TAMA NA

52 0 0
                                    

Simula nung una kitang nakita
Sinabi ko sa sarili ko na
Ikaw na,
Ikaw na yung taong nag patibok sa puso ko ng bongga bongga,
Mga pakilig mo saken kung san ako ay mas lalong nahulog sayo noon
Ay ramdam na ramdam ko yon noon.

Pero isang umaga at ako'y nagising,
Nakasuot ang aking ngiti nang makita kita sa aking telepono,
Ngiti na hanggang tenga ay umaabot.
Ngunit ako'y napasimangot nang
malaman ko na may iba ka na,
Ako'y napaisip at pilit na tinatanong sa aking sarili na 'di pa ba sapat yung ginawa ko sayo?'

Sa araw araw kong hindi kinalimutan na banggitin yang pangalan mo,
Sa araw araw kong inaalala kita kesa sa sarili ko,
Sa araw araw na pagsabi sayo na mahal kita,
Sa araw araw na pag titiis na ipagsabay ang pag aaral ko at sa paggawa ng mga regalo ko para mapasaya lang kita,
Shet yun nga, hindi kapa nakuntento.

Alam mo?
Susulat sana ako ng kwento
Na sana ang bida ay 'tayo'
Kaso nang isang saglit ay napalitan ito ng 'kayo'
Kayo na masaya kesa sa tayo,
Kaso ayun, wala nga palang tayo.

Tama na dahil ayoko na,
Ayoko na dahil masyado na,
Tama na dahil nasaktan na ako ng sobra.
Kahit wala mang tayo,
Ako'y nasaktan ng sobra.
Tama na hindi dahil ayaw ko na sayo.
Tama na dahil mahal kita at hahayaan kita kung saan ka masaya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hugot Poetry is lifeWhere stories live. Discover now