chapter 3

4 0 0
                                    


Hiyawan ang maririnig sa buong paligid,palakpakan ng mga tao kasabay ng kanilang pagsigaw sa aking pangalan.Sa gitna ng stage doon nakatayo ako habang ikinakaway ang isang kamay habang ang isa namn ay nakahawak sa isang malaking boquet ng bulaklak na nakataas ang aking noo at baba.Nanalo ako bilang miss universe.Lumakad na ako upang kunin ang perang napanalunan ko ngunit biglang nagdilim ang paligid unti unti ring nagliwanag pero kasabay nito ang pagbuhos ng maraming tubig na hindi alam kung saan nanggaling nakita ko ang case na naglalaman ng perang napanalunan ko sana nakalutang lang sa tubig at animoy kumakaway ito sa akin na iniimbita ako para kunin siya.Mabilis akong lumusong sa tubig at binilisan pa ang paglangoy dahil unti unti ng lumulubog ang pera.Biglang may sumigaw sa aking tabi.

"Ano ba Zab,aalis na ba tayo at uuwi o magdamag ka na dito at dito ka narin matutulog?Wait lang kung ganun sasamahan naman kita magpapadeliver nalang ako ng katol para may papapakin natin dito habang nag iistar gazing tayo."

Teka kilala ko ang boses na iyon ah....Iidinilat ko ang aking mga mata at nakita ko si Chloe na nakakunot ang noo at nanlilisik ang mga mata.

"Ano pang tinitingin tingin mo diyan bangon na at umuwi na tayo kanina pa kita ginigising para kang mantika kung matulog may palangoy langoy portion ka pa"asik niya sa akin.

"Teka yung pera ko kailngan kong makuha iyon teka yung korona ko asan yung flowers....best nanalo ako bilang ms universe"patalon talon pang sigaw ko sa kaniya pero tanging batuk lang at sipa ang nakuha ko sa kaniya.

"Ano ba:) magaling ka ba talaga oh nababaliw ka na galit na ako saiyo Zhayne Angelique ah...galit na galit na ako sa iyo'

"best galit ka na niyan?"tanong ko sa kaniya dahil halata naman sa mukah niya ang pigil na tawa.

"hahahahahahaha,,,naku po...hahahahahaha,,,aray"

Ngayon ako naman ang nambatok sa kaniya.Tinanong niya kung bakit ko siya binatukan.

"kotang kota mo na eh mukha na akong priceless at timang sa kakaisip kung bakit ka tumatawa."

"hihihi kasi naman bhest eh sabi mo nanalo ka bilang ms universe oo lam ko maganda ka pero nangarap ka na nga yung alam mong malayo pang mangyari...shiit lang bhest ah...shit lang talaga!!!!"

"Chloe isa pang shit kakatayin na kita"

"Oo na wag na tara na uwi na tayo bago pa ako mamatay sa kakatawa dito"

Sinamaan ko siya ng tingin pero di parin siya natinag kaya hinabol ko siya at hinampas ko gamit ang sapatos ko na tuluyan ko nang binitbit para maabutan lamang siya.

"hoy babae ka bumalik ka kailan pa humithit ng mabahong medyas ha at dika pa talaga nagsabi at ibinigay ko sana ang isang kartong katol ko sa bahay bumalik ka dito..huhuhu...'

Naka concentrate ako sa pagtatakbo ng may BUMANGGA sa akin...OO binangga ako.....

'Ano ba,kung makabangga ka wagas ah....sayo'ng daan.... saiyo....??"sarkastiko kong sabi ng di man lang tumitingin sa harap ko kung sino ang bumangga sa akin.Ngayong galit na ako wala na akong paki kung sino ang hinayupak na ito principal man o prinsipe talagang tatalakan ko na may kasama pang sapak.

Tnignan ko siya ng masama kala mo naman kung sinong guwapo kung makaasta.

"che!!!!kala mo naman kung guwapo mukha namang tsonggo"sinabayan ko ng malakas na pagdura sa sahig.Inikot ko ang mga mata ko na para bang sinasabi nito na:

"duhhh!!!!talo ka parin sa beauty ko"

Tumakbo nalang ako ng mabilis para pakainin ng medyas ang babaeng kanina ko pa sana napatay kung hindi lang sa damuhong na iyon.Asan na nga ba ang babaeng iyon teka!!???

Muntik na akong napahagalpak ng tawa ng marealize ko kung ano ang hitsura niya ngayon...

Nagtago ba naman sa may poste ng ilaw eh????!!! Mata lang naman niya ang nakatago.....abnormal talaga......



#lame update :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beauty In ShadowsWhere stories live. Discover now