Ang salitang ikaw ay naiiba sa ako.
Ako ay babae at Ikaw ay lalake.
Iba ako,
At iba ka
At alam mo yan.
Alam mo bang,
Sa salitang ikaw at ako,
Ang saya nung salitang "TAYO"
Pero yung TAYO na yun,
Nawala na
Nawala na yon dahil may pumalit nang bago!
Bumago ito at naging KAYO.
KAYO na masaya.
KAYO na nag tatawanan.
Kaya kaibigan, paalam.
Paalam nalang dahil hindi ko na kaya.
Paalam na dahil ayoko na.
At paalam na dahil,
Mahal kita at pababayaan kita sa sarili mong desisyon.
Sa desisyon mo kung saan ka masaya.
Masaya ka, at ako?
Eto ako
Inaalala kita kung
okay ka lang ba?
Masaya ka ba?
Pero ang totoo ay nasasaktan ako.
Nasasaktan nang lubus lubusan.
Kaya paalam na, aking ka-ibigan.
