ROUND 2: The Mysterious Guy and His Rules

25 2 0
                                    

ROUND 2

Na alimpungatan ako sa ilang magkakasunod na malakas na pagkatok sa pintuan.

"Bhest! Paki buksan naman yung pintuan!" Sigaw ko sa inis

Pero ilang minuto ang nagdaan at hindi parin tumitigil ang maingay na kalabog sa pintuan.

"Bwiset!" Padabog akong tumayo mula sa pagkakahiga ko at galit na galit na bumaba ng hagdanan.

"Sino ba tong bwisit na toh?! Ang aga-aga mang-istorbo"

Nang marating ko ang pintuan ay agad kong binuksan ang pintuan at halos mabato ako sa kinakatayuan ko ng makita ko kung sino ang nakatok siya si Pogi.

"Goodmorning.. I hope by now you're ready to go?"

Sabi niya habang naka-ngisi siya
"A-anong ginagawa mo rito?" utal kong tanong

"To get you of course" Sabi niya at dere-derechong pumasok sa loob ng bahay "Where's your bags?" tanong niya at expressionless niya kong tinignan.

Bahagya akong nagulat sa tingin niya "H-Huh???"

"Don't act dumb..." expressionless pa rin na sabi niya.

Hindi ako nagsalita at dahan-dahang isinara ang pintuan.

"Where's the other girl?" Tanong niya habang tinitignan ang buong kapaligiran ng apartment "This unit is so small it's like a rat hole, how you guys live in here?"

Naintindihan ko yun ah! Aba't napaka-antipatiko ng lalaking toh! Ang gwapo niya nga kaso ang ugali Panget!
"Si Rani.. wala siya hindi ko alam kung saan siya nagpunta..at isa pa Mister.. Bakit ka ba nandito?" Tanong ko

"I'm not obliged to answer your questions.. Where's your things?" Tanong na naman niya

"Anong things ba?"

Bumuntong-hininga siya na para bang problemado Hellow! dapat ako nga maging problemado sakanya kasi di ko alam kung anong sadya niya dito.

"Well I don't care if you don't have your things you leave me no choice.."

Nang sabihin niya yun ay nagulat ako ng bigla niya kong binuhat.
"Ibaba mo nga ko! Anong gagawin mo sakin?! Sabi ko na sa'yo kahapon wala kang mapapala sakin kapag kinidnap mo ko! Hindi ako mayaman walang tutubos sakin! Kuha mo?"

Nagpupumiglas ako sa bisig niya ngunit napakalakas at higpit ng hawak niya sakin.

"And I told you too.. I'm not a Fvcking Kidnapper"

Binuksan niya ang pintuan at naglakad papunta sa nakaparadang itim na sasakyan at isinalampak ako sa shotgun seat.

"Try to run away... I'll do things to you that I know you wouldn't like"

Seryosong sabi niya at medyo nakadama ako ng takot sa boses niya.
Nakahinto ako at butil butil ang pawis ko ramdam ko rin ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

Eto na! Eto na ang huling araw ko bilang Nadz Angeles, Goodbye World! Alam ko na ang gagawin niya sakin! Kukunin niya ang organ ko at ibebenta yun sa black market..Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Rani.

"I know what your thinking.. I won't kill you.. You're one of my important pet" Sabi niya at agad kong narinig ang pagkabuhay ng makina nitong sasakyan.

"Pet? Ibig mong sabihin alagang hayop?" Kunot-noo kong tanong

Tumango siya

Na-shock ako sa pagsang-ayon niya
Aba! G*go toh! Mukha ba kong Hayop?? sa ganda kong to? Walanghiya tong lalaking toh ah!

He's the Killer (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon