Chapter 24

10.6K 513 45
                                    

    "Excited na ako sa road trip!"

    "Ingay mo talaga."

    "Wag kang kj dyan!"

    Napailing na lang ako sa lakas ng boses ni Sarah. Parang araw-araw laging nakakalunok ng megaphone. Si Lily naman, ayon back to normal na. Balik sa pagiging tahimik at tipid magsalita. Natutuwa nga ako dahil kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng nararamdaman niya. Hindi madali ang pinagdaanan nilang magkapatid.

    "Ano Zayl? Tatayo at tutulala ka na lang ba dyan sa kagandahan ko? Sakay na!"

    Nakadukwang si Sarah sa nakabukas na bintana ng van. Humahagikhik pa siya habang nasa tabi niya si Lily na busy na sa pagbabasa ng libro. Ang sipag niya masyado. Ngayong araw ang alis namin para doon magbakasyon sa province nila Yuriko.

    "Sandali lang may nakalimutan ako sa taas."

    "Sige na dalhin niyo na ang dapat na dalhin niyo para wala na kayong maiwan bago tayo umalis." Nakangiting paalala ni Yuriko. Pumunta rito ang driver nila para suduin kami at ihatid sa paroroonan.

    "Wait lang! Punta muna ako ng cr!" Nagmamadali naman na bumaba si Sarah ng van.

    "Eww, wag kang tatabi sa akin." Maarteng nag-gesture magtakip ng ilong si Louise.

    "Kapal mo ate Louise, eh magbabawas lang naman ako ng tubig sa katawan!"

    "Kahit na, mabaho ka pa rin."

    Napailing ako bago pumasok ulit sa bahay para kunin ang isang bag na muntik ko nang makalimutan. Pagpasok ko sa kuwarto ay mabilis ko lang itong nakita dahil nakapatong lang ito sa ibabaw ng kama. Kinuha ko ito pero nahinto rin nang makitang nasa ilalim nito ang phone ko na nagri-ring na ngayon.

    Si Dad....

    Tumingin muna ako sa pinto bago ito kinuha. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba or hindi. Nag-end yung call pero maya-maya'y nagri-ring na ulit ito. Huminga muna ako ng malalim bago ito sinagot.

    "Mabuti naman naisipan mo pang sagutin?"

    "Kung ipipilit niyo na naman na bumalik ako? Hindi ang sagot ko."

    Narinig ko ang mahinang paghalahak niya. "Nagmana ka nga talaga sa akin Zayl, ang tigas ng ulo mo. Hanggang kailan ka magtatago? Hindi habang buhay makakapagtago ka sa akin. Mahahanap at mahahanap din kita."

    "Dad, please. Hayaan niyo na ako sa gusto ko." Kinagat ko ang ibabang labi ko. Ayoko na talagang bumalik sa amin.

    "Para sa kinabukasan mo itong ginagawa ko kaya sumunod ka sa gusto ko."

    "Hindi sa akin dad, sayo at sa company mo." In-end ko na ang tawag at inilagay sa drawer ang phone kong naka-off na.

    Pagod na akong maging sunud-sunuran na anak. Para akong puppet niya na laging susunod sa bawat paggalawa ng kamay niya. Siyam na taon pa lang ako inililibot na niya ako sa company. Lagi niyang sinasabi na ako ang magmamana ng lahat ng iyon kaya dapat bata pa lang ako ay alam ko na ang pasikot-sikot sa business world. At age fourteen, lagi na niya akong ipinapakilala sa anak ng mga kanegosyo niya. Napaisip na lang ako bigla, ang huling na-meet ko ay si Conrald na anim na taon ang agwat sa akin. Anak siya ng isa sa malalaki ang shares sa company ni Dad. Hindi ko siya gusto kahit na magandang lalaki siya at halata ang pagiging maginoo niya. Halatang hindi nga siya interesado sa akin, dahil na rin siguro sa age gap namin. Naalala ko pa nga yung sinabi niya noon nung nasa party kami last year.

Living With The Five Gorgeous GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon