five

20 2 0
                                    

Authors note: di ko alam kung maglalagay ako ng ibang pov. pero habang wala pa kong pinal na desisyon. ok na munang puro si Marian.

Shoes✔

Bag✔

Spa✔

Arcade✔

Movie ✔na✔

Italian Resto✔

Spa✔

Chocolate Fountain✘

Di nakabili yung dalawa ng chocolate fountain dahil made to order daw iyon, pero imbis na malungkot natuwa pa yung dalawa, ayun at kinakausap na yung clerk sa mga gusto nilang design.

Habang nagaantay sa kanila, naglakad lakad muna ako, tumingin tingin ng aquarium, blinds, mirrors, plates, at kung anu-ano pa.

' Kailangan ko na talagang magtrabaho ' biglang pumasok sa isip ko na kailangan ko ng magtrabaho, si Mama kasi may ibang pamilya na sa U.S, si Papa naman ayun at Pastor na. kaya ako lang din mag-isa.

" Ang ganda naman neto " tumitingin ako ng mga pigurin ng mga anghel ng tawagin ako ni Phia,

para  ipinakita sakin yung mga designs ng fountain.

" Sa tingin mo anong maganda? Eto, Eto o Eto, Eto pa , Maganda din yung isang to, Eto pa " Hindi na ko makapamili o makapag bigay ng suhestyon dahil sa iba't iba ang tinuturo niya.

" Sige lahat na lang, lahat naman gusto mo eh " Ako

" Aanhin ko naman lahat ng iyan? " Iretableng sabi ni Phia

" Mamili ka ng dalawang pinakagusto mo saka mo ko tanungin ok ? " Ako, Nakakaloka siya? Lahat tinuturo, pinapili niya pa ko. tss

" Meh, Lika " Si Erika naman ang tumawag saken.

" Baket? " nilapitan ko siya

" Tingnan mo yun ang pogi ohh " Sabay turo dun sa Appliance Section.

" Asan? " Tanong ko dahil hindi ko matanaw.

" Ayon oh, The macho over there, the one na naka light yellow " natanaw ko na kung sinu yung sinasabi niya, at 

" HOLY SHIT! " F*ck! Si Harold, yung ex-boyfriend ko yun! Dapat di kami magkita, magisip ka! Pero teka?, diba dapat nasa U.S siya? Bakit siya nandito?

Nakita ko si Harold na hinawakan nung isang babae sa braso, siya siguro yun? the reason why I didn't accept his proposal. And it still hurts! Masakit pa rin aaminin ko.

" Phia, Look over there" turo ko dun kela Harold

" Ohh. What the F*! Si Harold yun Meh, bakit may kalandian? Grabe wala pang one month ha! may kapalit ka kaagad? " Phia

" Sa ibang lugar na lang natin yan pag usapan please? dapat di niya ko makita, ayokong magkita kami! " Ako

" Oo nga, Gosh ! Dali, yuko ka tatakpan ka namin ni Erika " hinila ni Phia si Erika at itong bruhang ito takang taka, ayan kasi, di man lang ako napuntahan sa U.S di niya tuloy kilala si Harold.

" Teka lang! Bakit ka nagtatago Meh, Ang pogi nun oh sandali lang kukunin ko yung number, aantayin kong umalis yung babaeng haliparot na nakahawak sa kanya " hinigit ko yung kamay ni Erika

" Wag mo ng kunin, ibibigay ko na lang " Ako

"Bakit kilala mo ba yung papalicious na yon?, akin na muna " Iniabot ko sa kanya yung cellphone ko.

" Hanapin mo yung x-harold " Ako

" Wtf Meh, ex mo yan? Yan ba yun? aba'y gago yan, wala pang isang buwan may bago na,di ba niya alam yung 3 month rule?, kung hindi niya alam yun, ipapanuod ko sa kanya yung One more Chance " Erika

" Letche ! Magtago ka na lang nga, ang dami mo pang sinasabi eh "Phia

" Teka nga muna sandali, dapat dun sa lalake na yon tinuturuan ng leksyon, aba anung akala niya sayo Meh? pang one night stand lang, ganun lang ba naging relasyon mo para may kalandian siya agad after ninyong maghiwalay? naku! pigilan ninyo ko! masasampal ko yang lalaking yan! " Erika

" Tara na Erika " hila ko kay Erika

" Pigilan ninyo ko, lalapitan ko talaga yan!" kaya kami ni Phia hinihila siya pero nagmamatigas talaga siya, kaya...

Tinulak siya ni Phia, "sige lapitan mo na, antayin ka namin sa parking area"

"Eto naman hindi mabiro " Biglang sabi ni Erika, " Tsaka na lang, wala na ko sa mood, Tara" dagdag pa nito. sabay lakad.

Buti na lang di rin ganun katapang itong babaeng ito, kung nagkataon, makakaharap ko na ang aking nightmare, pero wala na rin akong takas sa dalawang ito, kundi ikwento talaga kung anung nangyari samen ni Harold, at bakit kami humantong sa hiwalayan.

Imbes na sa Parking Lot, nadala ako ng mga paa ko sa restroom, kanina pa pala lutang ang isip ko at sinundan lang ako ng dalawa, gusto kong huminga, gusto kong sumigaw, bakit ba kasi nagpunta pa siya dito sa pilipinas, si Harold hindi siya amerikano, fil-canadian siya, kaya siguro may karapatan din siyang pumunta dito dahil nandito sa pilipinas yung mga lolo at lola niya, pero kahit na, bakit naman ngayon pa? naguguluhan na ko.

" Hoy babae, ang tagal mo sa cubicle ah? Jumejebs ka ba? " Erika

Pinahid ko yung luha kong pumatak at binuksan ang pinto ng cubicle.

Pero saktong pagbukas ko, pumasok yung babaeng kasama ni Harold. Tumingin siya sakin at ngumiti ng nakakaloko at mukhang nangaasar.

" Tara na " Aya ko kela Sophia at Erika

" Teka retouch lang ako. " Sophia

" Sige antayin ka na lang namin sa labas " Erika

" Leche! Antayin niyo na ko dito saglit lang naman to, eyeliner lang naman " Sophia

"Amm Hi, Are you Marian?, Ex of Harold? Hi, Im Franceska fiancee of Harold " Singit nung babae sabay abot ng Kamay.

Di ko alam kung nangaasar tong lokong to, pero isa lang ang gusto kong gawin.

a) sabunutan ko?

b) sampalin ko?

c) makipagkamay.

Syempre C. Mabait kaya ako.

" Ohh, Hi, Yes Im Marian, Nice meeting you, by the way, we should go now, nice meeting you again " Abot ko ng kamay ko sa kanya at nakipagkamay, ngumiti ng pilit lumabas na ng restroom, paglabas namin saktong nakatalikod si Harold kaya madali akong nakatakbo.

Nakarating kami sa Parking Lot at hindi ko na kinakayang maluha talaga.

" Ayos ka lang ba Meh? " tanong sakin ni Sophia

Pinahid ko yung nangingilid na luha sa mga mata ko.

" Oo naman, Ayos ako " Habang pilit na ngumingiti

" Pakyu ! May utang kang kwento samen ah, sagot ko na inum ! tara na sa condo " Erika

" Condo pa? Bar na! " Sophia

" Tara Bar na! " Ako, Sumakay ako sa kotse, tas dun ako nagsisisigaw sa loob.

------------------------------------

See you next update!

Ready na ba for Revelations?

Anu ba talaga ang nangyari?

Anu bang mga hakbang ang gagawin ni Marian para makalimot kahit sandali?

Abangan na lang

LOVE YAH!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon