Prologue

17 0 0
                                    

Prologue

“Lei?..uy Lei! Sasama ka ba sa canteen?” tanong sakin ni Daisy.

“Ha? Ano yun?” tinanong ko sila dahil hindi ko narinig eh.

“Haayyy nakoo…Lei, tulala ka nanaman. Ano nanaman ba yang nasa isip mo?” pagtatakang tanong sakin ni Mia, isa ko pang kaibigan.

“Sabi ko kung sasama ka ba sa canteen?” tanong ulit ni Daisy.

Ah sige, salamat na lang pero wag na. Busog pa ako eh. Sunod na lang ako mamaya”. Ang sabi ko sa kanila.

Ganito talaga ako, maraming iniisip na kung anu-ano kaya di ko namamalayan na natulala na pala ako. Library ang tambayan ko, lagi akong nagpupunta dito dahil tahimik at payapa. Nagbabasa ako ng iba’t ibang klase ng books esp. Fantasy books, kaya ang lawak ng imagination ko sa mga ganitong bagay.

Ako si Lei Samantha Rodriguez, 16 years old. Presently 3rd year High school at nag-aaral sa Bellevue University. Tahimik akong tao, pero friendly naman ako. I have 3 close friends – sina Daisy, Mia, at Coleen. Palagi ko silang kasama pero if there comes a time na I want to be alone, library ang pinupuntahan ko. So ayun na nga, dito kasi ako natututo ng maraming bagay aside sa classroom. To be exact, may mini-rooms ang napakalaki naming library..o diba sosyal? Pero mejo malayo sya kaya siguro di pinupuntahan ng mga estudyante, may main room naman kasi ang library na pwedeng dun nalang mag-stay. So, dahil gusto ko nga ng tahimik na lugar, dun ako sa pinakamalayong mini-room tumatambay, minsan inaabot ako ng 1 oras dun..15 minutes pagbabasa, 45 minutes tulog! De biro lang. Pero kadalasan akong naleleyt sa klase dahil sa pag-se-stay ko sa library.

On the way na ako sa library one day nang pagdating ko sa tambayan ko ay may nakita akong lalaki. Ha?

 First time kong makakita ng tao dito ah? Bakit? Hahaha..hindi naman sa inaangkin ko ‘tong library pero nakapagtataka lang kasi for the past 2 years wala akong nakikitang tao dito. Ano sya, multo? Nagkatotoo na kaya ang mortal guy sa binabasa kong fantasy story at nagpakita na sakin? Haayyyyy nakoooo….ayan na naman yung imagination kong napakalawak. Napakaimposible naman ng iniisip ko. Hmmmm…tutuloy pa kaya ako? Nakakahiya namang pumasok don; seryoso sya sa pagbabasa saka ang awkward naman pag kami lang dalawa dun….Gosh! mukang naririnig nya yata ako. Lumingon pa sya sakin! Tsss… makaalis na nga…

*okay guys, i know medyo bitin ang prologue pero just keep on reading!..

--uhmm,,mbagal po ako mag-update ng story kaya i-expect nyo na :)--salamat!

Mr. Destiny MEETS Ms. DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon