Chapter 1 - 'Meeting the Heiress'

4.7K 105 11
                                    

Day 2 – October 19, 2018 – 7:05 AM

Malamig na simoy ng sariwang hangin ang bumungad sakin paglabas ko sa mansyon. Two days na ako sa isla ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin nakikita kahit na anino man lang ni Ivy Cassandra Gregor, hindi kasi siya sumipot noong nakatakda kaming lumipad papuntang isla kaya nagpasya si Ninong Josef na paunahin nalang muna ako.

Isa sa laman ng envelope na binigay ni Ninong ang litrato ni Ivy, maganda siya. Mali, maganda ay isang understatement para kay Ivy, isa siyang diyosa. Alam mo yung hindi mo pagsasawaang tignan kind of kagandahan? Yung hindi ka mauumay? 

'Umiiral na naman yang kalandian mo, Joey.', saway ko sa sarili.

Marami ng dumaang babae sa buhay ko. Don't get me wrong, hindi ko makoconsider ang sarili ko as a player kasi pinaparamdam ko naman sa kanila kung paano ako mag-alaga yun nga lang walang commitments. Sa buong buhay ko isa palang ang sineryoso ko, isa palang yung taong pinagbigyan ko ng buong atensyon ko. Sadly, nauwi rin sa hiwalayan.

Tama na nga sa past, balik tayo kay Ivy. Maganda siya pero wala parin talaga akong pakialam kung kailan niya balak sumulpot, pabor pa nga sakin kung hindi muna siya dumating dahil talagang enjoy na enjoy ko ang napakagandang paligid na kinaroroonan ko. Aba, minsan ko lang ata maranasan na makatakas sa lungsod kaya naman susulitin ko na ang bakasyon sa lugar kung san may sariwang hangin na ang tanging nalalanghap mo lang ay ang naglalabang maalat na simoy ng dagat at luntiang mga halaman. Ang tanging maririnig mo lang ay huni ng mga ibon at kalmadong alon ng dagat. Malayo sa magulong siyudad na kinalakihan ko.

Pakiramdam ko talaga para akong isang bakasyunista at hindi trabaho ang ipinunta ko rito, napabuntong hininga nalang ako. Suot ang kulay red na swimsuit at sunglasses tinungo ko ang dalampasigan hindi kalayuan sa modernong mansyon sa gitna ng malawak na isla. Saulado ko na ang buong lugar dahil kahapon palang ay nilibot ko na ang buong isla habang busy ang mga tauhan nila ni Ninong Josef sa pag-aayos ng mga kakailanganin ko para sa maturuan si Ivy. Hindi naman ako nahirapan dahil gumamit ako ng kabayo para malibot ang buong lugar. Heard it right, ganoon nga kayaman ang mga Gregor dahil sa loob ng mamahaling isla ay may sariling horse farm rin ang mga ito. 

Inayos ko ang pagkakakabit ng earphones sa tainga at saka humiga sa isa sa chaise lounge chairs na nakahilera malapit sa karagatan. "Perks of life!", mahinang usal ko na may kasamang ngiti sa mga labi habang ibinababad ang katawan sa ilalim ng sikat ng araw. Ipinikit ko ang aking mga mata, hindi ko na nilabanan ang antok na unti-unting gumagapi sa akin.

"Miss, wake up!", narinig kong sigaw ng isang babae kasabay ng marahas na yugyog sa balikat ko. Hindi ako kaagad nagmulat ng mata kaya hindi ito nakuntento at hinampas pa ko ng tuwalya na sa pagkakatanda ko ay inilagay ko sa bandang ulunan ko.

Binuksan ko ang mga mata at padabog na inalis ang sunglasses upang makitang mabuti ang mukha ng pangahas na nilalang na pumutol sa panaginip ko tungkol lang naman sa crush ko na si Cheryl, isang napakagandang singer sa UK. "Argh, what the ---!", I wasn't able to finish my sentence, I was stunned!

She has a long wavy brown hair, lagpas hanggang siko na bumagay naman sa bilugang mukha nito. Napakaganda ng mata nitong may hitik at mahahabang pilik mata na parang nakangiti parin kahit na anong gawin nitong panlilisik sa akin. Dumako ang tingin ko sa matatambok nitong pisngi, may dimples! I don't know why pero dimples are way too sexy for me, something I cannot resist. Bumaba ang tingin ko sa mapupulang labi na nakadagdag sa out-of-this-world nitong sex appeal. Para akong teenager na biglang tumaas ang hormones at gustong sunggaban ang babae sa harapan.

Simpleng blue crop top at white shorts lang ang suot nito pero mahihiya ang mga modelo ng Victoria's Secret sa ganda ng hubog ng katawan nito. Indeed, the woman in front of her is a real goddess! Ito na yata ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko. Hindi ko na napigilang huwag bumaba ang mga makasalanan kong mata sa malulusog nitong... 'Oh goodness, you perv!' napapangiting saway ko sa sarili. Doon ko naalalang si Ivy Cassandra 'Heiress' Gregor na pala ang kaharap ko. Walang hustisya ang litratong nakita ko mula sa envelope, Ivy is way much a goddess in person than in pictures.

Extinct - (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon