Chapter 18

10.6K 526 37
                                    











"Inlove ka, miss Zaylea Walker..."















Nagulat ako nang mabitawan ko ang isang tasa at nabasag ito sa sahig. Agad tuloy napatakbo ang apat na nasa living room papunta sa kitchen.

"S-sorry..." Yumuko ako para pulutin ang mga piraso ng nabasag na tasa.

"Zayl, ako na dyan baka masugatan ka." Sabi ni Louise bago kinuha ang dustpan at walis.

"Ouch!"

"Ayan na ba ang sinasabi ko eh." Kinuha niya ang kamay ko at pinunasan ang hiwa na dumugo. "Pumunta ka muna sa sala at ako na ang mag-aasikaso rito."

Inalalayan naman ako ng kambal na pumunta sa salas at si Yuriko naman ang gumamot sa sugat ko.

"Zayl, parang ilang araw ka nang wala sa sarili."

Napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni Sarah. Ilang araw na ba akong ganito? Simula kasi nang marinig ko ang sinabi ni Doc Agatha ay parang ayaw mag-process sa utak ko na in love ako. How come? Paano nangyaring na in love ako na hindi ko man lang namamalayan? Napapikit ako dahil sumasakit ang ulo ko.

"May umaway ba sayo? Sabihin mo lang kung sino at uupakan ko." Sabi ulit niya at tinaas ang manggas ng suot na damit para ipakita ang payat niyang braso.

"Payatot.." komento ni Lily sa kanya.

"Kahit payat yan! Nakakamatay yan!"

"Edi wow, lamok nga lang hindi mo mapatay eh. Tao pa kaya?" Sabi ni Louise. Umupo siya sa pang-isahan na couch.

"Natural lumilipad kaya hindi ko mapatay."

Napahawak ako sa ulo ko dahil nagsisimula na namang sumakit ito. Ilang araw na akong hindi makatulog ng maayos dahil sa tuwing matutulog na ako ay naaalala ko naman ang nalaman ko last week. Isipin ko pa lang ang taong dahilan, hindi na ako makatulog.

"Ayan na naman kayong dalawa." Kakatapos lang maglagay ni Yuriko ng band aid na kulay pink sa sugat ko. "Sumasakit na ang ulo ni Zayl sa kaingayan niyong dalawa."

Napatingin naman ang dalawa sa akin at ngumiti lang ako ng tipid.

"Ihahatid na kita sa kuwarto mo." Presenta ni Louise at inalalayan akong tumayo.

"Sama ako!"

Natawa ng mahina si Louise dahil nagsusumiksik na sa akin si Sarah at inilagay na ang braso ko sa balikat niya.

"Hoy, isip bata. Ihahatid ko lang siya sa kuwarto niya."

"Gusto ko alagaan si mommy Zayl."

"W-wala naman akong sakit." Sagot ko kay Sarah.

"Wala pa, pero baka bukas meron na kaya dapat ngayon pa lang magpahinga ka na muna." Sabi ni Louise at hinawakan ang kamay ko.

Tumingin ako sa kamay naming dalawa bago nag-angat ng tingin. Ang ganda ng mga ngiti niya pati ang mala-manika niyang mga mata. Kusang napahawak ako sa eyelashes niya. Ang haba kasi. Bumungisngis siya dahil sa ginawa ko.

"Babe, pansin ko ha? Ito ang pangalawang beses na hinawakan mo ang eyelashes ko." Namumulang sabi niya at hinawakan ang kamay ko para halikan ang likod ng palad ko. Nag-init ang pakiramdam ko sa magkabilang pisngi ko dahil sa ginawa niya.

"Ehem..."

Napatingin ako sa mga tumikhim at parang nahiya naman ako.

"Ate Louise, tama na nga yang galawan mo. Kay ate Reigan na siya." Pagpupumilit ni Sarah at niyakap pa ako sa bewang.

Living With The Five Gorgeous GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon