Nasty Reality • 3

50 4 0
                                    

Chapter 3: First Case

MERE'S

"Oh my god." nakangangang sambit ni Ericka sa nakita.

Is it suicide?

May babaeng nakahandusay sa second to the last part cubicle ng CR, tapos may hawak hawak siyang isang maliit na kutsilyo.

Nagtaka ako nang agad na nagsi-datingan ang pinakamalapit na police officers dito sa Calibre University, mismo sa pinangyarihan ng insidente.

May napansin naman akong note sa may bandang kamay nung babae kaya agad ko itong nilapitan.

Nung kukunin ko na ito bigla nalang akong hinila ni Ruccus na siyang ikinagulat ko.

"Gusto mo bang makulong? Pag nalagay ang fingerprints mo dyan, ikaw ang ituturing na suspect. Stupid." sabi niya sabay abot ng pares ng gloves.

May care glands naman pala itong lalaking to. May paistu-stupid pang nalalaman.

Inabot ko naman yung dalawang gloves at sinuot.

Kinuha ko yung suicidal note ba ito kung tawagin? Pinagmasdan at binasa ko ang nakasulat.

"I did not opposed, I committed suicide.
I have a friend, seen misery all the feelings of mine.
Owned eyes, passed by, she helped me.
She's so Lovely, like what is true friend.
The very beautiful name of hers, of pure soul.
My mind's my murderer.
And lastly,
Lovely's one of a kind best friend who
helped killed depression of me.

-Janiah Fernandez"

Ibig sabihin, nag-suicide talaga ang babae?

Tinulungan na nga siya ng kaibigan niya para pigilan siya sa nais niyang gawin pero tinuloy niya pa din?

Kasalanan kaya ang pumatay, lalo na't sa sarili mo pa ginawa.

Somethin's off.

Pinakita ko ito kay Ruccus, baka sakaling makatulong at para na din malaman kung anong problema niya at kung bakit siya nag-commit ng suicide.

Tsk tsk.

Base sa itsura ng babae, wala naman siguro siyang mabigat na problemang dinadala.

Ewan ko ba, katamtaman naman ang hugis ng katawan niya, maganda naman siya at makinis.

Pinagmasdan ko si Ruccus ng mabuti para suriin kung anong magiging reaksyon niya sa nabasa pero naka-ngiti lang ito ng malaki.

Seriously?!

May nangyayari nang ganito sa harapan niya, nagagawa niya pang ngumiti ng pagkalawak-lawak?

Sisigawan ko na sana siya dahil sa inis ngunit agad na lumapit samin yung mga police.

"Mga bata, maari bang umalis na muna kayo para masimulan nang imbestigahan ang pagpapatiwakal na nangyari? Magiging restricted area muna itong CR niyo sa mga susunod na araw, hangga't hindi natatapos ang paglilinis." sabi nung officer na lumapit samin.

"I'm sorry, but I think this is not a suicide case. Murder ito. Look at this." sabi ni Ruccus at inabot yung note sa police.

Decode MERETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon