CHAPTER EIGHT

7.6K 81 0
                                    

Mabilis na tumakas si Naomi sa lalaking nakabangga niya. May balak pa yata itong i-date siya. Iwas-pusoy na muna siya. Hindi dahil nagpapaka-reserved siya o dahil ayaw niya dito, mali lang kasi ang timing.

Gwapo naman ito at kakikitaan ng sunny personality sa unang tingin pa lang. Ang kaso, wala pa sa plano niya ang makipag-mingle sa ngayon.

Kailangan muna niyang mag-focus sa problemang kinakaharap niya. Hindi pa nga niya nalulusutan ang gusot niya sa lalaking antipatikong iyon, makikipag-date pa siya? Baka nga sa mga oras na ito, bilang na ang mga sandali niya sa isla.

Milya-milya na ang itinakbo ng isip niya nung umalingawngaw ang cellphone niya. Awtomatikong sinagot niya iyon.

"Hello, Cyndie. Kamusta na dyan?"

"Okey naman. Nangangamusta lang. Nag-eenjoy ka ba dyan?" bungad na tanong ng matandang sekretarya.

"Medyo.." at ngumisi. "Dalawang araw palang ako dito, missed mo na ako agad."

"Oo eh, wala nang nangungulit sa 'kin." natawa na lang siya sa sinabi nito at marahan na naglakad.

"Ay! Ngapala, may itatanong pala ako hija. Your grandpa was asking where you are, sasabihin ko ba? Nakakatatlong tawag na kasi eh, kaninang umaga lang." halata ang iritasyon sa tono nito.

"Mukhang hindi mo naman ako ma-mi-miss, may pumalit naman eh." napangisi siya. "But if he calls again, you're allowed to tell him. Siguro naman hindi niya ako masusundan dito."

"Okey, yun lang naman ang itinawag ko. I need to put this down, tapos na ang break time. Kumain ka na ba?"

"Yeah, kumain na ako." napangiti na naman siya nang maalala si Olay.

"Ah, buti naman. Nakasanayan mo na rin kasing magpalipas ng gutom eh." pagpapaalala nito.

Iniling-iling na lang niya ang ulo. "But if something happens or any update, call me. Just keep me posted."

"Oo na po boss."

"Okay, I'll see you soon. Bye." pinindot na niya ang end button at itinuon na ang attensyon sa paglalakad nang may makitang isang nagbabadyang panganib.

Muntik na niyang mabitawan ang phone niya nang makilala niya ang lalaking kasalubong niya.

Siya na naman! Kung minamalas ka nga naman oh!

Hindi siya nakakilos. Parang napako na ang mga paa niya sa kinatatayuan niya. Gusto na niyang umiwas dito pero hindi niya mai-hakbang ang mga paa. Hanggang sa huminto na ito sa harapan niya.

"Mag-isa ka 'ata. Hindi dapat hinahayaang gumagala ang isang katulad mo sa lugar na 'to, mahirap na, baka makapanakit ka pa." sarkastikong banat ni Ryuhei.

Ano bang gusto niyang palabasin? Mukha ba akong serial killer? Sa hitsura kong 'to? Ang ganda ko namang killer..

"Namamasyal lang naman ako ah. Masama ba 'yon? No one prohibits me to do that." sabay irap niya dito.

"Mukhang wala ka talagang balak na humingi ng tawad sa 'kin ano? Alam mo kung ano ang kaya kong gawin. Baka gusto mong sa mga oras na 'to ay lumangoy ka pabalik ng Maynila?" pananakot nito.

"Hinding hindi ko gagawin 'yon, may pambayad naman ako ng ticket sa eruplano. At saka kung talagang itutuloy mo 'yang banta mo, di sana hindi na ako nag-stay ng isang gabi dito." pasupladang tugon niya.

Hindi naman sa pagmamalaki pero magaling rin siyang mang-bluff, baka naman kasi makalusot.

"Oo nga naman. Bakit ba hindi ko naisip yun? Sa dami ng pwede kung ipataw na parusa, bakit yung madali pa. Na-realized ko kung palalayasin kita, hindi ako makakaganti sa ginawa mo. Ano kaya kung bigyan kita ng mga tasks para makabawi ka sa'kin." humakbang ito palapit sa kanya. "Masakit at malaking abala ang ginawa mo sa 'kin, ano kaya kung gawin ko rin yun sa 'yo?" saka na ito nag-iba ng anyo. Mula sa nakakainis ay nakakatakot na ang kinikilos nito.

Stallion Island (Adaptation) The Flippant Lord and The Defiant PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon