. Reject me and I'll accept it.

Pero biruin mo nga naman. Naglalakad kasi ako sa isa sa mga paborito naming park at kung hindi ako nagkakamali ay si Kiel 'yon.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya at binalewala ang mga taong tumitingin sa akin. 

"Kiel!" Sigaw ko. "Oh my God, Kiel! You a-are ba-back!" I yelled between my sobs and hugged him. He stiffened.

"H-Haley?!" Gulat na sabi niya. Kasabay no'n ang boses ng isang babae.

"Excuse me, Miss? And who the hell are you?" Mataray na sabi ng babaeng kasama niya.

Bumitaw na ako kay Kiel dahil nakakahiya naman sa maraming tao kung patuloy pa akong yayakap. Inayos ko na lamang ang akingsarili..

"Am. Sorry about that. I'm just happy that my best friend's finally here." I said politely. Her face change. Nakikita ko sa mga ito ang galit?.... pagkamuhi?.... at selos? I just shrug it off.

"Anyway, I'm haley. Kiel's best friend." Pagpapakilala ko at nilahad ko ang aking kamay.

"Hi! I'm Jade. Kiel's fiance." She said, emphasizing the word fiancé. Nakipagkamay naman siya.

I looked down and saw her fingers. One of it is wearing a ring with beautiful diamonds. I faced them, and smile. A fake one.

"Congratulations." I said happily, hugging them. Psh. Ang plastik ko.

"By the way. I-I have to go. May gagawin pa akong importante."

"Ah? Kiel?" pahabol ko.

"Huh?"

"Welcome back." I smiled. A real one.

Kasabay ng pagtalikod ko ang pagtulo ng luha ko. Walang oras na hindi ko napipigilan ang pagtulo ng luha ko simula nang iwan niya ako. Masakit sa akin ang mawalan ng kaibigan. Kaibigang akala mo'y hindi ka iiwan.

The ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon