6:30 in the morning nagising na ko, grabe 4 hours of sleep, pero kailangang gumising ng maaga, nakalimutan ko kasing iabot kay Erika yung mga dokumentong kailangan ni Miggy.
Nagmumug lang ako dahil balak ko ulit matulog dahil di ko keri na magpuyat.
Kumatok ako sa kwarto ni Erika pero walang sumasagot, tulog mantika talaga, nagtry akong tawagan yung fone niya baka sakaling dun magising siya, pero napansin kong may message si Erika sakin.
From: Erika
Meh, ikaw na lang sumama kay Miggy, sumama yung pakiramdam ko eh, di ata ako natunawan sa kinain natin kanina, di talaga ako makakilos kasi ang sakit ng tyan ko. LOVE YOU bawi ako sayo, Lilibre kita bukas.
Received : 6:43 am
Baksak balikat akong bumalik sa room ko, Haist, Feeling ko magkaka wrinkles na ko sa stress na inaabot ko, Maaga pa naman, kaya nag desisyon akong sa pool maligo.
Nagsuot na lng ako ng top bra, tas nag perfect shorts (p*kp*k shorts sa di nakakaalam), nag toothbrush at nagtakip ng bathrobe.
Pagdating ko sa pool area, nakita ko si Miggy na nagswiswimming, Hahahaha sa banyo na lang ako maliligo.
Pero..
" Marian, Sandali " tawag niya sakin
" Baket ? "
" Sabay ka na sakin maligo " tas ngumiti siya, shocks alam niya ang kahinaan ko. churchur lang.
" Ah, wag na sa banyo na lang ako "
pero umahon siya at nilapitan ako.
" Tara na, wag ka ng mahiya, para makapag kwentuhan pa tayo " Hinubad ko na yung robe ko at umupo sa gilid ng pool.
Tumabi siya sakin, mga dalawang sentimetro lang ang pagitan.
" Kamusta ka na?, nabalitaan ko yung accident ninyo, and na shock talaga ako " pag oopen niya ng topic, at yung iniiwasan kong topic pa yung gusto niyang pagusapan namin?
" Ayos lang ako, kasalanan ko rin naman ang harot ko nung araw na yon, pero thankful pa rin ako, na kahit ganun di ako kinuha niya " tas tumuro ako sa itaas.
" Tama.. " tapos di na siya umimik, kaya ako na lang magoopen ng topic.
" So? Anong business mo ngayon, at mukhang successful ka na, Ang ganda dito Miggy, nakakawala ng pagod ang tanawin dito " tas inikot ko yung paningin ko.
" Hahahaha.. Talagang wala kang alam saken ?, Laman na nga ako ng balita eh, Kahit sa Social Network nababalita na ko " Miggy
" Hahaha !!, Itatanong ko ba kung alam ko ? " Tas hinampas ko siya ng mahina sa braso tas tumawa ulit
" Stock holder na kasi ako ng company namin, My father died after a week nung magbreak kami ni Phia, it was my dads last wish, And ako etong duwag, di ko naipaglaban si Phia nuon, kaya sumunod ako kay Daddy, And now, I regret all of it, grabe I still love Phia, Pero wala na, She's gone " Matawa tawa pang sabi niya kahit napipilitang ngumiti, Ayon pala ang nangyari sa break up nila . N.I.K ( now I know )
" Yeah , Your the one who got away " tas nginitian ko siya, Naalala ko tuloy nung nagbreak sila, Naglaslas ang gaga, kaya siguro ang laki ng galit ni Phia sa kanya.
" So Ikaw? Kamusta lovelife mo ?" di yan ang inaaasahan kong itatanong niya, di pa time para malaman nila kung bakit di ko gustong iopen itong topic.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
RomanceNasa bus kame galing tagaytay kakatapos lang ng recollection, ganun talaga pag four year high school ka, may recollection bago grumadute. Lahat kame kumakanta.. Lahat masaya.. * Its not about a money money money we dont need your money money money...