Gas-gas

37 2 0
                                    

Sabi mo ay "sorry"

at ako'y naniwala

pero tumawa ka lang pagkatapos,

dahil ako'y nagawa mo nanamang tanga.


Sabi mo di na mauulit,

kaya ako'y umasa

Humahanap lang pala ng tyempo,

para humanap ng iba't

di ko mahalata


Sabi mo ako'y nag iilusyon,

gumagawa lang ng kwento.

Di ka lang makahanap ng palusot,

kaya ako'y binabaliktad mo.


Sabi mo ako lang,

at wala na'ng iba.

Oo nga ako lang,

ang walang alam

na marami pala'ng kinakasama.


Nahuli ka sa akto

pero ako'y dinramahan mo

"Patawad sa ginawa ko" sabi mo

ayon nga ba?

o "patawad kase nalaman ko?"


Malapit na'ng matapos

ang monologong ito

kasabay ng ati'ng kwento'ng

puro pang ga-gago mo


Kaya sa mga lalake na,

nag sasabi'ng "ibahin mo ako"

gas-gas na yan saamin

pare-pareho lang kayo



-better-than-revenge

BITTERNESS- At It's FinestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon