Chapter 18

123 4 0
                                    

Chapter 18

Needed answers


I followed my guts. Siguro, hindi pa naman huli ang lahat. Sinabi ko kilay Amy at Scott ang gagawin ko, ayaw pa sana nila akong payagan dahil baka kung ano pa daw ang mangyari sa akin lalo na't medyo usap usapan pa rin ang issue ko sa social media. I'd cut my hair, naisip ko iyong gawin para hindi ako makilala kahit papaano. 

Sinasabi rin nila sa akin na matagal na ang sulat na iyon at matagal na rin daw tapos umasa ang taong iyon. Napapaisip tuloy akong pupunta pa ba ako o hindi pero sayang naman kung hindi ko susubukan diba? Hindi naman masama kung magbakasali, kung wala man akong datnan atleast nagawa ko iyong kasabihan na... it's better to be late than never.

Gamit ang Audi ni Scott, dinala niya ako sa circle. Sinabi niya ay babalikan niya ako pagkatapos ng dalawang oras na paghihintay ko. Pumayag din naman ako sa sinabi niya, kung wala na naman talaga ay bakit pa ako aasa sa taong naghintay pero ako itong hindi sumipot?

Dala dala ko naman ang huling sulat na binigay niya sa akin. Pumunta ako sa lugar na tinutukoy niya, naupo naman ako sa isang bench na malapit sa fountain. Madaming tao, iwas din naman ako ng iwas sa mga tingin nila dahil baka makilala nila ako. Wala rin naman akong pakelam kung maging issue ang pagpapalabas ng pagkamatay ko. Ginawa ko lang naman iyon para manahimik na ang issue sa amin ni Simoun. Nagawa ko nga iyon kaya ang nagiging usapan naman ay ang pagkamatay ko sa panganganak.

Matatawa ka na lang dahil 'yong mga taong nakakapagsalita ng masasakit sa akin noon, ngayon nawala ang tabas ng dila. Ang sabi pa ng ilan ay ang bata ko pa raw para mawala. Sayang naman daw. Ang dami puro mga sugar coated na salita na sa gusto nilang ipahiwatig ay kabaliktaran naman ang dating.

Nahulog na lamang ako sa kinauupuan ko ng biglang may tumamang bola sa ulo ko. As in, parang nabasag ang bungo ko sa pagkakasapok sa ulo ko. Pinulot nila ang bola, nag-sorry sa akin pero hindi nila ako tinulungan. Tinawanan pa ako ng ibang kasama nito.

Hindi ko naman napigilang maluha dahil ang sakit talaga! Bastos eh!

Tatayo na sana ako ng may lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko at alalayan ako. Nang makaupo naman ako ng maayos ay pinagsisigawan nito ang mga kabataan na nakatama sa akin, nagtakbuhan naman sila daw ginawa niya. Hindi naman ako makatingala dahil namimintig ang ulo ko.

Tumabi naman ito sa kinauupuan ko.

"Okay ka lang ba Miss?" hinawakan din nito ang ulo ko pero agad ko namang hinawi ang kamay niya. "Mukhang may bukol ka pa ata." aniya.

Tatayo na ako sana ako, uuwi na lang din ako nang bigla kong ma-out of balance. Mabuti na lang ay nasalo niya ako at binalik sa kinauupuan ko.

"Hindi ka okay, maupo ka lang muna diyan." aniya, "gusto mo ba ng yelo? Para idampi mo diyan sa ulo mo?"

Umiling naman ako, "hindi na, salamat na lang..."

"No, wait for me..." aniya at tumakbo siya papunta sa mga tindahan. Nang tingnan ko naman siyang papalapit ay napakunot noo na lang din naman ako. Hindi ko alam pero napatitig na lang din ako bigla. "Ito oh." inabot naman niya ang tubig sa akin, "wala silang yelo eh, malamig naman 'yang tubig. Idampi mo na lang tapos inom ka na rin. Two in one ang purpose diba?" ngisi pa nito. "Okay ka lang ba?"

