Moving On

115 4 10
                                    

It's really hard to move on but giving up is so easy. Hindi ko inaakala na ganito pala kahirap ang magmahal. Loving someone means sacrificing, but sometimes you need to fight because falling in love is like stepping on a battlefield. But sometimes you really need to give up for the sake of your heart and so your pride. Mahirap maghabol sa taong patuloy na nagpapahabol. Sometimes, you realy need to wake up. This is the real life. No fairytales, no happy endings. Minsan, kailangan mong huminto at bumalik para tingnan kung may naghihintay bang iba o may tao bang humahabol sa 'yo. Pero misan, sa pagbabalik mo, yung taong humahabol sa'yo ay bumalik rin sa pagtakbo. Ngayon, ikaw naman ang hahabol.

Pero hihinto ka rin dahil alam mong wala ka ng pag-asa. Kaya ang gagawin mo, lilingon ka ulit at titingnan kung hinahabol ka rin ba ng taong una mong hinabol. Sa kalagayan ko, yung taong hinahabol ko noon ay hinahabol na rin ako. So I have to stop. Siguro naman mahal ko rin talaga siya. Pero mas mahal ko lang talaga si Kiel. Sa gagawin ko, para akong nahulog sa isang pool. Na kahit anong gawin ko, basa na rin ako. There's no point kung aahon pa ako. Pumasok ako sa isang relasyon na hindi dapat. Sa relasyong ito, hindi ako pwedeng umahon. Dahil sa relasyong ito, kung aahon ako ay may malulunod. At 'yon ay si Drew.

"Hey! What you are thinking?" He said as he sits on his chair. Nauna ako ng dating sa kanya dito sa restaurant na pinili ko. We're on our date. Friendly date lang naman. We take things slowly. Pinangako ko sa sarili ko na mamahalin ko siya. Na pag-aaralan ko. I am being so unfair to him. Rebound ang labas niya dito. Pero pareho kaming makikinabang. Mapapasaya ko siya, makakapag-move on ako. We're even.

"HMM! I'm thinking about you," I kid. "Really?" Ipinatong niya ang kanyang dalawang siko sa lamesa at pinagkiskis ang kanyang kamay na para bang isang bata na nanalo ng isang laruan. "Kidding. Iniisip ko yung mga pagkain na ililibre mo." He frowned. "Lagi mo naman akong niloloko. Um-order ka na nga lang."

"Ang sarap nung Napolitana. Lagi na akong pupunta do'n." Masayang sabi niya. Nandito na kami sa apartment ko. Hinatid niya kasi ako at pinagpahinga ko muna siya.

"Alas dose na pala. Drew, dito ka na lang kaya matulog? Delikado kasi kung aalis ka pa." Napaupo siya bigla ng tuwid. "You're asking me to stay and sleep with you?" Sabi niya nang nang-aasar. "Shizz. Wala akong sinabi na tabi tayo. Ang sabi ko dito ka na lang matulog." I rolled my eyes. Kulang na lang ay literal na mahulog at gumulong sa sahig ang mga mata ko.

Si Drew. Isa siyang mabuting tao. Marunong sumabay sa mga bagay. Siya yung tipo na tao na hahanapin mo pagdating sa mga seryosong bagay. Pero si Kiel, isa rin siyang mabuting tao. Siya naman yung taong hahanapin mo 'pag wala kang maiyakan, 'pag wala kang masabihan ng problema. S'ya yung taong makikinig sa'yo. Ibang-iba siya kay Drew. Kumbaga ba, si Drew ang kailangan mo sa debate, at si Kiel ang kailangan mo kung matalo ka man. Sino ang pipiliin ko kung bumalik sa akin si Kiel? Of course, I'll choose Kiel. I sighed. That will never happen. I do really need to move on. Hindi ako masaya at alam ko 'yon. Pero sasaya rin ako sa piling ni Drew balang araw.

END

The ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon