Scarlett's POV
Naglalakad kami ngayon ni Nixon sa gubat. Sa bandang to, masyadong tahimik.
Hindi ko tuloy alam kung kakabahan ako o mapapalagay.
"Teka.." napalingon ako sakanya ng bigla syang magsalita. Nakita ko pang nilagay nya yung kamay nya sa ilalim ng baba nya.
Ano namang iniisip nito?
Pinanliitan ko naman sya ng mata nung bigla bigla syang lumingon sa direksyon ko.
"Bakit?"
"Hindi ko pa alam yung pangalan mo!" exaggerated nyang sabi habang kala mo napaka importante nun.
Pero oo nga..
Hindi naman nya tinatanong e. Bahala sya.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi sya pinansin.
"Halaaa. Anong ngang name mo? Yung akin sinabi ko sayo, diba?" pangungulit nya pa at nagawa pang umangkla sa braso ko.
Agad ko naman yung tinanggal at hinarap sya.
Tinaasan ko sya ng kilay. "Bakit tinanong ko ba yung pangalan mo nun?"
Bigla syang napa isip at agad na napa simangot.
Bakit ganito tong lalaki na to?
Lalaki ba talaga to?"Kahit na! Sabihin mo na kasi. Bahala ka mag iingay ako." pananakot nya pa.
Napalunok naman ako balak nyang gawin. Kapag nag ingay sya malaki ang possibility na pwede kaming makita dito.Napaka isip bata!
Huminga ako ng malalim.
"Scarlett." tama lang yung lakas ng boses ko at alam kong narinig nya yun. Umalis ako sa harapan nya at tumingin sa paligid.
Ilang araw na ba kami dito?
2 or 3?
Lumingon ako kay Nixon dahil itatanong ko sana kung ilang araw na kami dito pero nagulat ako dahil ang lapit ng mukha nya sakin.
My heart skipped a bit.
Agad akong napaatras sakanya.
Nakangisi sya sakin na parang tuwang tuwa.
"B-bakit ba ang lapit mo?!" hinampas ko sya gamit yung kamay ko.
"Nothing. Your name suits you well." pagkatapos nun bigla nya akong pinitik sa ilong. Umalis na sya sa harapan ko at nauna ng naglakad.
Napahawak ako sa ilong.
Masakit ah!
Hinabol ko sya at agad na binatukan. Pero tinawanan nya lang ako bigla.
Abnormal talaga.
Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mapatingin sakanya.
Bakit ganun?
Minsan masungit sya.
Minsan naman napaka isip bata nya.
Minsan din ang seryoso nya.
May tinatago ba sya sakin? May hindi ba ako alam?
"Huwag mo titigan yung mukha ko. Alam ko naman na gwapo talaga ako e. Wag ka naman masyadong pahalata." lumingon sya sakin sabay ngisi. Napapansin nya palang kanina pa ako nakatitig sakanya?
Napanganga ako sa sinabi nya. Masyado ata syang nagbuhat ng sarili ng bangko.
"Pwede ba kitang tanungin?" tanong ko sakanya at agad syang napalingon sakin.
BINABASA MO ANG
Secrets of the Devil
Mystery / ThrillerThere are two options to live. Kill or get killed? •laxylight