Tumango na lang din naman ako sa kanya. "Sige na, pwede ka na namang umalis." aniko, baka kasi makilala pa niya ako. Masira pa ang plano ko ngayon.

"I won't." tugon naman nito sa akin. "I've waited this day to come."

Halos huminto ang kabog ng dibdib ko nang marinig ko iyon sa kanya. Napatingin na lang ako sa kanya, siguro gawa pa rin ito ng pagkakasapo ng bola sa ulo ko kaya gumagawa na lang din ako ng senaryo. Nahihilo na siguro ako.

Natawa na lang din ako, baka nagbibiro lang din siya. O baka imagination lang ng utak ko.

"They didn't recognize you because they thought you're dead," napa-anga na lang din naman ako sa sinabi niya. "Good to see you Reena."

Ang nagawa ko na lang din ay itulak siya palayo sa akin. "Sino ka ba!"

Natawa naman ito, "Harriet, yes, I'm the one who sends the letters."

Bigla namang nawala ang sakit sa ulo ko at pinagpapalo ko naman siya. Iniilagan naman niya ang mga iyon at hinahablot ko rin ang buhok niya para sabunutan pero hinawakan na niya ang kamay ko. Gusto ko sana siyang duraan pero ang baboy ko namang tingnan at napapalingon na rin sa amin ang ibang tao. Iniisip siguro nilang magjowa kami nito.

"Dahil sayo, nasira ang buhay ko!" tulak ko pa sa kanya matapos niya akong bitawan. "Kung hindi ka sana naging tanga sa pagstolen picture sa akin, hindi sana naging ganito kamiserable ang buhay ko. You did this to me, hindi mo ba alam ang mga salitang think before you click? Baka hindi mo alam? O sadyang hindi mo lang talaga alam? Ang tanga mo!" sa pagsigaw ko noon, natigil na rin ako. Nararamdaman ko na lang ay ang mabilis na kabog ng dibdib. 

Galit ang namumutawi sa akin pero nang tingnan ko siya, nakayuko at tinanggap lahat ng masasakit na salitang binitawan ko.

"Sorry kung naging tanga ako, Reena... Hindi ko naman sinasadya." basag ang boses nito.

Doon naman kaagad ako nagsisi sa mga pinagsasabi ko.

"Ano... sorry..." napakagat na lamang ako sa aking labi at napayuko, "hindi ko sinasadya 'yong mga nasabi ko."

"No, I understand you. You should blame me anyway, kung hindi ko ginawa iyon, hindi naman magiging miserable ang buhay mo, gaya ng nangyari sayo." napabuntong hininga na lang din naman ito. "After you became the viral star, all I did was to help you but now I became the reason why you fall down."

Napahugot din naman ako ng malalim na hininga. Iniisip niya rin ba na siya ang dahilan kung bakit naging ganito ako? Na kasalanan niya ang lahat? Naawa naman ako bigla. Nagulat na lang ako ng mahanap ko ang sarili kong yakap yakap siya. Infairness, maganda ang pangangatawan nito. Ang tigas ng balikat!

"Sorry Harriet, I shouldn't blame you," umalis ako sa pagkakayakap sa kanya. "Sabihin na natin na oo nga, ikaw ang nagpost ng pictures but somehow it change my life. Hindi ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito. Now, understand myself too. Ako ang may kasalanan kung anong nangyari sa akin, naging pabaya ako. And all of what you did was to help, I'm sorry..."

He just smiled. Medyo napagaan naman ang pakiramdam ko doon.

"Ahm, Harriet." his forehead creased, "I wanna know why did you send those letter for me and those pictures, you know, I just needed answers."

 He stood and reach for my hand, "I'll take you somewhere else and you'll know what all those letters means." sa mga salita niyang iyon ay napatango na lang din naman ako.

I held his hand, maybe this moment, it will be something I wouldn't forget.

Imperfections of Being PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon