part 31

23 1 0
                                    


MJ's POV

" Ate niya ako MJ " sagot ni ate Chloe mula sa likod ni Harold.

Sasagot ulit sana ako nang biglang lumabas si Jansen sa likod nila ate Chloe.

" Maiwan muna namin kayo " sabi ni ate Chloe at tuluyan na nga silang umalis ni Harold.

" MJ " panimula niya.

" Magpapaliwanag ka diba ? Oh sige makikinig ako " sabi ko sakanya ng hindi tumitingin.

" *sigh* MJ ginawa namin yun kasi gusto naming mabuhay kami ni mommy, para mabalikan namin kayo ni dad. Mahirap para saamin ni mommy na mapalayo sainyo pero tiniis namin yun ng ilang taon para sa kapakanan mo. Kung hindi mo kami kayang patawarin ni mommy sana mapatawad mo si daddy, kailangan ka niya ngayon. "

Pagkasabi niya sa mga salitang yun ay tuluyan na ngang tumulo ang luha ko. Naiintindihan ko naman na ginawa nila lahat ng pagsisinungaling para sa kapakanan ko. Ayaw lang nilang malagay nanaman ako sa kondisyong ikamamatay ko.

Nagsimula na siyang maglakad palayo saakin at di ko namalayang naglalakad na din ako kasunod niya.

Binuksan niya ang pinto ng kotse ng hindi man lang nagsasalita. Pumasok naman agad ako at pinaandar na niya ito.

" Jansen " tawag ko sakanya.

" Hmmmm ? "

" Sa tingin mo ba mahal pa ako ni mommy ? " tanong ko.

Natawa lang siya at sinabing oo. " Nagseselos na nga ako sayo noon eh, everytime kasi na pupunta si daddy sa states lagi siyang may dalang damit mo, medals o kahit na anong gamit mo. "

Oo naaalala ko noon na kapalit ng mga gamit ko ay binibigyan ako ni dad ng pera pangbili ng bagong gamit. Everytime naman kasi na tatanungin ko kung anong ginagawa niya sa mga gamit ko ang sinasabi lang niya ay BASTA.

" Ibinibigay niya kay mommy at kapag natutulog siya eh nakapalibot sakanya yung mga gamit mo. Hindi na nga niya nilalabhan kasi mawawala daw yung amoy mo. "

Natawa lang ako sa sinabi niya at pinakinggan pa yung iba pa niyang kwento.

" Last year sinubukan kong labhan yung mga ibang damit mo eh nahuli niya ako kaya ayun hinabol niya ako ng tsinelas. Laging ganun si mommy, protective. Kapag tinatabihan ko nga siya yakap niya yung hotdog pillow mo, sabi niya ikaw daw yun. Araw araw ganun. Sobrang mahal ka ni mommy "

Nginitian ko lang siya at bumaba na sa kotse. Naglakad na kami papasok sa hospital para alamin na talaga kung anong sitwasyon ni dad.

" Salamat. . . . Kuya " pagkasabi ko nun ay bigla akong yinakap ni kuya.

" Salamat din " sabay ngiti saakin.

" Oh oh 'wag ka nang umiyak, ang panget mo kaya " kutsya niya saakin kaya nakatanggap nanaman siya ng hampas mula saakin.

Pumasok na kami sa kwarto at sakto namang in-announce ng doctor na nasa stable condition na daw si dad at pwede na naming iuwi bukas.

" Ma " tawag ko sa mommy ko at yinakap naman niya ako agad. Ipinaliwanag na niya lahat ng kailangan kong malaman.

Hindi ako yung taong kayang magtanim ng sama ng loob sa pamilya ko, kaya gustuhin ko man o hindi darating din yung araw na mapapatawad ko sila. Bakit kailangan pang patagalin kung pwede namang ngayon na.

Andito na ako ngayon sa kwarto ko, pinauwi na ako nila mommy kasi may pasok pa daw ako bukas. Eh bakit si kuya ? -______- andaya.

" Joy? " si kuya yan siya lang naman ang magtatawag saakin ng ganyang kasagwang pangalan eh.

skater girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon