Prologue - The Mission

6.8K 105 8
                                    

October 16, 2018

Joey Zamora

"Ninong Josef, ano po bang ipapatrabaho niyo sakin ngayon?" magalang na tanong ko sa kinalakihan kong tagapag-alaga na naging matalik na kaibigan ng Papa noong nabubuhay pa ito. Pitong taong gulang ako noong namatay sa isang car accident ang mga magulang ko, wala ni isa sa mga kamaganak ko ang pumayag na kupkupin ako kaya laking pasasalamat ko kay Ninong Josef ng walang alinlangang kinupkop at itinuring akong parang sariling anak.

Mayaman ang angkan namin, sino bang di nakakakilala sa angkan ng Zamora? Naging ganid lang ang mga kapatid ng Mama at pinagkaisahan nilang alisin sakin ang magandang buhay na dapat na natatamasa ko. Kinuha nila ang lahat ng ari-arian kasama ang kumpanyang pinaghirapan ng mga magulang ko noong nabubuhay pa sila. Ang pinakamasakit, itinakwil nila ako sa angkan kaya ganun nalang ang pagkamuhi ko sa mga Zamora.

"Nong?" tawag ko sa matanda ng hindi ito sumagot sa tanong ko kanina, humarap ito sa akin ngunit hindi ito agad nagsalita bagkus ay tinitigan lamang ako nito, halata sa mga mata na may malalim itong iniisip.

Humakbang palapit si Ninong at huminga ng malalim bago nagsalita, "Joey, listen carefully. Your next mission is Ivy Cassandra Gregor." seryoso ang mukha nito kaya ibinigay ko ang buong atensyon sa mga susunod na detalye.

Nagtatrabaho bilang head ng isang Elite Underground Security Agency si Ninong Josef, buong buhay niya ay inilaan na nito sa pagprotekta sa mga kilalang tao sa lipunan at ito rin ang trabahong bumuhay sa aming dalawa. Nakita ko ang dedikasyon ni ninong sa trabaho kaya ganoon nalang ang paghanga at respeto ko sa matanda. Bukod sa pagiging masipag at matapat, sadyang napakabait at matulungin din ito sa lahat ng taong nakakasalamuha; mapamahirap man o mayaman.

Si Ninong Josef ang huwaran ko kaya naging madali sa akin na magdesisyong tahakin rin ang propesyong pinasok nito. Habang lumalaki ay itinatak ko na sa utak na magiging katulad ako nito. Tinuruan niya akong makipaglaban at humawak ng iba't ibang uri ng sandata para narin daw masiguro na kaya kong protektahan at iligtas ang sarili sa kahit anong peligro. Hindi ko sinayang ang araw-araw na ensayo dahil ngayon kahit anong uri ng sandata ay kaya kong hawakan, bukod pa doon ang husay ko sa Martial Arts; kahit siguro lalaking sobrang laki at maskulado ay kayang kaya kong patumbahin ng wala pang isang minuto.

"Hindi madali ang magiging misyon mo ngayon dahil hindi tao ang mga makakalaban natin." binigyang diin nito ang salitang natin. Lumalim ang pagkakakunot ng noo ko ng mapagtanto ko ang sinabi ni Ninong; 'Hindi tao?'.

"May mabilis na kumakalat na virus ngayon, it originated from a Rabies virus, mutated and way much stronger. Hindi napapasa sa hangin kundi sa body fluids, parang AIDS. Nagsimula sa China hanggang mabilis na kumalat sa mga katabing bansa and in a span of three months, five countries na ang may outbreak including Russia and North Korea. Hindi pa inilalabas sa publiko dahil ayaw nilang magpanic ang mga tao. Sa ngayon wala pang naitatalang kaso sa Pilipinas pero hindi tayo pwedeng makasiguro na hindi makakarating dito. Your mission is to protect Ivy, you need to teach her how to fight, how to handle guns, how to improve her reflexes and stamina. Basically, you need to teach her how to survive." may diin ang pagkakasabi nito ng salitang survive.

May kutob akong hindi magiging madali ang misyon ko dahil ngayon lang niya narinig itong nagsalita gamit ang ganoong tono. Madalas makipag-usap ng pabiro ang matanda dahil alam nito kung gaano ako kaseryoso sa mga misyon ko. May missing puzzle piece sa sinasabi nito at maraming tanong ang kasalukuyang gumugulo sa isip ko tungkol sa bago kong misyon, nasisiguro kong malalaman ko din ang sagot sa mga ito.

"Dadalhin kayo ng isang private plane sa isang island nila Ivy sa Palawan at doon mo siya tuturuan. Mag-empake ka na ng gamit mo, 8 in the morning ang flight mo bu-kas." malakas at marahan ang pagkakasabi nito, klarong klaro sa pandinig.

'Wait... What the Ef'! Bukas kagad?!", hindi ko naitago ang pagkabigla ng magsync sa utak ko ang sinabi ni Ninong. Ito na nga ang pinaka-weird na misyon ko. Kailangan kong magturo, kadalasan kasi ay kailangan ko lang magbantay at protektahan ang mga kliyente. Ano bang alam ko sa pagtuturo? At talagang kailangan ko pang pumunta sa isang isla para doon turuan? Hindi ba pwedeng sa rest house nalang ng mga ito sa Manila, panigurado naman mayaman at madaming mansyon ang kliyente niya. Virus outbreak? Survival? Agad-agad?

"Here." Iniabot ni Ninong ang isang envelope, "nandiyan ang lahat ng detalyeng kailangan mong malaman." hinatak ako ni Ninong para yakapin, "Joey, I may not be your biological father but I will always love you like my own." teary-eyed na sabi nito sakin, "Be safe."

Extinct - (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon