Chapter One – Meet Kanor
Isang gabi ako’y papa-uwi na ng bahay namin. Then all of a sudden, I heard some noise. Hinanap ko kung saan galing ang ingay and then I saw a pretty girl being harassed by three guys, sa itsura ng mga lalaking ito tiyak goons ang mga ungas at parang nakursunadahan yung babae. Naku, kawawa naman. I better move before something bad happen.
“Hoy miss, pwede mo bang samahan kami. Siguradong masisiyahan ka naman” sabi nung Pangit Guy #1. Pero pumalag yung babae dahil hinawakan ang mga kamay nito.
“Aaarrrrggghh!...Pwede ba bitawan nyo nga ako.” pakiusap ng dalaga sa tatlong Pangit Guys.
“Wag ka nang pakipot pa. Sumama ka na!!” sabi ni Pangit Guy #2.
“Tara na dun tayo!! Shot ka muna…”sabi ni Pangit Guy#3 at hinawakan din ang mga kamay ng magandang babae habang hinihila.
Di ko na kaya pang magtimpi. Kaya naman lumabas na ako sa aking pinagtataguan. At aking pipigilan ang tatlong kupal na ito sa masama nilang balak.
“Hoy mga tarantadong asungot!! Bitawan nyo nga sya!! Ang kapal naman ng mga pagmumukha nyo!!” sigaw ko at lumapit sa kinaroroonan nila.
“Sino naman kaya ang gagong ito? Upakan nyo nga yan!!” at papalapit sa akin yung dalawang lalaki.
I smell trouble here and I think I need to prepare myself for combat. Naku, diyos ko mapapalaban ako nito….Kumuha ng pamalong dos por dos yung isa at yung isa naman ay naglabas ng balisong. Kahit kinakabahan ready na ako sa aking ala Steven Seagal stance then with matching karate chops, tapos ready na rin ang ala Chuck Norris na roundhouse kick, at suntok na ala Fernando Poe. Lumapit ang isa at humataw ng pamalo, nakailag ako at binigayan ko siya ng ala Chuck Norris na roundhouse kick. Tumumba sa lupa ang kulugo. Di inaasahang sasaksakin ako mula sa likod pero mabuti na lang at na counter attack ko ng aking Steven Seagal karate Chop kaya naman nabitawan ang balisong at hinandugan ko isang malupit na upper cut ang isa pang kulugong ito. Yes! Isa na lang….
“Hey you!! You wanna fight me!!...Subukan mo lumapit babaliin ko ang leeg ng babaeng ito!!” sigaw ng natitirang kulugo na nasa likuran ng babae habang hawak ang leeg nito.
Mabilis pa sa kidlat kumuha ng bato at inihagis sa ere sabay talon. Hinataw ko ng aking ala Jet Lee style na spinning back kick ang bato na sya namang tumama sa noo ni kulugo. Tumumba ang natitirang kalaban at tumakbo papalapit sa akin ang pretty at sexy chic. Nang makalapit binigay ako ng isang power hug.
“My hero, thank you so much for saving me!! How could I repay you?” sabi ng pretty at sexy chic na sinagip ko.
Napangisi at kinabahan ako dahil sa presence ng babaeng nakayap sa akin. Pero hanep dahil biglang uminit ang aking pakiramdam.
“No need to repay me. It’s an honor for me to save such a beautiful woman like you. Hehehe…” sagot ko naman. Naks!! Saan ko kaya napulot ang ganoong dialogue.
“Oh, I see…such a gentleman. Ganito na lang…” at bigla na lang akong hinalikan sa pisngi. WOW!! Yeeesss this is it! “-…tara umalis na tayo bago pa magising ang mga ‘to at doon tayo mag TOOT-TOOT-TOOT...”
Ano daw?!! Ba’t ganoon?!
“Excuse me? Ano nga yun?” tanong ko.
“Ang sabi ko tara umalis na tayo bago pa magising ang mga ‘to at doon tayo mag TOOT-TOOT-TOOT...” sagot nya at hinalikan ng hinalikan ako sa pisngi…
TOOT!! TOOT!! TOOT!! TOOT!!
Aaarrrggghh!! Kailangan ko ng gumising….Teka nga ano ba yung tunog na yun?!! Tapos nararamdaman ko na basa ang aking pisngi…at na-realize ko na tumutunog na pala ang aking alarm clock at parang may dumidila sa pisngi ko. Pagmulat ko ng aking mga mata, laking gulat ko na lang at mukha ng aso naming si Hachiko ang bumungad sa akin.
BINABASA MO ANG
LOVE AT THE PILLARS: An Atenean Love Story
RomanceThis is a story of a geek who fell in love to his beautiful best friend (beauty and the geek), they fall in love while studying in Ateneo de Naga University...