Chapter Two – I met an angel in a Jeepney
Nang buksan ko ang aking mga mata, agad kong inalam kung na saang lugar na kaya ang biyaheng ‘to. Napag alaman kong malapit na pala. Kaya naman sinubukan kong ipikit muli ang aking mga mata para umidlip sandal subalit di na ako dinalaw pa ng antok. Kinuha ko ang aking mobile phone at isinuot sa aking mga tenga ang headphone, makikinig na lang ako ng music para di ako mabagot sa biyahe.
******Rico Blanco – Antukin*****
Iniwan ka na ng eroplano
Ok lang baby
Wag kang magbago
Dito ka lang
Humimbing
Sa aking piling
Antukin
Kukupkupin nalang kita
Sorry wala ka nang magagawa
Mahalin mo nalang ako
Ng sobra sobra
Para patas naman tayo…Diba?
Sasalubungin natin ang kinabukasan
Ng walang takot at walang pangamba
Tadhana'y merong tip na makapangyarihan
Kung ayaw may dahilan
Kung gusto palaging merong paraan
Nagmasid-masid ako sa paligid at napansin kong sobrang ingay naman ng nasa may bandang unahan. Parang kung mag usap naman yung dalawa wagas, dinig hanggang dulo. Para bang magkahiwalay na bundok ang pagitan pero magkatabi lang naman sila. Hmp!! Istorbo naman ang mga ‘to kaya linakasan ko na lang ang volume ng pinakikingan.
Long as we stand as one
Ano man ang ating makabangga
Nothing will ever break us
Wala talaga
As in wala
Hahalikan nalang natin ang kinabukasan
Ng buong loob at yayakapin pa
Tadhana'y medyo overrated kung minsan
Kung ayaw may dahilan
Kung gusto palaging merong paraan
Gumawa nalang tayo ng paraan
Gumawa nalang tayo ng...
Baby, gumawa nalang tayo ng paraan
Nakarating na rin sa Naga City, since dumaan sa Concepcion Grande ang sinasakyan ko. Di na ako bumaba pa sa may terminal. Paparahin ko na lang sinasakyang van at bababa sa may simbahan sa Diversion at sasakay ako ng jeep. Nang makababa ako ng van lumakad ako papuntang sakayan ng jeep. Pero nang malapit na ako sa pila, nakatapak ako ng “malambot na nakakapilay”, kainis land mine (ebak!!), ang malas ko naman sasakay pa naman ako ng jeep. Inalis ko muna ang ebak bago ako sumakay pero, nangangamoy pa rin. Pagsakay ko, nasa harapan ko ang dalawang saleslady ng mall. Hanep, ang sexy dahil sa ikis ng suot ng mga ito. Umandar na ang jeep pero wala sa atensyon ko ang pag usad ng jeep sa daan kundi nasa mga harap ng naggagandahang saleslady.
Nang makarating malapit sa may Villa Caceres Hotel, huminto pansamantala ang jeep dahil may motor na sumemplang sa isang kotse. Narinig ko na sobrang bilis daw ng takbo ni Motor Bike Boy na parang nakipag karera at nang mag overtake ito sakto namang sumemplang sa nakasalubong nitong kotse. Yan kasi, hindi porket naka BMW big bike gagaya-gaya ka ng nasa mga pelikula. Pagtingin ko sa naaksidente, napabulong na lang ako ng pakikipasimpatya “kawawa naman yan” at pagligon ko ulit sa dalawang seksing saleslady sa aking harapan “ang laki naman yan”, naku po inaatake na naman ako ng sakit kong Manyaksis Bosomia.
May sumakay na pasahero nang papaandar na ang jeep at paglingon ko bakit tila may anghel na sumakay at naupo pa sa tabi ng mga saleslady na kanina ko pa tinititigan sa aking harapan, grabe ang ganda naman ng babaeng ‘to. Parang ganito yung masasabi kong girl of my dream. Cute sya, chinita, mapugay ang mga mata, maputi, manipis ang labi, mahaba ang buhok, angelic face, slim at ang mas napansin ko ang kaniyang uniform, Atenista din sya.
Napatulala na lang ako habang pinagmamasdan ang kayang kagandahan. Inatake ulit ako ng aking sakit na Nanggagaturuganus ng gisingus (Day dreaming)….
Nasa harapan ako ng altar kasama ang babae ito. Nakasuot ng gayak pang kasal habang busy ang pari sa ceremony.
“Do you accept this man infront of you as your lawfully wedded husband? For better or worst, in sickness or in health, for richer or poorer, ‘til death do both of you apart?” tanong ng pari.
“I do..” sagot naman nya. Hay ang sarap namang marinig yun….
“Do you accept this woman infront of you as your lawfully wedded wife? For better or worst, in sickness or in health, for richer or poorer, ‘til death do both of you apart?” tanong naman sa akin ng pari.
“I do…” nasabi ko na lang bigla. Ewan ko ba bakit parang wala ako sa sarili ko.
Bumalik na lang ang aking kamalyan ng inaabot na pala nya sa akin ang pamasahe nya. Nagkandarapa ako sa pag abot ng bayad nya.
“Salamat” sabi nya ng inabot ko ang kanyang bayad. “…Anong ‘I do’?” tanong nya at napangisi sya. Di na ako sumagot at napayuko tuloy ako dahil sa hiya. Napahagikgik pa nga ang ilang nakarinig na pasahero.
Nasa may bandang Peñafrancia Ave. na di pa rin ako natigil sa pagsulyap sa dalawang saleslady at angel na sa harapan ko. Palingon-lingon pa ako sa aking paninilip pero mukhang nakahalata na ang isang saleslady at tinitigan pa ako ng masama. Inirapan ako at parang nanlilisik na ang tingin.
“Hoy!! Kung di ka pa nakukuntento why don’t you take a picture…Manyak!! Mamboso!!” wika ng galit na saleslady at bumaba na ng jeep. Napahiya na naman ako sa mga ibang pasahero ng jeep. Hay naku!! Wala na ‘bang mas ikakamalas ang araw na ito. Napayuko ulit ako dahil dun pero nakita kong napapangisi at napapahagikgik ang anghel na nasa harapan ko. Hay!! Natunaw ako sa ngiti nya.
“Manong para po sa tabi.” malumanay na wika ng anghel, ang hinhin naman ng boses nya. Pero namalik mata lang ba ako o totoo kayang kinindatan nya ako bago sya bumaba ng jeep. Di ko alam ba’t di ako nakakilos at parang estatwa sa kinauupuan ko dahil sa babaeng yun. Namalayan ko na lang na tuluyan na syang nakababa at umaandar na muli ang jeep. Napa isip tuloy ako ba’t nya ako kinindatan? Makikita ko pa ba sya ulit? Saang college o department kaya sya? Masyado naman akong assuming…Pero huli na nang nalaman ko, dapat pala bumaba na ako kanina malayo na pala ako sa eskwelahan, kasi nasa bandang may plaza na pala ako. Ano ba naman!! Unang araw sa Ateneo tatanga-tanga ako! Yun tuloy, pumara ako ng trike at namasahe papuntang Ateneo, parang malelate pa ako sa unang subject ko. Ayos!! (T_T)
BINABASA MO ANG
LOVE AT THE PILLARS: An Atenean Love Story
RomantikThis is a story of a geek who fell in love to his beautiful best friend (beauty and the geek), they fall in love while studying in Ateneo de Naga University...