“MAHAL na mahal kita Angel, gusto kong ikaw lang ang babae sa buhay ko.”
“Talaga? Ako rin Tom, at gusto kung mag promise ka sa akin na hinding-hindi mo ako iiwan.”
“Oh sige, PROMISE, basta ikaw ‘wag mo rin akong iwan ha?”
Nasa kalagitnaan na ng mahimbing na pagkakatulog si Angel ng may kumatok sa kanyang pintuan.
“Angel! Angel! Gumising kana, mag-aalas otso na! Hay nakung bata ka, kay aga-aga pinapainit mo yung ulo ko!” inis na sabi ni Celia Sy sa anak na si Angel.
Si Celia Sy ang mommy ni Angel, at tumatayo ring ama ni Angel at sa kapatid nito na si Rachel mula pagkabata, dahil nasa China ang daddy nitong si Harry Sy. Tig-lilimang taon lamang kung umuwi ito sa Plipinas dahil na rin sa negosyo nila doon sa China, ang laking tutol nang pamilya nang kanyang ama sa pag-aasawa nito sa isang Pilipina at ngayon pa na dalawa ang anak nitong babae.
Third year college na si Angel at nagte-take up nang education, simula pa kasi noong bata pa sila nang kaibigan niyang si Myra Rosales ay yun na ang pangarap nila at kung minsan ay ‘yun pa ang nilalaro nila. At ngayon alam niya na papunta na siya sa pangarap niya bilang isang teacher. Alam rin niya pag nagtrabaho na siya ay may ipagmamlaki na siya sa pamilya nang kanyang ama.
Nagising agad si Angel nang marinig na mag-aalas otso na, kumaripas siya ng takbo papuntang banyo at naligo, pagkatapos nito’y nagbihis siya. Lumabas siya sa kwarto papuntang kusina kung saan doon nakahanda ang pagkain.
“Oh, Angel kumain kana,” sabi nang Mommy Celia niya.
“Sa school na lng po ako kakain, male-late na po kasi ako eh.”
Ng makalabas na sa kusina si Angel, bumalik ito nang may naalala.
“Mom?, pwede po ba akong humingi ng dagdag na allowance, naubos na po kasi ang allowance ko dahil binili ko ng mga kulang na materials para sa project.”
“Oh, ito lang muna ang maiaabot ko sayo, wala pa kasing naipadala ang daddy mo, at hindi ko pa nakuha ang monthly salary ko.” sabay abot ng 3000 pesos.
“Salamat po mommy, sige alis na po ako.”
* * *
“PSST! Angel!”
“Oh, Myra! Sandali lng bakit ka nandyan?” tanong ni Angel.
Si Myra ang kanyang bestfriend mula nang mga bata pa sila. Nang lumipat kasi ang pamilya ni Angel sa subdivision nila ay silang dalawa ang unang nagkalaro. Kahit marami na silang kilala sa subdivision ay tinuturing pa rin nila ang pagkakaibigan nila na mas importante. Kaya kahit ngayon ay sila pa rin ang magkasama, at ngayon ay parang magkapatid na ang turingan nila.
Si Myra ay nagmula sa isang mayaman na pamilya at nagmamay-ari nang pinakamalaking mansion sa subdivision nila, habang sina Angel naman ang nagmamay-ari nang ikalawang pinakamalaking mansion sa subdivision marami silang similarities ni Myra.
