Ace POV
Naka-upo lang kaming apat dito sa loob ng classroom, kami lang ang nandito dahil vacant at recess naman kaya gala mode ang iba.
Nakikinig lang ako ng music, si leo naglalaro ng psp niya, si rex nag-gigitara at si Ian naman nagbabasa ng libro, di kami bumaba para mag-recess dahil busog naman na kami.
So pano yan? anong gagawin natin? - tanong ni rex habang naggi-gitara
Tungkol ba sa talent presentation partners? - tanong ko
Oo, ano pa nga ba? - sabi nito
Hayss malaking problema nga yan! - sagot naman ni Leo
Yeah mas lalo nat magkaka-away tayo? Mukhang gulo to! - sabi naman ni ian
Oo nga ei.. Alam kong di rin magpapatalo ang apat na yun! - sagot ko naman
So anong gagawin natin? Teror pa naman yun si mrs. Aguiba! - sagot ni ian
Oo nga! Mukhang mabait pero malademonyo pala! - sagot ni leo
Natahimik kaming apat at nag-isip ng paraan para hindi namin maka-partner ang mga babaeng yun, baka mag-init lang ang ulo namin sa kanila.
Habang nag-iisip kaming apat biglang pumasok si Ice at umupo sa harap, naka-earphone din ito gaya ko, tahimik lang ito at di nagsasalita mukhang wala ang tatlo nitong kaibigan.
Mga ilang minuto Nagulat kami ng tumayo ito at pumunta sa harap ng lamesa, tumingin ito sa aming apat, di ko mabasa ang mga tingin nito masyadong blangko ito kung tumingin.
I know, iniisip niyo ang tungkol sa talent presentation! - Ice
Nagulat kami sa sinabi niya, mind reader pala ang babaeng to? Pshhh
At alam ko ding iniisip niyo na war ang mangyayari pag nagsama-sama tayong walo! - saad pa nito
Nagkatingginan kaming apat at napatango kami sa isat-isa, nag-uusap kami gamit lang ang mga tingginan namin.
At anong gusto mong palabasin ngayon? - sabi ko naman
Wala naman, siguro pababain ang pride ng bawat isa at isipin na para ito sa grade, yun lang! - Ice
Kayo? Bababaan namin ng pride? Di kami payag! - rex
Oo nga, sa gaya niyong mga babae? Wag nalang! - Leo
Katahimikan ang naganap sa aming lima sa loob ng room, nakatinggin lang si ice sa amin na tila binabasa ang mga isip namin, mind reader talaga ang babaeng to.
So anong gusto niyong mangyari? - tanong ni Ice
Nagkatinginan kaming apat at nag-usap gamit ang mga isip.
( PS: Gawain nila yan pag-tamad silang magsalita. Haha )
Nagkasundo na kami sa gusto naming mangyari, tinignan namin si Ice.
Gusto namin na kami ang masusunod! - sagot ko
Tama, kami dapat ang masusunod, kami ang magpapasikat! - leo
Oo nga! Parang extra lang kayo! Ganon! - ian
Kami lang ang masusunod sa lahat, susunod lang kayo sa amin! - rex
Tinitigan namin si Ice at tahimik lang ito, di ito nagsalita at bumuntong hininga.
Ang mga lalaki talaga! Gusto sila ang masunod at ang mga babae sunod-sunuran lang! - sabi nito
Nagulat kami sa sinabi niya tinignan namin siya, pero naka-tingin ito sa labas at naka-ngisi, parang may iniisip ito na masama or what.
Anong ibig mong sabihin!? - tanong ni rex
BINABASA MO ANG
The Four Princess CLASH The Four Prince
RomanceCold Princess VS Joker Prince Boyish Princess VS Flirt Prince Genius Princess VS Arrogant Prince Hyper Princess VS Serious Prince - Nagsimula lahat sa panibagong school, - Naging hot topic sa mga Boys at girls students, -Tinaguriang Princess at Prin...