Tatlong linggo ang nakaraan at sa tatlong yun wala kaming pansinan ni Marco as in wala, walang awayan, walang bangayan sa ngayon mas tahimik pa siya kay Kenneth, okay na din to kung tutuusin ayaw ko ng makipag away sa kanya. Pero madalas ko siyang nakikitang nakatingin sakin iniiwas ko lang ang tingin sa kanya. Bakit kaya? Natauhan? Hayss ang hirap mag isip ng tanong lalo na kung wala namang sagot.
"Ate gising na an..... Ay gising kana pala. Mag ayos kana ate nandiyan na yung mga tropa mo sa baba."
"Sige sige mag aayos nako lumabas kana at isara mo ang pinto ha."
Monday nga pala ngayon at may pasok. Nandiyan na pala yung apat sa baba nakasanayan na kasi nilang ihatid at sunduin ako dito sa bahay. Pero ewan ko pa din kung bakit sumasama pa si Marco eh hindi naman siya nag eenjoy.
Pababa nako ng hagdan ng nakita ko sila na nasa kusina at kausap si mama. Ano naman kaya pinagkukwentuhan ng mga to?
"Ehem ehem" pagpapapansin ko at mukhang effective naman dahil tumingin silang lahat sakin.
"Ay anak nandiyan kana pala tara kain na para naman makaalis at makapasok na kayo."
"Hi Patty." Bati sakin ni Kenneth
"Uhmm hello" kiliiiig nanaman this girl. Haysss
Kumakain na kami, ang daldal ni mama kung ano ano kinukwento halata namang hindi sila interesado nakakahiya na kaya binilisan ko nalang kumain para matapos na, ng matapos nako lumayas na kami agad at nagpaalam nalang kay mama.. hayss natapos din.
__________________
Nandito na kami sa school, after flag ceremony pumasok na kami sa room namin. As always kunyari makikinig kami sa mga teachers namin pano halos binabasa niya lang yung buong book, hindi ba siya napapagod kakasalita?
Bigla nalang kaming nagising ng marinig namin ang salitang project!!!!
Lahat kami nabuhay, gagawa daw kami ng 10 research at gagawan namin ng reactions at ang matindi bukas na ang pasahan haysss grabe tong si sir di man lang ginawang friday nalang._________________
Break time namin, sabay sabay kaming lima bumaba, habang kumakain kami napagusapan namin yung tungkol sa project at nagsuggest naman si Steven.
"Guys kung sa bahay nalang tayo ni Patty gumawa ng project natin. Okay sa inyo?"
"Okay lang sakin pero si Patty pa rin ang masusunod bahay niya yun eh." Sabi naman ni Michael.
"Okay lang sakin." Sabi ko sa kanila. mas okay na din sa bahay ko kaysa naman sa bahay pa nila hindi na papayag si mama nun.
Sumang ayon naman sila, oo pati si Marco. Ang gulo nga ng lalaking to eh naiinis siya sakin pero okay lang sa kanya na nakakasama niya ako araw araw, pero siguro no choice lang talaga pano ba naman kasi mas gusto pa yata akong kasama ng mga tropa niya kaysa sa kanya tssk. Nakakapanibago nga hindi na siya umaangal, go with the flow nalang siya hindi na kasi siya umiimik.
Pabalik na kami ng room ngayon ng biglang may tumawag kay Kenneth.
"Kenneth!"
Nang mapalingon si Kenneth kung san niya narinig ang pangalan niya, halata sa mukha niya na nagulat siya sa nakita niya. Sino ba kasi tong babaeng to?
"U-uy Sophia ikaw na ba yan? Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito? Kelan kapa nakauwi? Nauutal pa talaga si Kenneth. Hays sino ba to?
BINABASA MO ANG
I'm One of the Boys
Teen Fiction(One of the boys): Paano kung ang boyish na babae na si Patty Gonzales ay matrouble sa apat na magkakaibigang lalaki na si Kenneth Sebastian, Michael Severio, Steven De Castro at Marco Esteban na nakilala niya lang sa isang university na pinapasukan...