Chapter Fourteen
Pagkatapos ng mahabang quiz sa literature ay agad akong umuwi dahil hindi naman pumasok ang bruhildang si Dane. Tumawag ako kagabi sa kanila at nalaman kong may lagnat pala siya. Gusto ko ngang matawa habang kausap ko ang ate Ivy niya pero nagpigil ako dahil baka isipin ni ate Ivy eh may kinalaman ako sa pagkakaroon ng lagnat ni Dane. Prinsesa pa naman 'yon sa kanila.
"Hindi ka ba talaga sasama, Louis?" Pangsampung beses na tanong ni dad.
"Hindi po. Ayoko talagang sumama." At pangsampung beses ko na ring sagot.
Pupunta kase sila sa isang welcome party ng kumpare niyang galing abroad. Kanina pa niya ako pinipilit sumama pero mariin ang pagtanggi ko. Dalhin ba naman ako sa party ng mga matanda? Ugh. I don't want to be mean but that will be a torture to me.
"Hayaan mo na si Louis, Ernesto. Mapupuyat lang ang bata." Sabi ni tita.
Daddy sighed. "Fine. Manatili ka na lang dito. Let's go, honey." Sabi niya at inalalayan si tita papunta sa kotse.
Yes, finally. Akala ko hanggang mamaya pa kami magkukulitan ni dad eh. Umakyat na ako at tinungo ang aking kuwarto. Pag-bukas ko ng pinto ay wala si thymus sa loob. Nasaan kaya 'yon? Ah. Baka nasa kanila.
Tutal ay maaga pa naman, I'm gonna read na lang. I reached for a chair and placed it infront of the bookshelf, medyo mataas kase ang lagayan ko ng libro dahil mahilig akong magbasa at mangolekta kaya nagpagawa si dad ng may kalakihang bookshelf. Sumampa ako sa upuan at hinanap yung librong gusto kong basahin.
"Nasan na ba kasi 'yon?"
Kanina ko pa hinahalungkat ang mga libro at hindi ko talaga makita 'yung hinahanap ko. Geez. Ang hassle! Inisa-isa ko ang mga libro at ayun nasa dulo.
Dahil hindi naman ako ganon katangkad, umapak ako mismo sa bookshelf at sinubukang abutin 'yung libro. Ugh, bakit kase hindi ko namana ang height ng papa ko. Matangkad naman ako eh, pero hindi nga lang kasingtangkad ni Dane at ng mga pinsan ko. Tapos hangang baba lang ako ni thymus.
Nang mahawakan ko ang librong hinahanap ko ay halos mapasigaw ako sa gulat at takot dahil may ipis sa libro! Shit. I don't like cockroach! Umatras ako dahil lumipad na yung ipis. Yay! Mas lalong ayoko sa lumilipad na ipis! Jusko Lord. Umatras ulit ako kaya lang ay wala na akong maapakan dahil maliit lang pala ang space ng tinutungtungan ko.
Hinintay ko na lang na bumagsak ako pero ilang minuto na ang nakakaraan ay hindi ko maramdaman 'yung sahig.
Nasaan na 'yon?
Nagmulat ako at nagulat dahil hindi pala ako nahulog. Inangat ko ang aking paningin at nagsalubong ang aming mata. Seryoso ang mukha ni thymus habang nakatingin sa akin. Suddenly, my heart thumped and I don't know why. Is it because of his deep stare? Nakakalunod kase ang paraan ng pagtitig niya.
Inalis ko ang aking paningin sa mala tsokolate niyang mata dahil natatakot akong malunod at matangay sa rumaragasang damdaming lumulukob sa akin. Bumaba ang aking mata sa matangos niyang ilong and damn, his lips are naturally red! Hiyang-hiya ang labi ko sa labi niya.
"Done checking me?" He arrogantly asked.
Because of his words, my flying senses came back to their right places. Gosh, nakakahiya! Ngayon ko lang narealized na kaya pala 'di ako nahulog sa sahig ay dahil buhat buhat niya ako. At kaya pala feeling ko nakalutang ako. Nararamdaman niya kaya ang kabog ng dibdib ko? Ba't kase ang unfair eh! Siya nararamdaman niya ako, nahahawakan. Pero ako, hindi...
"I–ibaba mo na ako." Utos ko at agad naman niyang ginawa.
"Saan ka galing?" Nagulat ako sa sarili kong tanong. Shit. Sobra ko na atang napapahiya ang sarili ko. Kanina, hindi ko man lang nideny na tinitigan ko siya, tapos ngayon nagtatanong ako kung saan siya galing. Damn, Hae Louis. Para maitago ang kahihiyan ay kinuha ko na lang ang librong nais kong basahin na nasa sahig 'yon kase ang nahulog hindi ako.
"Diyan lang. Why?"
Hindi ko na lang siya sinagot at humiga na ako sa kama para mag-basa. I saw him sat beside me though I can't feel anything but his cold presence but I think that was enough to calm myself. Because I know he will not leave again. Geez. What am I feeling? This is ridiculously different.
BINABASA MO ANG
Secretly In A Relationship With A Ghost
FantasyI met a ghost. A blackmailer ghost. Sa lahat ng multo ay siya lang ang may lakas ng loob na pagbantaang gawing impyerno ang buhay ko. Eh syempre, natakot ako so, sinunod ko ang mga utos niya. Pero kasabay ng pagsunod ko ay ang pagkahulog ng puso ko...