Ice POV
Mam Ice!!! Mam Ice!!! - tawag ng tao sa labas
Arrghh nakaka-inis naman kasasabi ko lang na ayoko ng maingay ei...
What!?? - inis na sigaw ko
Mam Ice may mga bisita po kayo!! At bumaba daw kayo dahil pag hindi kayo bumaba, sisirain daw nila ang mahiwagang pinto niyo! Kaya gumising na po kayo!!! - mahabang paliwanag ni yaya Nita
Arghh sino ba sila at bakit nila sinisira ang araw KO!!!! - malakas na sigaw ko
Ice! buksan mo ang pinto at papasukin kami dalian mo kung ayaw mong may masira!!!! - sigaw nila Bea
Yeah si BEA nga dahil boses palang alam ko na, BWISIT bakit siya nandito? Bakit niya ako ginugulo? Arghh
Tumayo na ako sa kama ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay, at pumunta sa Cr para maghilamos at nagmumog ng aking strawberry mint mouth wash at binuksan ang pinto at hinarap ang bwisit na tao na nanggulo ng masarap kong tulog.
Pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng makita sila Bea, Zia, Joy at ang apat na kulugo, napatingin pa nga ako kay Ace na nakatitig sa akin na may makahulugang ngiti. Pshh akala niya Ikinagwapo niya yan? Mukha siyang tanga!
Pinakita ko ang walang emosyon kong mukha at ang aking malamig na boses.
All Of You? What Are You Doing Here At My House? - malamig pero kalmado kong tanong
A--ah ka-ka-se ei... Kasalanan mo ito Bea ei.. binulabog mo pa kase si Ice ei... - sabi ni Zia
Nagulat naman si Bea at napaturo sa sarili niya.
Anong ako? Ei... Pinilit ako ni Joy ei... dahil mabait ako edi sinunod ko lang ang sinabi niya! - sabi naman Bea
Nagulat naman si Joy sa sinabi ni bea
Anong ako? Diba sabi niyo sugurin natin si Ice para sumama sa atin? Ito ang sisihin mo si Leo, sabi niya puntahan na natin siya ei... Kaya wala na tayong nagawa! - sagot naman ni Joy
Nagulat naman si Leo sa pagturo ni joy sa kanya
What? Me? Kayo nag-sabi na puntahan siya diba? Pinilit niyo lang ako, kaya pumayag ako, ang sisihin ay si rex dahil siya ang nagmamadaling sunduin si Ice para makasama sa atin! - paliwanag naman ni Leo
Sunod namang nagulat ay si Rex
Hoy hindi ako noh! Si Ian kaya, siya ang nagpipilit na bilisan ko daw para makasama na si Ice para kumpleto tayo! - paliwanag din ni Rex
Hala? Kasalanan ko bang gusto ng makita ni Ace si Ice? Syempre hindi, pinamadali ko na sila! - depensa din ni Ian
Tumingin ako kay Ace at nagkakamot lang ito ng kanyang batok at umiiwas ng tinggin sa akin.
So ace? you are the reason of this right? - kalmado ko paring tanong
Y-yeah a-ako ng-a!! - paputol-putol na sabi ni Ace habang naka-yuko, tinignan ko ng matalim ang apat na kulugo
Kaya pati mga kaibigan ko ay isinama ninyo sa kalokohan ninyo, ano bang akala ninyo? Na magiging masaya ako na nandito kayo? No! Hindi, galit ako dahil nagpapahinga ako at nang-iistorbo kayo! - sigaw ko sa kanila
Tinignan ko naman ang tatlong mga kaibigan kong bruhilda.
At kayo naman Bea? Kung gusto niyo sumama sa kalokohan ng mga yan Edi sumama kayo! Alam niyo naman na USO sa bokabularyo ko ang salitang pahinga diba? Pero anong nangyari? Nasira!! - sigaw ko din sa kanila
Napa-iwas naman silang lahat ng tinggin sa akin at napayuko, napabuntong-hininga nalang ako at dumaan sa harap nila.
Sumunod kayo sa akin! - sabi ko
BINABASA MO ANG
The Four Princess CLASH The Four Prince
RomanceCold Princess VS Joker Prince Boyish Princess VS Flirt Prince Genius Princess VS Arrogant Prince Hyper Princess VS Serious Prince - Nagsimula lahat sa panibagong school, - Naging hot topic sa mga Boys at girls students, -Tinaguriang Princess at Prin...