CHAPTER TWENTY EIGHT (THE PREPS)

14.2K 165 34
                                    

She was just staring at Ryuhei's back while he was walking away from her. She doesn't have any idea that his heart was so heavy that moment. Every step he made was heavy. This was the first time that he felt this kind of homesickness.

Marahil, tama nga sila. Kapag mahal mo na ang tao, halos ayaw mo nang mapahiwalay dito. Patuloy ang paghakbang niya hanggang sa marating niya ang private plane na nirentahan niya sa kaibigan at kapwa village lord na si Raddison.

Matapos maikarga ang ilang mga gamit niya, pumuwesto na siya sa may private seat pero bago yun, pumunta siya sa pilot cabin at kinausap ang designated pilot niya.

"Warren, sa Manila muna tayo. May kakausapin lang ako, "

Napapitlag ito at ang kasama nitong co-pilot.

"Ha? Akala ko sa Dubai ang destination natin? Bakit?"

"Basta, wag ka nang magtanong. Saglit lang ako dun. Bilis, kailangan kong humabol sa schedule ko." yun lang at pumunta na siya sa upuan niya.

Makalipas ng ilang oras, narating agad nila ang Maynila. Nagpa-cleared siya sa Villamor airbase na agad namang sinagot ng kakilala niyang chief ng AFP kaya nakalusot agad sila. Matapos nun ay pinakain muna niya ang dalawa bago sumakay sa ni-rent niyang BMW.

Binagtas niya ang kahabaan ng EDSA bago tumuloy sa destinasyon niyang opisina ng pakay niya. Ang totoo niyan, hapon pa naman talaga ang flight niya kaso inagahan niya lang dahil sa appointment niya sa taong tutulong sa kanya para maisakatuparan ang balak niyang surpresa sa kasintahan. Medyo na-traffic siya dahil rush hour na rin at Monday pa. Mabuti na lang at natunton agad niya ang Office Building ng Bellasario Wedding and Events sa may Quezon City.

Agad naman siyang na-accommodate lalo't nakalagay pala siya sa VIP list. Pagkapasok niya sa office ng pakay niya ay sinalubong agad siya ng isang babaeng naka-all white outfit. Naka-blazer at pantsuit ito at mukhang prominente sa suot na diamond studded wrist watch na hindi niya napansin ang tatak. Naalala tuloy niya ang kasintahan at naisipang regaluhan ng mamahaling relo pag-uwi niya.

Ngumiti ang babae na sa tantsa niya ay nasa late 20's na rin. Katamtaman ang tangkad at kagaya ng girlfriend niya, mukhang mahilig din ito sa heels.

Bumungad ito ng "Good Morning Sir, let me introduce myself, I'm Amaria Lizandro of Bellisario Wedding and Events. You must be the person that my cousin told me. You're Mr. Ryuhei Tezuka, Right?"

"Yes, I'm Ryuhei Tezuka, a friend of Rave. He referred me to you and he gave me a big talk about your works. So, I guess you can help me."

"Yes sir, how am I help you? Before anything else, Sir, please sit down. Do you want coffee or something you'll prefer I'll get for you?" alok nito.

"No, no. I'm in a hurry too, I just want to cut this short if you don't mind. I'm here to ask if you can give me a nice idea for my upcoming wedding, I'm really frustrated to make it on time, plano ko kasing gawin 'to bago matapos ang taon. Kaya ba?"

"Sure, sir. Kaya naman. Bale, ano po bang theme ng kasal ang gusto n'yo?"

"Actually Miss, tungkol dyan, wala akong kaide-ideya. Pero kung makakatulong yun mga suggestion mo, mas maganda. By the way, here's my card." inabot niya ang calling card niya.

Ininspeksyon nito ng mabuti at napatingin agad sa kanya. Mukhang nakilala na siya agad nito. Tumikhim ito at umayos ng upo.

"Celebrity po pala kayo sir. Baka gusto n'yo ang Traditional Wedding? Yun po kasi ang in-demand ngayon. Yung venue ay isang old at architectural picturesque na simbahan. Sa Vigan, magaganda ang mga Spanish churches nila dun."

Stallion Island (Adaptation) The Flippant Lord and The Defiant PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon