chapter 2

2 0 0
                                    


Ng natapos kong ikuwento ang lahat si Chloe naman ang sumunod na napahagikgik kulang nalang talaga humiga siya sa loob ng jeep at doon mamilipit sa kakatawa.Hanggang sa makarating na kami sa school ay tawa parin kami ng tawa na parang baliw lang dahil kami lang ang nakaintindi sa eksena namin iyon.Pumasok na kami sa loob ng room at nadatnan ang iba naming kaklase na ibat iba ng ginagawa.

Nga pala grade 11 na kami ng best friend ko pareho kaming matalino top 1 ako at pangalawa naman siya.Pero hindi iyon ang naging hadlang upang mawala ang pagkakaibigan namin.Ang pagkakaiba nga lang mayaman sila at ako heto isang kahig isang tuka.Pero mas diyosa ako kaysa sa kaniya.hahaha..

Magkatabi kami ng upuan malapit sa may bintana para kitang kita ng lahat ng mga dumadaan.

Ano nagiging judgemental ka na naman sasabihin mo na naman na doon ko nais pumuwesto para Makita ko ang crush ko na dumaan.!!!! Pero huwag kang mag alala half truth naman....

Dahil sa masyado kaming maaga naisipan ko munang matulog napuyat ako kagabi sa paghahanap ng signal nakarating pa nga ako sa pinakadulong sanga nga akasya sa likod bahay naming para lang makahagilap ng signal at nagkataon naman na pinagpala ako kagabi kaya iginapos ko nalang ang sarili ko sa may sanga para hindi ako maahulog kung may nakakita lang sakin sa mga oras na iyon sigurado ako sasabihin niya sa akin na ang tanga tanga ko dahil nagpapakahero ako para lang makahagilap ng signal.

Sa gitna ng aking pag iisip may pumasok na tatlong lalaki sa room naming na naging dahilan ng malaks na tilian ng mga kaklase kong babae at binabae.Kami asus.....ang sarap kayang matulog.Ang kaibigan ko nagbabasa ng libro samantalang ako inaantok na ewan.

Maya maya dumating na ang teacher namin sa science.

"good morning class....owhhhh...parang may bagong mukha ng school natin ah would you please come infront and introduce yourself"sabi ng teacher namin na dalaga at halata sa tinig niya ang landi.

"hay naku ang kati"medyo malakas na sabi ni Chloe.Lumingon sa kaniya ng lahat pero ngumiti lang siya sabay tingin sa akin.Naintindihan ko nan ang ibig niyang sabihin.

"asan bhest may alcohol ako dito"at sabay kaming napahagikgik.

Pumunta ang isang lalaki sa harap at nagpakilala.

"hi guys im Lester Fuentes,18"

"Guwapo pero hindi pasado" narinig kong sabi ni Chloe.

Hayan puro kami comment sa likod pero ang talanding kaklase namin hiyaw lang at inarte ang maririnig.Sumunod naman ang isa at mukhang maangas pero maputi.

"gud morning,Jhon Castillo,17"

Sabay kaming napabuntung hininga ni Chloe at sabay rin kaming napailing.

Sumunod ang sa tingin ko pinakaguwapo sa lahat.Teka nong sinabi ko GUWAPO...ngeeee....hindi pala binabawi ko na....

"Dwight Dela Vega,17"

Ito ang matindi di pa tapos magsalita parang kinikiliti na ang mga babae sa kilig.Pero kami as usual nakatunganga sa kawalan.

"kung ikaw ang papipiliin ko Zab alin sa mga cute daw na mga iyan ang pipiliin mo?"

Muntik na akong masamid sa tanong ni Chloe.

"wala"pormal kong sagot.

"bakit wala'ulit nitong tanong .Mukha niya parang sawi.

"kung mag kaanak man ang pusa namin na pamangkin ng kalabaw ninyo na anak ng asong kapitbahay ninyo na tito ng palakang taga Mindoro na magiging kamukha ng alin diyan sa tatlong tukmol na iyan sure ako yun ang pipiliin ko?"sabi ko pero nalakasan ata namin dahil ang sama na ng titig samin ang mga kaklase naming babae na sa tingin ko ay pare parehong buang.

Tumabi sa amin ang tatlo dahil sa part nalang namin ang natitirang bakante.Labis na inggit ang makikita sa mata ng mga haliparot naming kamag aral ngunit hindi nalang namin ito ininda bagkus ako natulog maghapon.;;;;.......

ANSAYA!!!!!

Beauty In ShadowsWhere stories live. Discover now