page 24

68 5 0
                                    

MJ's POV

Ang dilim, anong nangyayari ?

AHHHHH ! AHHHHHH ! ang dilim talaga, b .. bulag na ba ako ? hindi hindi pwede hindiiiiiiiiii---

" MJ ? "

" Hmmm ? "

Ang liwanag naman ! pero sigurado akong di pa ako bulag.

hehe nababaliw lang ako kanina OA much eh.

" Gising kana pala " sabi ni Lianne, obvious ba  ? tulog pa kaya ako kaya nga ako nakadilat eh.

Inayos ko ang sarili ko at umupo " Pano ako nakarating dito ? ang sakit ng ulo ko " sabay hawak ko sa noo ko. Ang sakit talaga feel ko ang init init ko.

" Gutom ka na ba ? sige kunin ko lang yung pagkain sa baba na niluto ah " tumayo na siya at lumabas.

Bat di ako sinagot ni lianne ? nabingi lang kaya siya ?

pano kaya ako nakauwi ?

magisa ko lang bang gumapang dito ?

nagtaxi ba ako ?

bat wala akong maalala ? ang alam ko lang umuulan tapos yun na yun,

* crrrreeeeeeeeep *

Nagbukas yung pinto at nagulat nalang ako ng makita kung sino

" MJ kain ka na oh " sabay lapit nito sa akin hawak ang tray na may masarap na soup, toasted bread at milk.

" Hindi ako nagugutom " sabi ko at umiwas akong tumingin sa mga pagkain, natetemp akong lamunin lahat yun eh.

" Yung sa kanina pala, ano kasi eh nabigla lang ako kaya ... "

" Yung sa sinabi ko kanina, totoo lahat yun kaya hindi na ako babalik sa sayaw sayaw na yan tutal ayaw ko naman kasi talagang sumayaw eh napilitan lang ako, sige labas ka muna magpapahinga muna ako " dirediretso kong sabi habang di nakatingin sakanya. Oo pachicks ako ngayon.

" Ah ganun ba ? sige kunin ko na tong ... "

" WAG !! i mean ako na magbababa niyan mamaya sige salamat dito " umalis na siya ng nakapamulsa ewan pero parang malungkot yung mukha niya hmmmp bahala siya.

Pagkasara na pagkasara niya ng pinto kinuha ko na agad yung toasted bread at kinagatan sabay higop sa soup at uminom ng gatas, wala pang limang minuto naubos ko na agad yung mga pagkain.

" HAAAAAAY ! " i said in relief nabusog ako ng sobra. Basta ang alam ko gutom na gutom ako.

Yes we're going to remove it

Yes we're going to remove it

Nang maalala ko yang mga katagang yan biglang nagiba nanaman yung aura ko -_____- Edi alisin nila, alisin nila ang mga steps na magpapanalo sakanila , mga unggoy !

Yang JM na yan ? lamang lang yan ng isang acting pero mas magaling parin akong magdrama at lalong lalo namang lamang ako ng sampong paligo sa babaeng yun. unggoy !

Yang si harold ? di alam kung sino ba talagang kinakampihan, di ko na siya crush ! magsama nalang sila ni JM, mga unggoy !

" HOY ANO BA ?! "

" HOY UNGGOY ! "

" Kanina pa ako andito at nagsasalita tapos sisigawan mo ako tapos tatawagin mo pang unggoy ? "

" Hoy lalaking may malaking salamin, naka tuck-in at naka jose rizal hair hindi kita sinigawan ! ikaw nga tong naunang nanigaw eh tsaka bat kaba kasi andito ? "

" Kelangan pang banggitin yung suot ko ? kasi kwan may pumoporma na kay Lianne pano na yan ? " may pagkaalangan yung boses niya.

" Sino ? " tanong ko ng walang gana, bitter na ako eh kung dati inspired ako, ngayon hindi na.

" Si henry "

" Upakan mo nalang o kaya ipakatay mo "

" Mj kasi kidding aside ah ano na ? pano ?! "

" Lumabas ka na nga dito, ako na bahala dun tsaka bibigyan kita ng list para hindi kana magmukhang engot, hala ! sibat na ! " pagpapalayas ko sakanya.

Lumabas naman agad siya ng malungkot ang mukha, ano ba kasing meron yang love na yan at ginugulo lang niya ang mga tao pati mga mababait ginagawang masungit, mga tahimik nagiging maingay, mga GC-grade concious ginagawang tamad na.

LOVE ! LOVE ! LOVE ! ang epal mo, nakakainis ka na ! Lubayan mo ako ha  !

***

Pagkagising na pagkagising ko binigay ko agad kay Clark yung list of change hehe yun ang tinawag ko dun pagbabago kasi yun eh kaya change.

Monday today so may pasok na makakauwi na rin ako sa bahay, tumawag si dad sa cellphone ni Lianne nawawala nga yung phone ko diba ? di ko alam kung sa studio ba o hindi.

Dibale bibili nalang ako mamaya, i'll go shopping ! yeeyyyy :)

" Im-G ! " sigaw nila habang tumatakbo palapit saakin.

" Anong meron ? anong nangyari sa dila niyo at parang nanigas ? " tanong ko sakanilang kanina pa tawa ng tawa.

" Wala man day, lits gu to the cafiteria " tapos nagtawanan sila.

So anong meron ? ilang araw ko lang di sila nakasama nabaliw na agad sila.

pati ba naman sa pag-order at pagupo nagtatawanan parin sila ? mga sira >____<

" Fesh kell (fish kill) hahahaha it mens (it means) hahahaha isken (skin) hahahaha lubed (lubid) hahahaha " di na sila huminto sa kakatawa pero nagets ko na sila.

" Kelan pa kayo naging ganyan magsalita ? " tanong ko.

" Kanina lang sa reporting ng classmate namin, kilala mo si krista ? yung malambot tas matigas yung pagpronounce niya ng mga words siya yung tinatawanan namin hahaha ! "

Sige mga mapanglait kong mga kaibigan hagalpak pa sige !

Maya-maya naman ay dumating sila adrian at jess bale 8 na kami dito sa table, tumingin tingin ako sa paligid pero no sign of harold. parang may side sakin na hinahanap siya.

" He's not coming, he didn't attend the class today he is sick because of a girl " he whispered in my ears, it's jess tsk !

Because of a girl ? sino naman yun ? si jm nanaman ba ? nakakainis naman ! bakit ko pa ba iniisip yan nakakaasar lang kasi eh.

" What is korean tea ? " tanong ni adrian, lahat naman kami napaisip dun habang si jess at adrian nagtatawanan.

" It's a tea from korean ! " jansen said, di na sila nagtaka kung sino siya kasi pinakilala ko na siya sakanila kanina lang, oo dito na siya nagaaral.

" Wrong ! " sabay tawa nina adrian at jess.

" Oh sige sirit na kami " sabi ni louie, sumangayon naman kami sa sinabi niya.

" Eto yung binabayaran ng mga magulang niyo kada buwan, korean tea ! kuryente " sabay tawa nilang dalawa.

" Korean tea, kuryente hahahaha oo nga no " sigaw naming andun sa table.

" Ito pa, the egg ! " sigaw ni jess.

" Itlog " sabi nanaman ni Louie kaya natawa kami haha eh inenglish lang naman niya eh.

" Yan yung kapag nakalamang sila sayo, the egg ka nila, daig ! " sigaw ni kerwin kala mo nakikipagunahan haha !

Yan lang ang ginawa namin buong break time namin, kumain at magtawanan.

skater girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon