#inspired by The diary ng Panget....
Opposite attracts o
birds with the same feather flock together.......
Alin ka naniniwala sa dalawa???
Pero sa tingin ko kahit alin diyan ang pipiliin natin pare pareho lang tayong naging tanga when it comes to love.tama ako diba??
Naniniwala ka rin ba sa happy ending???
Eh.......
Sa forever kaya naniniwala Karin ba??
Hindi naman magulo ang puso nakikiayon lang sa ating isip ...sinisisi natin sila sa na kasangkot sa ating mga
Nararamdaman mapasaya man o mapalungkot na eksena ng ating buhay.Tanungin nga natin ang ating mga sarili kung sino nga ba talaga ang responsible sa ating mga feelings...!!!!!!
Mahirap maging maganda
Bawat galaw mo tinitignan nila.
Magkamali ka, hindi makakatakas sa kanilang mga mata.
Ang mahirap pa, pag gusto mong mangulangot kahit patago...
Hindi mo magawa.
Mahirap maging matalino
Kelangan lahat alam mo.Lahat itatanong sayo.
Lahat gusto mong alamin.
Mismong evolution ng ipis, gusto mong madiscover.
Mahirap maging sikat
Lahat sinusundan ka.
Kahit saan ka magpunta, andyan sila.
Sa flash pa lang ng camera nila, hindi na kelangan pa ng ilaw sa gabi.
Wala ka ng privacy.
.
Lahat inaalam nila, mismong napkin na ginagamit mo gusto din nilang alamin.
Kulang na lang talaga tanungin nila kung kailan ang monthly period mo.
Mahirap maging mayaman
Lahat nakadikit sayo.
Lahat nakaasa sayo. Lahat umuungot sayo.
Lahat gusto magpalibre.
Hangga't may singkong duling ka pa sa bulsa, hindi ka nila tatantanan.
Pero sa kabila nito ang hirap ding maging pangit
Lahat nalang ng tingin humuhusga saiyo
Mga matang nandidiri,mga maarteng mukha namang kabayo
Pinagbubuntunan ka ng galit na animo'y
Pinaglihi ka sa sama ng loob.
Mahirap din ang hindi mayaman....akala nila palagi saiyo wala kang katuturan sa mundo..
Ang Saklap NUH??????????//
ASAN ANG HUSTISYA......???????????????????????
Ako si Zhayne Angelique Balmeida just call me ZAB ,di naman ako pangit nasobrahan lang kayo ng kaartehan kaya kung makapanglait kayo wagas.17 years old,ipinanganak sa balun balunan street barangay di mawari.....weird ba????
Wala ako ibang lahi bukod sa pagiging maganda...CHAARRR....Ang ibig kong sabihin wala na akong ibang lahi bukod sa pagiging isang magandang Pilipina.Ipinanganak akong maganda pero walang nakakapansin dun kundi ang salamin lang namin sa bahay. Minsan hindi ko nga mapigilan ang sarili ko na pisilin ang pisngi sabay tanong kung bakit ang cute cute ko.
Sa lahat ng salita sa mundo iisa lang talaga ang pinaniniwalaan ko wala ng natitirang tao ang puwedeng pagkatiwalaan sa ngayon.Sa labimpitong taon kong pagtira sa mundo ni anino ng tatay at nanay ko diko pa nasilayan.Ewan.....Sabi ng lola ko,kung lola ko nga siya matapos daw magdonate ng sperm cell ang tatay ko hayun nawala nalang na parang bula.Ang nanay ko naman matapos akong maipanganak at mawalan na ng gatas ang katawan niya napagdesisyonan naa niyang mangibang bansa para raw kahit papaano may maitutulong siya sa pamilya namin.At hayun nga iniwan ako sa aking lola daw.
Namo...ayoko na baka bukas makalawa nasa MMK ang kuwento ko mashowbiss na naman ako..As if naman parang may paki alam diba? Geh!!! Barahin ko sarili ko masaya to.
Buhay nga naman...sabi nga ng Boysen ang buhay daw minsan toxic kailangan mo lang huminga.Kaya heto ako ihinihinga nalang ang problema sa loob ng jeep dahil ang daming pasaherong nagsisiksikan na sari sari ang amoy.....
HAY NAKUH!!!!!!
pagkahaba habang prologue...
YOU ARE READING
Beauty In Shadows
Randomsomeday you will rise and shine no matter what happens.Let the melody of the past that blurred with tears finds its way to your destiny.... I'm Zhayne Angelique Balmeida 18 years old girl who never had given a chance to show who iam and what I am c...