Chapter 5. The Clash

776 18 0
                                    

Ice POV

Nakaka-init ng ulo ang mga lalaking yun. Ngayon disidido na akong magkaroon clash sa pagitan namin at sa pagitan ng mga kulugong yun!

Ok kalang ice? - bea

Please Dont talk to me bea! - paki-usap kong sabi

Oww ok! - sagot nalang nito

Nakapag-palit kami kanina ng palda namin at pumasok kami sa classroom di nalang kami nagsalitang apat buong klase di rin kami nag-uusap at di rin kami ginulo ng apat na kulugo, dapat lang subukan nila ulit pahiyain ang isa sa amin di na ako makakapag-timpi baka masapak ko na sila ng tuluyan.

Tahimik lang sila Bea, Zia at Joy, Hindi ko pa sila kinaka-usap hanggang ngayon dahil nahihiya ako, nasigawan ko nga kase sila kanina, tsaka gusto ko munang mag-isip, iniisip ko kung tama ba ang desisyon KO sa CLASH na iyon at nagpapalamig pa ako ng ulo.

Pauwi na kami at nakasakay kami sa van namin, nasa unahan ako naka-upo katabi ni manong Lito, silang tatlo naman ay magkakatabi sa pinaka-likod,

Tahimik lang kaming lahat, palihim kong sinabihan si manong na pumunta kami sa DELCHO PARK.

( PS: Gawa-gawa ko lang ang name na yan ok? Hehe )

Dun kase ang tambayan namin pag may problema o may pag-uusapan kami.

Bumaba na ako at pumunta sa parte na madaming bulaklak at umupo sa grass. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila at umupo din naka-bilog kami. Nakatingin lang sila sa mga kamay nila. Ang tahimik kaya nagsalita na ako.

Pwede na kayong magsalita! - sabi ko

Hinintay ko silang sumagot pero wala tahimik lang sila.

Speak now!! - sabi ko ulit

Pero wala pa din, napabuntong hininga nalang ako kaya tumahimik nalang ako baka masigawan ko lang sila.

Ok im sorry! - sinabi ko ito ng pabulong na alam kong maririnig nila

Napatingin sila sa akin at gulat na gulat sa sinabi ko, syempre ma-pride akong tao kaya hindi uso sa akin ang salitang SORRY pshh

Ano nga ulit yon Ice? - tanong ni bea

Oo ano ulit yun? Sor-- ano nga yun ice? - pang-aasar pa ni zia

Hahaha hindi na niya uulitin yun no! Mataas pride niyan ei.. Hahaha - panggagatong pa ni joy

Hahahahaha oo nga naman hahahah - natatawang sang-ayon ni bea

At nagtawanan nalang silang tatlo, naiinis na ako sa kanila nagsosory na nga ako tapos aishh nakakabanas, seryoso akong tumingin sa kanila para tumigil sila sa pagtawa at napansin naman nila kaya natahimik silang tatlo at naging seryoso na din.

Nagbuntong hininga silang tatlo at umiwas ng tinggin sa akin.

Haaist nakakahiya yung nangyari kanina! Ayokong napapahiya! Alam mo naman yan Ice diba?! - sabi ni bea

Tama ice nakakahiya! Napahiya tayo sa classroom, parang wala na tuloy akong maihaharap sa mga kaklase natin! - sabi naman ni zia

Ako din, nahihiya na din, ang babaw pero arghh nakakainis lang! - Joy

Nagsasabi na sila ng hinanakit nila sa nangyari kanina.

So anong gusto niyong gawin? - seryosong tanong ko sa kanila

Revenge, gusto kong gumanti! - sigaw ni bea

Ako din gusto ko din silang mapahiya! - Zia

Ako din Ice gusto ko din silang gantihan! - Joy

The Four Princess CLASH The Four PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon