Chapter Two

1.9K 54 0
                                    

Chapter Two

"I'm still sleepy...." Inis na inabot ko ang alarm clock sa bed side table saka ko 'yun hinagis. Buwisit! Ang ingay-ingay!

"Hae, ano ba iyon?" 'Dinig kong tanong ni tita. Di ko man lang namalayan na pumasok pala siya dito sa kuwarto ko.

"Nothing" I murmured.

"Wala ka bang pasok? Mag a-alas siete na."

Matic na napamulagat ang aking mga mata sa narinig. Lagot.

"Andyan ba si daddy?" Kinakabahang tanong ko. Malalagot ako neto!

"You must be thankful. Wala ang daddy mo. Hala, sige. Maligo ka na."

Nakahinga ako ng maluwag. Ayaw kase no'n na nale-late ako ng gising especially school days.

Mabilis akong kumain ng breakfast at agad pumunta ng school.



"Finally! Akala ko male-late ka." Sabi ni Dane. I sat beside her.

"Akala ko din. Napuyat kase ako."
Tinaasan nya ko ng kilay.

"Wow. The 'great' Hae Louis napuyat? At bakit? I thought you sleep early coz you hate eyebags?"

"May nakita kase akong picture sa fb. Tapos 'yon. Di ako nakatulog agad." I shrugged.

"Talaga?! Is it a boy?"

Tumango ako at napailing.

"That's new!" She beamed.

"What's new with that?"

"Bes, Nung huli kang nagka-crush that  was years ago! So I assumed, crush mo yung guy na sinasabi mo. Yihhh! Congrats!"

"Duh. Anong crush ka dyan? Assuming ka ah." Inirapan ko siya.

Napaka assuming talaga ng bruhang 'to.

"So, kumusta ang pang sto-stalk? Ha? Ha?" Tanong nito.

"Tigilan mo nga ako, Dane. Anong stalk ka dyan? Why would I do that?"

"Tsk. In denial ka pa eh."

"Hay nako. Wag ako, Dane. Samahan mo na lang ako sa library."

Napakamot ito sa ulo.
"What are we gonna do there?"

"Siguro mag pa-party." I sarcastically said.

Biglang nanlaki ang mga mata nito.

"Gosh. Talaga? Sa libra–ouch!"

"Sira ka talaga. Maniwala ka na man? Ang sarap mo talagang kutusan."

"You already did. Duh!"

I chuckled and dragged her to the library.



"Ano ba naman, Hae. Bakit mo ko dinala dito? It's so quiet!" Dane kept on nagging.

"Malamang. This is a library so silence is a must. Wait nga, dyan ka lang punta lang ako ng washroom." Sabi ko at umalis.

Medyo creepy 'tong library dahil sobrang tahimik at walang katao-tao well, except sakin kay Dane at sa librarian.

Pumasok ako sa isang cubicle at doon naglabas ng sama ng loob este umihi.

I was about to go outside when I heard some noise. Hala, ni-lock ko naman yung pinto ah?

"Damn it! How the fuck did I got here!"

Napakislot ako sa aking kinatatayuan nang marinig kong may nagsalita. Omg talaga. Bakit may lalaki? May balak ata 'tong bosohan ako ah? Because of that thought, dahan-dahan kong hinubad ang isang sapatos ko. Hah! Tiyak masasaktan ang shit na lalaki na to. May takong kase ang sapatos ko.

Binuksan ko ang pinto ng cubicle at nakita ko ang isang lalaking nakatalikod sa pwesto ko.

"You jerk!"

Nanlaki ang mga mata ko ng tumagos sa katawan ng lalaki yung sapatos na binato ko.

I blinked. Oh my gosh!

"Ahhhhhhhhhhhhh!"

Secretly In A Relationship With A GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon