Araw ng sabado, limang oras ng nagkukulong si Angel sa kwarto niya. Ni hindi pa nga siya nag-aalmusal at parang wala siyang ganang kumain ng tanghalian.
"Ate?! Bumaba ka na daw sabi ni Mommy, kakain na daw tayo." pangatlong balik na rin ito ni Rachel sa kwarto ng kanyang kapatid.
"Sabihin mo kay mommy busog pa ako." pasigaw na sabi ni Angel sa kanyang kapatid na nasa labas ng kanyang kwarto.
Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam na ng gutom si Angel dahil nga hindi siya naka pag-almusal.
Nang hindi niya na matiis ay pumunta siya sa dining room ng kanilang bahay kung saan naka-upo at kumakain ng tanghalian sina Mrs. Sy at Rachel.
"Oh kumain ka na anak." paanyaya ni Mrs. Sy.
Umupo si Angel sa hapagkainan at kumuha ng kanyang pagkain. Sa pagkakataong iyon ay nabasag ang katahimikan ng magsalita si Rahel.
"Uy ate, ano daw 'tong naririnig ko na break na kayo ni kuya Tom?"
"Tumahimik ka." bakas sa mga salita ni Angel ang seryosong tono nito.
"Sige na ate mag share ka naman diyan oh." pangungulit ni Rachel.
"Sinabing tumahinik ka na eh! Ba't ba ayaw mong makinig? Ang kulit mo!" sigaw ni Angel.
Napatingin sa kanya sina Rachel at Mrs. Sy. Kahit ang yaya nilang nagse-serve ng juice ay parang aatakihin sa puso.
"Ah... I'm sorry." saad ni Angel, bumalik uli siya sa pagkain.
"Ano ba ang nangyayari sa'yo Angel? parang ang hirap mong intindihin ngayon ha? Kanina ayaw mong kumain, tapos pumunta ka nga dito parang wala ka namang gana, at ngayon mainit ang ulo mo." pag-aalalang sabi ni Mrs. Sy.
"Mommy gusto ko pong mag-transfer ng school."
Natigilan sina Mrs. Sy at Rachel.
"Bakit anong problema sa Mary Magdalene University?"
"Nothing, I just want an experience, at gusto kong magtransfer sa middle-class school, yun bang malalayo sa mga sikat na estudyante, yung simple lng."
"Middle-class shool? Are you insane Angel Sy?"
"You're the heiress of our company, hindi basta-basta ang seguridad na mabibigay sa'yo ng ibang school. Unlike Mary Magdalene."
"Eh education lang naman po ang kukunin ko eh, i don't have to pay our fortune para lang makatapos ako, halos Php 500,000 ang nagagastos nito sa isang sem kung tutuusin at isa pa, hindi ko naman magagamit ang education sa business natin, so please mom, allow me. And mom, my decision is final, and I don't have second thoughts for it, at kung ano man ang mangyari sakin, I swear hindi ko kayo sisisihin, total, decision ko naman to eh. What I want you to do is manage my papers. And I want to transfer school as soon as our quarterly exams are done."
"Ate? sure ka na ba diyan sa decision mo? Panu yung mga friends mo dun? Si kuya Tom?"
"Wala na kami ni Tom, nakipagbreak na 'ko sa kanya."
"Ano? Bakit? ang tagal niyo na ha?" tanong sa kanya ng mommy niya.
"Nagloko kasi siya eh. Alam niyo, we should not talk about him, especially na nasa harap natin ang grasya."
"By the way Angel, saan mo pala gustong magtransfer?"
"May napag-isipan na po ako, sa Paranaque University."
