Chapter 12 -- I Must Be Dreaming

23 1 0
                                    

Saturday morning
Diorama's Residence
GK's 21st Birthday

"Happy Birthday to me." Masayang sabi ni GK. Bumaba siya sa kanilang staircase at nagtungo sa dining area. "Yaya, bakit isang plato lang ang hinanda mo? Sina Mommy?"

"Ma'am, maaga pong pumasok sa Kumpanya si Senora, si Ma'am Carlisle nama po maaga daw po ang duty ngayon." Sagot ng katulong.


Nadismaya tuloy itong si GK. Nawala ang mga ngiti sa labi niya. "Gano'n ba? They didn't even remember my birthday." She sigh. Malungkot siyang umupo at nagkalumbaba.

"Ikaw, yaya, wala ka bang natatandaan ngayong araw?"

Sandaling nag isip ang katulong. "Uhm.. wala naman po, Senyorita. Meron po ba dapat?"

"What should I expect? Naging malupit ako sa inyo kaya wala kayong alam sa espesyal na araw ko." Halos pabulong na sabi niya saka na umalis ang katulong.

"At sino ba naman ang makaka alala sa kaarawan ng isang masamang katulad ko?" She sigh again.

Buong araw lang na nasa bahay si GK. Naisip niya na baka itetext o tatawagin siya ng kanyang Pamilya para batiin pero bigo siya. Walang text o tawag man lang. Na bo-bored na tuloy siya sa bahay. "Wala man lang naka alala sa birthday ko. Ang saya." Malungkot na sabi niya.

Mag ga-gabi na pero wala pa ring nangyayari sa birthday ni GK. Nakahiga lang siya sa kama niya. "Matutulong na lang ba ako sa birthday ko? Ang saya saya ko naman. Matatapos na ang araw pero wala pa ring nangyayari. Ano ba 'yan? Gano'n ba talaga ako kasama para mangyari 'to?" Nang biglang nag ring ang phone niya. Dali dali siyang napaupo sa kama at sinagot ang tawag. "Hey, Carlisle, buti naman tumawag ka." Sabik na sabi niya.

"Ate, mag bihis ka, pumunta ka ngayon sa MaryXavier."


"MaryXavier? Ano'ng gagawin ko sa UMX ng ganitong oras? Tsaka Saturday ngayon." Takang tanong niya.

"Ewan ko, tumawag lang kay Mommy ang Dean niyo, pinapapunta ka ngayon din. Basat, Ate, hintayin ka namin dito ngayon na."

"Pero Carlisle-----" Binaba na ni Carlisle ang kanyang phone. Nagtataka talaga si GK kung bakit pinapatawag siya ng Dean. "I don't remember doing anything wrong. Behave na nga ako eh. Hayyy... Di kaya ita-transfer na'ko ni Mommy sa ibang University? Huwag naman sana." Humiga ulit siya.

Kahit na hindi alam ang dahilan kung bakit siya pinapatawag ng Dean, nagbihis pa rin siya at pumunta sa MaryXavier.

Badtrip pa din siya hanggang ngayon. Ni isa kasi walang naka alala sa birthday niya. "Wala na ngang naka alala sa birthday ko, pinapa tawag pa'ko ng Dean. Ang saya talaga ng buhay ko." Inis na sabi niya habang nag lalakad siya papunta sa Dean's Office nang nakasalubong niya ni Anissa. "Anissa?"


"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa nila hinihintay."

"Ano bang kasalanan ko? Bakit ako pinapatawag ni Dean?"

Nagkibit balikat lang si Anissa. "Wala sa office si Dean, nasa Stadium siya. Tara na do'n bilis." Patakbo niyang hinila si GK papunta sa Stadium.

Pagbukas ng pintuan ng Stadium, nagtaka siya kung bakit ang tahimik at ang dilim. Bigla na lang din nawala sa tabi niya si Anissa. Kinabahan na tuloy siya at baka kung ano'ng masamang mangyari sa kanya dito.

Nagpatuloy siya sa paglalakad nang biglang bumukas ang lahat ng ilaw at nahulog ang mga kulay black and gold na balloons at confetti at biglang nagsigawan ang mga taong nando'n na, "Happy Birthday, GK."

Suicide LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon