Chapter 20

11K 509 32
                                    

Mabilis naman ang paggaling ko at dahil na rin sa tulong ni Reigan. Pigil na ngiting sumulyap ako sa direksyon niya mula rito sa counter ng Coffee Shop. Nasa isang table siya at may kausap na lalaking naka-business attire. Halatang may edad na ito pero hindi pa rin mawawala ang pagiging magandang lalaki nito. Tarantang napaiwas ako ng tingin nang mahuli niya akong nakatitig sa kanya. Ang bilis din ng tibok ng puso ko at kulang na lang ay lumabas ito sa dibdib ko. Nakakahiya ka talaga Zayl.

"Sa table 4." Nakangiting nilapag ni Jun ang tray na may lamang dalawang tasa ng kape. Kinuha ko na ang tray at hinanap ang table 4.

Table 4?

Dumako ang tingin ko sa table 4 at bigla na lang lumabo ang nasa paligid ko. Siya lang ang nakikita ko dahil pati ang kasama niya ay lumabo sa paningin ko. Napailing ako at huminga ng malalim bago naglakad patungo sa pwesto nilang dalawa. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay padagdag ng padagdag ang kabang nararamdaman ko.

Zayl, ilalapag mo lang ito sa table nila tapos aalis ka na rin.

Hindi ko namalayang nasa tapat na ako ng table nila at nakatingin silang dalawa sa akin.

"Uhm... i-ito na po ang order niyo." Sabi ko at inilapag ang dalawang tasa ng kape sa harapan nila.

"Thank you." May ngiti sa labing sabi ng kausap ni Reigan.

Yung isa ay busy lang sa pag-inom habang nakatingin sa ibang direksyon. Hindi na ako umasa pang sasabihin niya rin iyon.

Pagbalik ko sa counter ay dun lang ako tuluyang nakahinga ng maayos. Pigil na pala ang paghinga ko.

"Oh? Namumutla ka Zayl. Kakagaling mo lang sa sakit nung isang araw at baka nabinat ka." Pansin sa akin ni Ana. Ngumiti ako sa kanya para hindi na siya mag-alala pa.

"Okay lang ako."

"Umupo ka na muna rito sa gilid. Wala pa naman bagong dating na customer eh."

Ginawa ko ang sinabi niya. Pakiramdam ko kasi nanghina bigla ang katawan ko at hindi dahil sa nabinat ako. Kundi sa hindi niya pagpansin sa akin kanina. Hindi ko maitatanggi na gusto ko ang attention na ibinigay niya sa akin nung may sakit ako. Pakiramdam ko nung mga oras na yon ay kami na lang ang tao sa mundo at magiging close na kami. Ang hirap talagang umasa at nakakasakit ng damdamin.

---

"R-Reigan..."

Kalalabas ko lang sa Coffee Shop, malayo na ang nilakad ko at ganon din siya. Palubog na nga ang araw at nag-overtime ako ng one hour. Huminto siya pero hindi man lang ako nilingon. Lumapit ako at huminto sa gilid niya. Diretso lang ang tingin niya.

"Pwedeng s-sabay tayo umuwi?"

Wala akong response na nakuha sa kanya bago siya tumuloy sa paglalakad. Bumigat na lang bigla ang nararamdaman ko sa dibdib. Pakiramdam ko pa nga ay napahiya ako. Huminga ako ng malalim at sumakay sa humintong bus. May mga sumakay rin at nanatili naman akong nakayuko.

Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta at nang may naisip ako ay nagbayad din ako. Nagpunta ako sa medyo malayo sa uuwian ko dapat. Parang ayoko munang umuwi. Napadpad ako sa isang sikat na parke ng lungsod. Umupo ako sa isang bench at napatakip na lang ng mukha.

Ang hirap niyang intindihin. Parang once in a blue moon lang niya ako pinapansin. Bakit ba ang hirap mapalapit sa kanya? Parang may malaki at makapal na pader ang nakapalibot sa kanya. Kahit si Louise at ang kambal ay hindi niya close. Maliban kay Yuriko.

