Steven's Pov
Ito nanaman tayo ang dami kong napapansin. Kanina yung kay Kenneth, yung mga move niya kay Patty. Halatang halata mo talaga, at yung niyakap niya si Patty ibang iba talaga makikita mo na may kakaiba. Confirmed na, may gusto talaga siya kay Patty.
Pero ito naman ngayon ang gumugulo sa isip ko. Bakit magkasama si Marco at Patty kanina, hindi naman nila sinagot ang tanong namin. Pero mukhang pagod na pagod sila ano kayang nangyari? Paano sila nagkasama eh mainit ang dugo nila sa isa't isa? Gulat na gulat kami ng makita namin sila na magkasama at magkasabay na pumasok ng pinto ng room namin. Nang makita ko naman agad silang dalawa tinignan ko agad si Kenneth. Ang mukha niya, parang hindi mo maipinta for sure nagselos to. Pero nung tumingin sa kanya si Patty, binago niya agad ang reaction ng mukha niya at tumingin kung saan saan, yung parang walang pakialam sa nangyayari. Haysss ang gulo ng lalaking to.
Tanungin ko kaya si Patty kung bakit sila magkasama ni Marco, wala naman sigurong masama.
"Ahmm Patty, bakit kayo magkasama ni Marco? Anong nangyari? Sana naman sumagot siya.
"Wala niligtas niya lang ako, kasi may nambastos sakin yung dalawang lalaki diyan sa kabilang section, nagulat nalang ako nandun na siya, baka magccr din siya, kaya malaking pasasalamat ko na nanginig ang pantog niya." Sabi ni Patty na parang natatawa pa.
Hindi nako sumagot sa sagot niya sakin. Wala naman ng dapat sabihin. Pero sabi ko na eh may kaunting kabaitan pa tong natitira. Okay na yun at least may chance pa na magkasundo sila at may chance pa na mabago si Marco.
Teka bakit lumabas si Marco? Mukhang may kausap pa sa cellphone niya.
Nandito na si sir. Pumasok na din si Marco. Grabee ang weweird ng tao ngayon pati ako nagiging weird na.
"Okay guys makinig mayroon akong announcement!" Sabi ng sir namin. Ano kaya yun?
"Magkakaroon tayo ng.......... Acquaintance Party, isn't exciting?" Seryoso party nako mukhang masaya to, ngayon nalang kasi ulit magkakaroon ng acquaintance party eh.
"Gaganapin ito sa loob ng gym, sa Monday 6:00 pm dapat nandun na kayo." Dagdag pa ni sir.
"Sir ano pong theme ang susuotin?" Tanong ng isa kong kaklase.
"Formal wear ang theme." Sabi ni sir.
"Yehey!!!" Lahat naman ng babae nagagree except kay Patty bakit kaya?
"Patty okay ka lang ayaw mo ba ng formal wear? "Tanong ko sa kanya.
"Paano ba naman kasi eh hindi naman ako nagdedress eh." Sagot ni Patty. Oo nga noh hindi siya nagdedress. Edi maganda makikita na namin ang napakagandang Patty. Baka lalong mainlove si Kenneth.
"Okay lang yun at least, makikita ka na namin na magpapakababae." Pang aasar ko pa sa kanya.
"Ewan ko sayo, bahala na." Sabi niya, hahahaha mukhang napipikon na.
Patty's Pov
Ano ba yan formal wear pa kami. Bakit kasi hindi nalang denim eh edi sana pwede pang magpants nalang ako hayss bahala na.
___________________
Uwian na namin, napagdesisyunan naming tumambay muna sa tambayan. Tinext ko din si mama para magpaalam pero wala pang reply. Ang aga kasi naming pinauwi ng last teacher namin eh. Pahangin lang kami saglit. Bigla naman naming napag usapan yung acquaintance party hayss ito nanaman.
BINABASA MO ANG
I'm One of the Boys
Teen Fiction(One of the boys): Paano kung ang boyish na babae na si Patty Gonzales ay matrouble sa apat na magkakaibigang lalaki na si Kenneth Sebastian, Michael Severio, Steven De Castro at Marco Esteban na nakilala niya lang sa isang university na pinapasukan...