ROUND 3: FIRST DAY OF SCHOOL

21 3 0
                                    

NADZ POV

Ugh! Halos hindi ako nakatulog ng maayos.. hindi kasi ako sanay sa malambot na kamang toh...Maka-ilang hikab ako habang patayo at dahan dahan kong tinignan ang buo kong kabuuan sa refleksyon ng salamin.

"Ay.. iba ka talaga Nadz.. Hindi ka lang maganda buhay prinsesa ka pa.."

Habang para kong tangang nagde-daydream ay biglang tumunog ang telepono awtomatiko namang napasimangot ako alam ko na namang si Boy Suplado yan.

"Ano?" Bahagyang pasigaw kong sagot
' What's Ano? Do you know what time is it now?'
"Hmm..." Lumingon ako sa wall clock "7:50??"
'I thought you already knew your cooking time'
"Huh??" Wala kasi akong matandaan
' Ugh.. remember the paper that i gave yesterday?'
Agad kong hinanap yung papel "Ah eto" Naipatong ko sa make up table
'I will go down at 9, I hope you already finish cooking by that time and also remember i hate bread that's all'

Pagkatapos ng sinabi niya ay agad niya ng ibinaba ang tawag.

"Aba bastos talaga.. kainis!" Ibinaba ko na ang telepono at padabog na pumunta sa banyo.

"Akala mo kung sino makautos! Nakakainis! Kakagising ko lang eh!" Kahit na inis ako ay agad parin akong nagayos ng sarili ko.

"Ang arte pa.. ayaw niya ng tinapay..naku! Kung di ka lang gwapo titirisin kita eh!" Nag martsa na ko palabas ng kwarto patungo sa elevator at habang pababa ay iniisip ko ang pwede kong iluto sa lalaking yun.

"Scrambled egg na may keso?? Hmm tsk.. para sa tinapay yun eh.. ano kaya?"

Eksaktong tumunog ang bell ng elevator at agad na ko naglakad patungo sa kusina.

"Hmm ano kayang favorite na pagkain ng mokong na yun?" Binuksan ko ang ref at agad naghanap ng mga rekados.

"Ay shit! Baka kailangan ko pang magsaing.." nagmamadali kong sinilip ang rice cooker at buti na lang may natira pa sa sinaing ko kagabi.

"Isasangag ko na lang toh.. pero ano naman kaya iluluto ko sa lalaking yun?"

Isinaayos ko muna ang gagamitin ko sa pag sangag ng kanin mamaya ko na proproblemahin ang ulam.

"Are you finished?"

"Ay pusang gala!!!" Halos mabato ko ang hawak hawak kong sandok

"Chill it's just me"

Nilingon ko si Zion "Ano ba?! Aatakihin ako sayo eh! Bakit ka ba nandito?"

"I'm just checking you"

"Wag kang mag alala kamahalan hindi ko susunugin tong mansyon mo.." sarkastikong sabi ko

"You're silly" tapos tumawa siya ng mahina

"Tutal nandito ka na naman ano po bang gusto niyong kainin kamahalan?"

"Hmm.. if i tell you.. i'm probably sure you can't make it"

"Sus!.. Lahat ng putahe kaya kong lutuin" pagmamayabang ko

"Then make me a Chicken Caserole"

Kumunot ang noo ko. Jusmiyo Ang dali dali naman ng gusto niya.. Chicken lang na nasa Kaserola... my ghaaadd! Pinasosyal niya pa ang tawag tinola lang naman pala ang gusto.

"Ang dami mong ek-ek Tinola lang pala gusto mo"

"Huh? I didn't said i want Tinola.. i said Chicken Caserole"

"In-english mo lang eh.. Diba ang English ng manok ay chicken?" Wala siyang reaksyon kaya pinagpatuloy ko ang pagsasalita ko "Ang english ng Kaserola ay Caserole kapag pinagsama mo yun.. Tinola ang ulam na yun ano ka ba?!" Tatawa tawa pa ko

He's the Killer (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon