Scarlett's POV
"I don't kill people without a reason." mabilis kong sagot sakanya.
"But I will kill you now without a reason." aniya at may kadugtong pa na nagpabalot ng kaba sa dibdib ko.
"Because this is a part of this game." mabilis syang lumayo sakin at hinanda yung daggers nya.
Hindi ko alam kung bakit pumikit nalang ako kahit alam kong mamamatay na ako ngayon.
Ito na ba yung katapusan ko? Nanginginig yung kamay ko at unti unting lumabas yung luha sa mata ko. Hindi ko manlang nayakap si Kuya bago ako mamatay.
"You can do nothing about that."
Naramdaman kong hinagis na nya yung dagger papunta sakin.
I didn't imagine that this is the end of my life.
Ang tagal tagal ko ng nakapikit pero wala naman akong nararamdaman na sakit.
Wala akong nararamdaman kasi patay na ako?
No. Hindi.
Dahan dahan kong minulat yung mata ko at tumambad sakin yung mukha nya. Kitang kita ko sa mata nya yung hindi makapaniwala sa nangyayare. Yung tingin nya na parang ang swerte swerte ko.
Hindi ko sya maintindihan.
Tumingin ako sa likod ko pero hindi ko yun natuloy dahil bigla na lamang nyang hinablot yung leeg ko.
Ang higpit. Sobrang sakit.
Tumingin ako sa mata nya at nakita ko itong galit na galit.
"Maswerte ka lang ngayong araw. Pero hindi pa tayo tapos." pagkasabi nya nun hinigpitan nya pa lalo yung pagkakasakal sakin at halos hindi na ako makahinga.
"B-bitawan mo a-ako..." humihinga ako ng malalim pero hindi ko makaya kasi masyadong mahigpit yung pagkakasakal nya sakin.
Tumingin ulit sya sa likod ko na parang may tao doon na pumipigil para hindi nya ako patayin.
Tinulak nya ako gamit yung kamay na nasa leeg ko kaya napaupo ako sa lakas ng impak ng tulak nya.
Naramdaman ko na may tumusok na kahoy sa kamay ko. Dahan dahan kong inangat yun at nakitang puro dugo ko iyon.
Nangingilid yung luha ko sa sakit ramdam ko pa yung sugat ko sa binti.
Inangat ko yung tingin ko sakanya at nakita kong paalis na sya. Sa sobrang dilim ng paligid likod nalang nya yung nakikita ko.
Pinagmasdan ko yung katawan ko.
Puro sugat at galos. Ang sakit parin ng leeg ko dahil sa higpit ng pagkakasakal nya.
Tuluyan na akong naiyak.
Sabi ko, kailangan kong maging matapang pero bakit sa sitwasyon na to hindi ko mapigilan?
Pinunasan ko yung luha ko gamit yung braso ko dahil madumi yung parehas kong kamay.
Habang nasa ganung kalagayan, umiyak ako ng umiyak. Wala na akong pakialam kung may makarinig man sakin.
Takot na takot ako.
Akala ko...
Akala ko mamamatay na ako kanina. Akala ko wala na akong oras para makita ulit si Kuya.
Sya lang yung masasandalan ko sa oras na ganito pero wala. Wala sya dahil na rin sa malupit na tadhana.
Sa sobrang pagiyak ko hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa ganoong posisyon.
BINABASA MO ANG
Secrets of the Devil
Misterio / SuspensoThere are two options to live. Kill or get killed? •laxylight