💍💔💍

3.7K 89 4
                                    

"Halika na, Mag gagabi na oh.."

Wika ko sa kanya.. In fact,ayoko umalis sa pwesto naming dalawa na iyon pero kailangan baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ang hindi dapat masabi.. Hinila ko siya papunta sa parking lot, tahimik  lang kaming tinatahak ako direksyon pauwi ng Mansion.. While he was driving suddenly his phone rang  at agad niya itong sinagot..

"hello dude?... Yeah bakit?.... Sige sige.... Susunod ako may hahatid lang ako.."

Sabi niya sa kabilang linya nito.. Aalis siya? Hayst. I thought,makakabonding ko pa siya ng mas matagal.. Ayos lang yun para hindi na rin siya mahirapang paalisin ako.. Back to normal na ang lahat simula bukas.. Si Ford na balik sa pagiging Playboy,mahilig sa  one night stand, jerk, at pagiging assh*le nito.. Ako  naman ay babalik sa dating gawi na magtratrabaho magdamag and lastly is No More Princess Life Tomorrow...

"Baba na, I have to go. Get some sleep"

Utos niya sa akin at wala na akong nagawa kundi bumaba at pumasok sa Mansion.. Pagpasok ko sa Mansion tila walang ka ingay ingay dito at matatamlay ang mga katulong rito.. What's with the presence?  Kahit sino walang bumati sa akin or tumingin sa akin.. *sigh*  Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at sinimulang mag ayos ng gamit tutal stranger na naman ako sa paningin nila katulad nang unang araw ko rito..

*tok tok*

May kumatok sa pinto at huhulaan ko si Lily yun.. Pinagbuksan ko siya ng pinto at may dala na naman siyang mga pagkain.. Matamlay niyang pinatong ang mga pagkain sa lamesa nito..

"Kumain na po kayo,Miss.."

Miss? Nakakapanibago siya ngayon ah? Hindi rin umabot sa 20 words ang salita niya.. Pagkatapos niya sabihin iyon ay lumabas na siya ng kwarto.. Napatakip  nalang ako ng unan  sa mukha ko at inilabas ang hinanakit ko.. Bumabalik na sila sa dati na para bang strangers ako dito sa Mansion, tatanggapin  ko nalang para hindi masakit ang umalis..

Bakit sa tingin mo ba Suzane ay nalulungkot sila pagnawala ka? Sa tingin mo ba, they treated you a family in this quiet home? Don't be assumed you might hurt..I'm like a fool here talking to myself by my mind..

Ilang minuto din ang nakalipas ay nakapag ayos na ako ng mga gamit ko ang masasabi ko lang nakakapagod.. Napatingin ako sa lamesa kung nasaan nakalagay ang mga pagkain.. Biglang kumulo ang tiyan ko nang makita ko ang mga ito.. Lumakad ako papunta dito at sinimulang kainin.. Akalain mo nga naman kay bilis ng araw at bukas ay babalik na ang lahat sa dati..

Naisipan ko ng magpahinga dahil masyado nang malalim ang gabi para ako'y gising pa.. Hindi na rin siguro ako magpapaalam sa kanila bukas..

-------------------------------------

5 am in the morning of Day 30...

Nag alarm ako ng alas-kwatro para wala pang masyadong gising sa Mansion..When the time comes in 5 Am ay ayos na ayos na ako, ang kulang nalang ay mawala ako dito ng parang bula sa Mansion ng mga Sy.. Nakapag iwan na rin ako ng letter para kay Lily,my second  bestfriend and one more thing, on him.. Isang letter na ayaw kong mabasa niya..

That day has come....

5:30 am ay sinimulan ko ng bumaba sa hagdan ng walang nagagawang ingay.. Tulog pa ang mga tao dito.. Nang makalabas ako ng Mansion ay ang tanging on-duty ay si manong guard.. Wala namang alinlangan ay pinadaan niya ako at pinagbuksan ng silver gate..

Sinulyapan ko ang kabuuan ng Mansion at something caught my attention.. Si Ford,na nakasulyap sa bintana ng kwarto niya.. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan pero ako na ang unang bumigay sa mga pagtitinginan namin dahil sa namumuong  mga luha ko sa aking mga mata..

Lumihis na ako ng landas ng malayo sa Mansion at sumakay na ng jeep para makauwi na sa bahay, sa totoo kong bahay.. Home sweet home.. I miss you,Lola..

Dahil may duplicate ako ng susi ng bahay ay tahimik akong pumasok at umakyat sa kwarto ko.. Agad kong dumamba sa kama at pinakawalan na ang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa kulungan nila.. Hindi ko alam bakit nagiging ganito ako kasi hindi ako ito.. Hindi ako itong nasa katawan ako, hindi ako nagpapakatanga sa isang lalaki..

Pinaghahagis ko ang mga unan ko at sinimulang sabunutan ang sarili ko..

"Arghhhh!"

Sigaw ko sa apat na espasyo ng aking kwarto.. Tuloy tuloy pa rin ang paghagulgol ko hanggang ngayon..

"Hindi ko kaya... Damnit!"

Sigaw ko habang nagpapapadiyak ng paa ko.. Gusto kong magwala pero hindi ko alam kung bakit.. Kanina,ang mga mata niya na may lungkot ay hindi ko ma-attempt para bang gusto ko siyang i-comfort pero aissh! Wala akong nagawa kundi ang umiyak.. Ni hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya.. I'm so sorry..

Sa halo-halo kong kapagudan,pag-iyak at kalungkutan ay napapikit nalang ako sa antok...

Her Playboy Fiance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon