CHAPTER 3

23 0 0
                                        

***A N G I E ' s P O V "

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Aki nag-aayos pa kasi siya.....

Sa katunayan nga naliligo pa ang bruhang yun. Tinawagan niya kasi kami ni Marg kagabi dahil dumating na sina kuya Dexter at kuya Ciel galing States at nagyayayang mag-outing pero dahil may mahaba-habang sleep over si Bess ehhh hinayaan nalng rin nila Kuya kasi nga Bunso at naispoiled ng mga kapatid...

Anyways habang naghahanda pa siya hinihintay ko nalng rin si bess Marg di pa kasi dumadating yung isang yun..

" Ma'am Aki !?? "

May kumaktok sa pinto kaya pinagbuksan ko na at sinabing nandiyan na daw si Marg kaya sinabihan ko nang na papuntahin si Marg dito tutal nasa CR pa naman si Aki...

" Hay salamat na refresh na ako ng tubig at di na ako inaantok ngayon " sabi ni Aki na kalalabas lang ng CR

" Bess nandiyan na si Marg pinapunta ko nalang dito sa kwarto tutal di ka pa naman nakakapaghanda "

sabi ko sa kanya at nagsimula na siyang maghanap ng isusuot niya....


*** A K I 's P O V "

Hayzz ....

Ano kaya isusuot ko ? Anyways nagsuot nalng ako ng jeans tapos oversized t-shirt at nag nerdy glasses .. trip kong maging Korean ngayon Hahahahaha.....

Bumukas bigla yung pintuan at inuluwa si marg na mukhang excited na excited .....

" Grabe guyzz bilisan niyo naman excited na ko ohhh kahit na pahirapan pang pagpapa-alam ang ginawa ko kay daddy para lng payagan ako nohh..... Pero pinayagan din naman niya ako. " sabi niya at bakas talaga sa mukha nito na excited siya. ....

" Girls ano ba bagay black shoes or white shoes ? "

tanong ko sa dalawa. Hindi kasi ako makapili ehhh parehong paborito ko ang black at white. Hindi naman nila ako sinagot kaya kung ano ang kulay ng t-shirt ko ehh yun nalang rin ang sinuot ko, White yung napili ko.

tok.... tok....

Bumukas yung pinto ...

" Bunso ? Bilisan niyo aalis na tayo "

Si kuya Dex pala. " Opo "

Lumabas na kami at nagpunta sa sasakyan. Naisipan muna naming magmall kasi bibili pa daw ng pagkain sila kuya kasi gusto nila sila yung magluluto at hindi naman talaga maipagkakaila na masarap silang magluto..

" Kuya Ciel , akyat muna kami sa itaas sa bookstore lang kami pupunta... " pagpapa-alam ko kay kuya Ciel

" Sige tatawagan kita ahh pag natapos na kami "

sabi ni kuya Ciel at nagpunta na nga kami sa bookstore pero may nadaanan sila Marg at Angie na boutique at gusto nilang bumili kaya ako nalang mag-isa ang pumunta sa bookstore....

Habang nagbabasa may nakita akong note ..

Nasaan

ka na ?

Ehh sa wala akong nagawa kumuha narin ako ng pen at sinulatan ko nang

matagal na

kitang hinihintay

Hahaha masyado bang trip? Ewan ko kung bakit ginawa ko ito pero sasagot kaya yung nagsulat neto ?

*kring *kring *kring

" Hello ? Kuya.....opo..... Cge po..... " tawag na ako nila kuya nandoon na pala ang dalawa sa sasakyan....

-----------------------------------------------------

***S O M E O N E S ' P O V "



matagal na

kitang hinihintay

Sumulat na siya....

___________________________________________________________________

Hello guyzz sorry ngayon lang ulit ako nakapag-update.....
Please keep supporting my story po... Kamsamnida ! 😊😉😘

The Mysterious AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon