page 26

101 5 2
                                    


CIEL HAROLD's POV

Hinila ko agad palayo si MJ kay Jansen kanina, siya kasi yung nakita kong kasama ni MJ nung araw na nagquit siya.

" Pwedeng ako muna ? may 2 shots pa kaya ako !! " sabi niya sakin, tumira siya ng dalawang beses pero walang tumama, dibale cute naman siya everytime sumasablay siya.

" See i told you ! let me try " binigay niya naman agad yung baril-barilan sakin, tumira ako ng isa at sumablay.

" Ang yabang rin kasi natin jan eh, akala mo kung sinong magaling " sabi nito ng hindi nakatingin sakin pero obviously ako yung pinaparinggan niya, cute cute *.*

" You were saying ^__^ ? " tanong ko sakanya ng matamaan ko yung red part sa 2nd try ko.

Kumusilap lang ito at nagcross-arm, ang sungit naman ng mahal ko, i mean sumungit pala !

" Here ! " i said tas hinarap ko sakanya yung baril, kinuha niya naman yun agad at nagready to take a shot.

Hindi ko alam pero hinawakan ko yung magkabilang kamay niya, alam ko nagulat siya sa ginawa ko kaya bago pa siya mag-iskandalo at magsisisigaw ng RAPE nagsalita muna ako " This is how to make a sure shot, now press " sabi ko.

" YES ! " sigaw nito at nagtatatalon pa.

" Heto po yung price niyo " sabi ni manong at inabot sakin yung minion, may maliit pa ngang dalawa eh pang sabit sa phones at bags.

" Hi there handsome " sabi ng isang babae sakin at lumapit.

" That's a cute little stuff toy " sabi naman nung isa with pacute gesture.

Kinuha nung isang babae yung minion na para kay MJ sana, kukunin ko sana sakanya pero bigla akong hinila ng isang babae at akmang hahalikan ako, kanina pa nga niya yinayakap yung abs ko.

Kung hindi lang siguro babae to nabugbug ko na, nakakainis na yung ginagawa niyang panghahaplos sakin, oo lalaki ako at halos lahat ng lalaki eh gustong mahaplos haplos ng mga babae well Ibahin nila ako.

" Ooooops ! " lagay ni MJ ng kamay nito sa pagitan ng labi ko at labi ng babae, lumapit siya dun sa may babaeng may hawak ng minion.

" Can i get MY MINION ?! " hablot nito sa stuff toy, nagulat naman yung isang babae at nagcross-arm.

" Sino kaba ha ! nakikisali ka ! " sigaw nung babae at tumingin naman yung ibang mga tao sa pwesto namin.

" Sino ka rin ba ? tsaka kung tutuusin kayo nga nakikisali eh" sabi ni mj ng mahinhin.

" Ugh ! di mo ba ako kilala ?! ha ?! tsaka ano kaba ng lalaking yan ? " naiinis na sigaw nung babae sa mahal ko. Pero ang sarap sa feeling na pinagaagawan ako ng mga babae.

" Tatanungin ba kita kung kilala kita ? at itong lalaking to, BOYFRIEND ko lang naman siya na kinakalantari mo and we are having our date * hawak sa bewang ko * gusto mo ng malalandi ? dun ka sa mga lasenggo kasi walang pinipili yung mga yun, kahit nga walang itsurang babae eh go parin !! pwede ka rin naman nilang pagtiisan babaeng haliparot na saksakan ng lande ^________^ "

Umalis yung dalawang babae at nagbulungan naman yung mga tao dun, kesyo ang sweet daw kasi pinagmalaki ako ng girlfriend ko, kesyo bat daw nakatunganga lang daw ako at pinabayaan yung mahal ko.

Para iwas chismis, umalis na kami dun at nasalubong naman namin sila Clark at Lianne na nagtatawanan, si MJ naman kanina pa nilalaro yung minion na hawak niya.

Halos lahat na ng laro nalaro na namin, lahat na ng pwedeng sakyan nasakyan na namin, isa lang ang di pa namin napasukan yung haunted cave.

" Four tickets " i raised the tickets.

skater girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon