Patawad, mahal ko.

194 11 61
                                    

Jin's POV

Paano kung hindi kami nagkalabuhan? Paano kung hindi ko sya iniwan? Ano kayang mangyayari saamin ngayon?

Naalala ko pa nung nililigawan ko sya, kung paano ko siya kinukulit na sagutin ako. Ung Mga Panahon na Mahal na Mahal ko sya.

"Sige na kasi Lei! Sagutin mo na kasi ako, ilang buwan na kaya akong nanliligaw." pangungulit ko kay Leiya (Leah).

"Tse! Manigas ka dyan Jin! Hinding hindi kita sasagutin 'no!" mataray na sagot nya sakin.

"Weh? Alam ko namang Crush mo ako eh, sa gwapo ko ba namang 'to?" pangangasar ko sakanya.

"Tigilan mo ako Jin! Kung 'di hindi na talaga kita sasagutin!" asar na wika nya sa akin.

Agad naman akong tumigil, baka kasi totohanin nya talaga eh. Takot pa naman ako sakanya.

Malungkot na ngumiti ako. Namimiss ko na sya, yung mga ngiti nyang napakatamis, yung tawa nyang nakakahawa, ang halik nyang puno ng pagmamahal. Naalala ko pa nung sinagot nya ako na maging Asawa nya, 'yon yata ang pinaka-napakasayang araw sa buong buhay ko.

"Leiya Roque, alam kong marami akong kasalanan na nagawa sayo, at alam kong minsan nag-aaway tayo. But will you stay with me for the rest of our lives and prove that there is a thing called Forever? Will you, Leiya Roque, Marry Me?" masayang tanong ko sakanya, nine-nerbyos sa magiging sagot nya.

"Hmm.. Pag-iisipan ko muna." Pilyang Wika nya. Nalukot naman ang mukha ko sa winika nya.

"Joke lang! Ikaw talaga hindi ka 'parin mabiro! Syempre i'll be yours! Forever and Ever! Wag mong pansinin yung mga bitter na nagsasabi ng Walang Forever! Basta tayo meron! Atsaka Imposible naman atang mag 'NO' ako sa lahat ng effort na inilaan mo dito." nakangiting wika nya.

Iniligay ko ang engagement ring na nabili ko sa ring finger nya. Ang singsing na iyon ay isang simpleng singsing na may nagiisang dyamante sa gitna.

Tumayo naman ako at niyakap sya at hinalikan,

"I love you." Puno ng pagmamahal kong wika.

"I love you too. Forever." tugon nya.

Umiling-iling ako, Bakit ba kasi kailangan ko pa maging tanga? Bakit ba kasi naging gago ako?

Kung nagtino lang sana ako noon, nagkaroon pa sana ng kami ngayon.

Minsan talaga sa huli tayo nagsisisi. Minsan kung kailan huli na ang lahat dun mo lang mare-realize na napakatanga mo at napakagago mo para pakawalan ang pinakamamahal mong tao sa mundo.

Nung panahon na nawala sya, I lost it. Hindi ko alam, hindi ko pala kaya na mawala sya. But then again, i have no right to grieve. Kasalanan ko kung bakit nawala sya, kung bakit nya ako iniwan, kasalanan ko.

Lahat ng masasakit na salitana ibinato sakin ng pamilya nya at ng pamilya ko, tinanggap ko lahat. Tinanggap ko lahat ng mga insultong sinabi sakin. Kung hindi ba naman kasi ako gago, E 'di sana nandito pa sya sa tabi ko, Kasama ako.

Bigla akong nakarinig ng malakas na kulog, nakita kong tumulo ang mga patak ng ulan sa akin. Lumalakas na ang ulan ngunit wala akong pakielam. Kasabay ng ulan ang tuluyang pagpatak ng luhang kanina pa nagbabadyang tumulo sa aking mata.

Napaluhod ako, inilapag ko ang mga bulaklak na dala ko. Marahan kong hinaplos ang lapidang nasa harapan ko.

"Leiya Morales, January 30, 2016, 11:59." sa baba ay nakasulat ang isang kasabihan na kanyang isinagot ng tinanong ko kung takot ba syang mamatay 'nuong nasa College palang kami.

'It is not that i'm afraid to die, i am afraid what happens to my Family if i do die."

Kung hindi lang kami nag-away hindi sana sya mawawala, hindi sana sya maaaksidente.

Sana...

Kung maibabalik ko lang ang oras ay hindi ko hahayaang umalis sya, hindi ko hahayaang mawala sya.

Kung Maibabalik ko lang...

"Hey, Lei. Kamusta ka dyan sa Heaven? Maayos ka ba? Alam kong ayaw mo akong umiyak kaso hindi ko mapigilan eh, kasalanan ko kung bakit ka nawala, kung bakit hindi na tayo magkakasama. Paano na si Cassie? Sigurado akong mamimiss ka ng Anak mo.

Sana mapatawad mo ako sa lahat ng pagkakamali ko, sana mapatawad mo ako sa ginawa ko sayo. At sana nasa mabuting lagay ka dyan sa itaas. Alagaan mo ang sarili mo ah? Wag kang magpapalipas ng gutom, kahit hindi ko alam kung may pagkain dyan. Basta wag mo pabayaan ang sarili mo. Mahal na mahal kita, Te amo.. Mi amoré." sambit ko at hinalikan ang lapida niya. Tumayo na ako at nagsimulang umalis dahil palakas ng palakas na ang ulan.

Minsan talaga may mga pagkakamali tayong nagagawa sa buhay, Pagkakamali na gusto mong balikan at baguhin.

At isa ang pagkamatay ng Napakamamahal kong asawa sa mga pagkakamali kong gustong baguhin...

----------

A/N: Muntik na ako maiyak dito, lahat namab siguro tayo nagkakamali diba? Kaso minsan sumosobra na ang pagkakamali na ginagawa natin at minsan nakakasira na ito sa atin. Minsan talaga kahit gusto mong balikan ang nakaraan at baguhin ay hindi mo kaya.

Minsan kahit napakahirap ay kailangan mo kayanin, malalagpasan mo din yan.

Salamat sa Pagbababasa :)

ILYSM -

@DREAMERSHEY

Patawad, Mahal ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon