Patty's POV
Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit. Whooooo! Ang oa ko naman pupunta lang naman si Marco dito sa bahay ko kaya ayos lang. Pero may iba talaga sa nararamdaman ko eh parang kinakabahan pero mas marami ang naeexcite.
Shit! basta I just need to act normal. Gagawa lang naman kami ng article at ang napili pa nga namin is about sa love. Haaayss.
Teka anong oras na pero bakit parang wala pa siyang message? hay nako nevermind basta hihintayin ko nalang kung anong oras siya dadating. Ihahanda ko na tong mga gagamitin naminpara pagdating gagawa nalang kami para maaga din kaming matapos.
Sila Kenneth kaya nakagawa na? Haysss erase erase dapat hindi ko na sila iniisip. Bakit ba ganito bakit ba ako nagpapanic. Ghaad Patty just relax. Eh pano ba naman kasi first time to oh. Hindi naman kasi kami ganito dati. Ay basta! That's it! Act normal.
Anong oras na, naayos ko na ang mga gamit namin nakakain na din ako pero wala pa siya. Wala ding message. Tuloy ba kami? Haysss ano ba to lalo tuloy akong kinakabahan na may kunting disappointment. Ano ba to!!! disappoint? Bat naman ako madidisappoint?!
_______________________
Omg!! nakatulog ata ako dito nako nakatulog sa sala. Unti unti kong binukas ang mga mata ko and shit! M-marco!!! Tumayo naman agad ako sa kinahihigaan ko.
"Marco!! Nandyan kana pala I'm sorry nakatulog ako ang tagal mo din kasi eh." sabay ngiti niya lang sakin. Shet ang gwapo! ayyy erase erase!
"Okay lang. Sorry din ang tagal ko may pinuntahan pa kasi ako kaya medyo nalate ako hindi na din ako nakapag online kasi nagmadali nako." pagpapaliwanag niya.
Kaya naman pala eh may pinuntahan. Pero teka bumalik nanaman ang kaba ko. Kanina pa kaya siya nandito at nakatingin lang sakin habang natutulog?! Ghaaaad!!! wag naman sana.
"Ah Marco kanina ka pa dito? P-pano ka nakapasok?" Tanong ko.
Sasagot na sana si Marco pero may sumingit.
"Pinapasok ko na ate. Sorry hindi na kita nagising sabi kasi ni kuya Marco hihintayin ka nalang daw niyang magising eh." sabi ng magaling kong kapatid na si Shanelle habang pababa ng hagdan. Hay nako kahit kailan talaga. Nakakahiya for sure nakita ni Marco yung pangit kong mukha habang natutulog. hayss!!!
"Uhm sorry kung naabala ko ang pagtulog mo" sabi ni Marco.
"Ano ka ba okay nga yun eh. Tsaka kailangan na din nating gumawa ng article." sabi ko naman
Kinuha ko na yung gagamitin namin. At nag umpisa na kaming gumawa.
Nagsearch muna kami about love and we will summarize all the informations. Actually hindi nako kinakabahan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. basta!
Pano ba naman kasi iisang laptop lang ang gamit namin kaya ang lapit namin sa isa't isa kaya baka naririnig niya na yung tibok ng puso.
"Ahm sige Marco magsearch ka lang dyan ako na lang ang bahala sa format and designs ng portfolio natin." sabi ko sa kanya para naman may ginagawa din ako hindi yung nakatitig lang ako sa screen ng laptop pati sa mukha niya. Ayy hindi anong mukha!! pero totoo naman hayss tanggapin mo na kasi Patty!!
"Ahh sige ako nalang dun sa mismong article." Sagot naman niya. Haysss makakahinga na din ako ng maluwag.
Tumango nalang ako sa kanya at nag umpisa nang gumawa. Marunong naman ako sa designs nako pagdating sa ganto magaling ako. Hindi naman sa pagyayabang hahaha.
Ay teka naalala ko si mama nasaan pala siya ngayon?
"Shanelle!!! si mama?" Sigaw ko sa kanya na nasa taas
"Umalis ."
"Ghad natural umalis I mean san nagpunta"
"Ahh sa kaklase niya nung highschool magkakaroon daw sila ng reunion eh"
"Ahh" Kahit kelan talaga napakapilosopo ng kapatid ko hay nako.
______________
Tapos na si Marco kumuha ng mga informations kaya naman ihahandwritten niya nalang ang mga iyon. Hindi na namin ipapaprint mas maganda pag handwritten. Masipag naman si Marco eh.
____________
Tapos na niyang isulat kaya naman tinutulungan na niya akong magdikit ng mga ginawa kong designs.
Kukunin ko na sana yung glue. Pero sheeet sabay pa kaming kumuha nun kaya naman nagkahawak ang mga kamay namin sabay tingin namin sa isa't isa.
Omayghaaad!!! bumalik nanaman ang kaba ko. Ang mga ganitong pangyayari sa teleserye at pelikula ko lang napapanuod eh. Grabe pala pag totoo na.
Kinuha ko na yung glue sabay ngumiti nalang ako ng pilit dahil sa kilig. Kinikilig ba talaga ako? Naguguluhan nakooo!!!
"Sorry" sabi niya sabay tawa.
Pansin ko lang ang tahimik niya ata ngayon kasi hindi naman siya ganyan nung isang araw. Ang daldal kaya niya nun.
Di kaya dahil dun sa pinuntahan niya kanina? Ay ewan hindi naman siguro. Nakakahiya naman kung itatanong ko kung san siya nagpunta.
Pero wala naman sigurong masama kung itatanong ko. Ang tahimik kasi e. Para naman may pag usapan kami. Bumwelo muna ako bago magtanong.
"A-ahm Marco san ka pala nagpunta kanina?" tanong ko
"Ahh wala pinapunta lang ako ni Papa dun sa Museum namin. Pano ako daw yung magmamana nun." Sagot niya.
"Oh yun naman pala eh bakit parang hindi mo gusto?" Tanong ko.
"Hindi ko talaga gusto. Hindi naman ako magaling magmanage sa mga ganyan at hindi naman yun ang pangarap ko may iba akong gusto. At i------- "
"Ha?" tanong ko. Hindi ko kasi naintindihan yung huling words na sinabi niya pabulong niya kasing sinabi.
"W-wala wala sabi ko gusto ko kasing maging seaman." Sabi niya.
"Wow seaman I'm sure kaya mo yun. Pero pano yung negosyo niyo? Alam ko ding kaya mo magmanage nun ikaw pa." sabi ko sa kanya sabay tapik sa kanyang likod.
Ngumiti nalang siya at nagpatuloy sa ginagawa namin.
Ang weird ni Marco ngayon ah.
Please vote to my story! thank you
BINABASA MO ANG
I'm One of the Boys
Teen Fiction(One of the boys): Paano kung ang boyish na babae na si Patty Gonzales ay matrouble sa apat na magkakaibigang lalaki na si Kenneth Sebastian, Michael Severio, Steven De Castro at Marco Esteban na nakilala niya lang sa isang university na pinapasukan...