Day 3 October 20, 2018 – 7:25 AM
Sa masukal na bahagi ng isla inilagay ang magsisilbing training ground namin ni Ivy. Patungo kami ngayon sa likuran ng mansyon kung saan naghihintay ang dalawang kabayo na siyang maghahatid samin patungo sa lugar. Hindi kalayuan natanaw ko si Tatay Rogelio dala ang kabayong nasakyan ko kahapon, nagtaka ako kung bakit isa lang ang dala nito.
"Tatay Rogelio, magandang umaga po." Bati ko sa matanda ng makarating sa kinaroroonan nito, bumaling ako sa likuran kung nasaan si Ivy na kasalukuyang hindi na mapinta ang mukha. Nagkibit balikat nalang ako at muling hinarap si Tatay Rogelio.
"Magandang umaga rin Ma'am Joey, Senorita Ivy." magalang na bati ng matanda. Nginitian ko si Tatay Rogelio, naaalala ko sa kanya si Ninong Josef.
"Ma'am Joey, isa lang po ang pwedeng gamitin ngayon. Kakadating lang kasi ng doctor at nauna si Coco na suriin." kamot ang ulong sabi ni Tatay Rogelio.
Kung suswertehin ka nga naman. Dalawa ang naisip kong paraan para makarating sa training ground, ang sumakay kami ni Ivy sa iisang kabayo o ang maglakad at alalayan na lamang ang kabayo habang nakasakay si Ivy.
"Tay, Joey nalang po ang itawag niyo sakin. Sige po ako na pong bahala kay Coco." sagot ko sa matanda. Iniabot nito ang mahabang lubid na nakasabit sa leeg ni Coco. Nagpaalam din kaagad ang matanda dahil kailangan pa raw nitong alalayan ang doctor sa pagcheck-up sa mga kabayo.
"Miss Ivy, sakay na." malumanay na sabi ko kay Ivy.
Tinulungan ko itong makasakay sa kabayo at nang masigurong prente na itong nakaupo, sinimulan ko ng maglakad palabas ng bakuran ng mansyon.
Napatingin ako sa tila labanos na legs ni Ivy, well-toned at parang sobrang lambot ng balat niya. Naaamoy ko rin ang lotion na ginamit nito, parang strawberry scent na nanunuot sa ilong. Huminga ako ng malalim dahil nakakaramdam na naman ako ng init sa katawan.
"Maglalakad ka lang?" tanong ni Ivy sakin.
"Oo, bakit?" balik tanong ko.
Malayo ang pupuntahan namin at sa tantya ko ay aabutin kami ng halos kalahating oras kung lalakarin ko lang. Hindi naman ako nagrereklamo dahil sanay ako sa mahabang lakaran. Mas pinili ko nalamang maglakad dahil hindi ko alam kung makakapagfocus ba ako kung sobrang lapit ng katawan namin ni Ivy.
"Wala naman, kung trip mong maglakad, go ahead." Nakangising tugon niya sakin.
Ikinibit balikat ko nalamang ang kakaibang ngiting nakapaskil sa magandang mukha ni Ivy. Nagpatuloy ako sa paglalakad, bawat hakbang ay may kalakip na paniniguradong hindi mapapahamak ang aking alaga. Lumipas ang mahabang oras, nanatiling walang nagsasalita samin.
"We're almost there." basag ko sa katahimikan, tanaw na mula sa kinaroroonan naming ang lugar kung saan kami mag-eensayo.
"Really?" mas lumapad ang nakakatuyang ngiti ni Ivy.
May kakaiba akong nararamdaman sa mga ngiti nito, kinukutuban siyang may pinaplano itong hindi maganda. Pilit kong inalis ang alinlangan at muling itinuon ang pansin sa daan.
"Can we rest for a while?" I think Coco is tired." narinig kong sabi ni Ivy.
"Malapit na tayo Miss Ivy, doon nalang tayo magpahinga." Itinuloy ko parin ang paglalakad.
"Joey, look!" malakas na sigaw ni Ivy, nilingon ko naman kung saan siya nakaturo.
Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari, naramdaman ko nalamang ang pagbilis ng takbo ni Coco, sinipa ni Ivy sa tagiliran si Coco na hudyat na dapat tumakbo ito ng matulin. Nakaladkad muna ako sa damuhan bago tuluyang nabitawan ang lubid na hawak. Nawalan ako ng paninbang at minalas na napasubsob sa batuhang parte, naitukod ko ang kaliwang kamay bago ako tuluyang bumagsak.
BINABASA MO ANG
Extinct - (GirlxGirl)
HorrorSharp and fearless, ganyan mailalarawan ang Twenty-five year old na si Joey. Bata pa lamang siya ay hinasa na niya ang sarili sa pakikipaglaban kaya naman hindi naging mahirap sa kanya ang pasukin ang mundo na hindi kinikilala ang salitang 'Takot'. ...