May napansin akong itim na sapatos sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ang nakatayo sa harap ko ngayon.

"Miss Zaylea, naging matagal-tagal din po ang paghahanap namin sayo."

Ang isa sa mga bodyguard ni Dad. Napansin kong may mga kasama pa siyang palapit sa amin.

"Nakita ko na si miss Zaylea." Sabi niya habang nakalagay ang hintuturo sa device na nakalagay sa kaliwang tenga niya.

Tumayo ako at tatakbo sana nang hawakan niya ako sa braso. "Bitawan mo ako!" Pilit na tinatanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin.

"Ma'am sumama na lang po kayo pabalik sa inyo. Nag-aalala na po si Sir Romeo."

"Nagpapatawa ka ba? Wala sa vocabulary ni Dad yan! At hindi mo ako maloloko para lang sumama sa inyo."

Malakas ko siyang sinipa sa binti at automatic na napabitaw siya sa akin. Tumakbo ako ng mabilis at kung hanggang saan ang kaya kong bilis. Hindi ko alam kung saan ako magtatago.

"Ahh—amph!"

Bigla na lang may humablot sa akin at parehas kaming umupo sa damuhan para magtago sa isang puno. Pumantay kami sa mga nakahilerang halaman sa gilid ng daan. Madilim na ang paligid at nakakarinig na rin ako ng mga kuliglig. Narinig ko na maraming tumatakbo at huminto sa tapat ng pinagtataguan namin.

"Natakasan na naman tayo ni miss Zaylea."

"Sasabihin pa ba natin ito kay boss?"

"Wag na muna. Paniguradong magagalit si boss at tanggalin tayo sa trabaho."

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang paglalakad nila palayo pero kinabahan din agad. Hindi ako pwedeng magkamali. Yung paraan ng pagyakap niya sa akin ay kilala ko na agad kung sino itong nasa likod ko. Pati ang familiar scent na nagmumula sa kanya. Tinanggal na niya ang pagkakatakip ng isang palad sa bibig ko. Napalunok ako at dahan-dahan na humarap sa kanya. Kahit na madilim ay pilit kong inaaninag ang mukha niya.

"Let's go home..." Tumayo siya at tinulungan din akong tumayo.

Nakasakay na kami sa bus pauwi at ngayon ko lang nahanap ang dapat kong sabihin sa kanya.

"S-salamat nga pala sa pagtulong sa akin, Reigan."

Wala na naman akong nakuhang response sa kanya. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Napabuntong-hininga ako at isinandal ang likod sa upuan. Hindi niya ako gustong kausapin.

Pero nagtataka pa rin ako kung bakit nandoon din siya sa parke.

Pagdating namin sa bahay ay naabutan naming naghahapunan na ang apat. Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay ni Louise.

"Ginabi na kayong dalawa ng uwi ah? Kain na kayo." Pag-aaya ni Yuriko.

Narinig ko ang pigil na tawa ni Sarah. "Lily! Nag-date sina mommy!" Parang kinikilig pa na sabi nito.

Ngayon ko lang napansin na wala na sa tabi ko si Reigan. Pumunta na ata sa kuwarto niya.

"Hoy, isip bata kumain ka na nga lang dyan. Ang ingay mo."

"Heh! Bitter ka lang!"

Nakangiting umiling-iling si Yuriko sa dalawa. Nagpaalam na ako sa kanila pupunta na ako sa kuwarto at sinabing busog pa ako. Ipinaglalaban talaga ni Sarah na nag-date raw kami ni Reigan. Pagkapasok ko sa kuwarto ay nabitawan ko ang bag ko sa sahig. Pabagsak akong dumapa sa kama at tumitig sa pader. Nasa likod niyan ang kuwarto ni Reigan. Lagi ko nga iniisip kung ano nga ba ang ginagawa niya lalo na sa mga oras na 'to.

Inis na humarap ako ng higa sa kisame. Kanina pang umaga na siya ang laman ng isipan ko. Kailan niya kaya balak um'absent? Always present kasi sa isipan ko.

---

:)

Living With The Five Gorgeous GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon