Chapter 6

3 0 0
                                    

"Ano iha"



"ahhhh........ "



hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin kay tita, bakit parang biglaan ata?  hindi ako na inform na itong lunch palang ito ay pag-uusapan ang kasal ko,  hindi ko inakala na uso pa pala ang arrange marriage sa panahong ito


"Beatrice sa tingin ko hayaan muna nating magdate ang mga bata since hindi paman naman nakakapagtapos ang Aki ko....


and besides they're still young tutal sila parin naman ang magkakatuluyan diba?" ani ni mommy


"You two are playing match makers again hmmm....." sabat naman ni daddy


"hayaan mo na kami Ricardo" sagot ni tita beatrice




nangingiti lamang si tito Greg sa mga magulang namin pero mukhang ayaw ni kuya Ciel ng mga nangyayari



"mom, tita I think we should not dictate aki on who she marry soon, it's not good to-------"




hindi ko na kaya ang mga naririnig ko hindi ko maatim na pakinggan kung paano nila didicthan kung sino ang pakakasalan ko, it's unfair for me, I need to get out of here, pinutol ko ang pagsasalita ni kuya




"Excuse me, ahmm......   I just need something to ahhh.... basta.... "




lumabas na ako ng room at bago ko pa maisara ay nagexcused rin ang lalaking gustong ipakasal sa akin at mukhang susundan ako ng gago kaya mas binilisan ko ang paglalakad at pumasok ako sa lady's room dahil hindi naman siya makakapasok dito, humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili ko, nangingilid na ang luha kong nagbabadyang tumulo, pakiramdam ko ay kinuhaan ako ng kalayaan, I felt like I've lost my freedom on whom I marry tsaka masyado pang maaga para magpakasal ako




nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at inilock ng lalaking ipapakasal sa akin

"Anong ginagawa mo dito? "



malamig na sabi ko sa kanya



"Look,  I'm not here to do something bad to you, it's because I just wanna clarify to you that tutol din ako sa gagawing arrange marriage na ito....




I am waiting for someone whom I truly love at siya lang ang balak kong pakasalan at hindi ikaw,  ok!?? "



"bakit sa akin mo sinasabi ito, it should be to them right,  why not tell them that now so there's no gonna be an arrange marriage that will happen!"



pasigaw kong turan sa kanya, ewan ko ba kung saan ko pinaghuhugutan ang hinanakit na ito pero it's just that I supressed my feelings na hindi ko matanggap na ipapakasal ako sa lalaking ito and worst hindi ko naman kilala




"I'm sorry I didn't interfere kanina kasi naduwag ako kina mom at dad, I don't want to contradict them specially dad kasi may sakit siya sa puso at baka atakihin siya pag ginawa ko yon"




hindi na ako nakapagsalita sa mga sinasabi niya at iniisip ko nalang kung ano ang gagawin ko para hindi na matuloy ito.... 




I really hate them for getting my freedom to whom I marry....




"Tabi,  lalabas ako"



naglakad na ako palabas ng restaurant, wala akong balak umuwi sa bahay ngayon I don't want to see them just yet,  siguro magbabar nalang ako pero mamaya na kasi masyado pang maaga kaya magstrostroll muna ako sa mall o kung saan ko maisipang pumunta



habang naglalakad ako ay may biglang humigit sa braso ko kaya napalingon ako sa kung sino man iyon



"ano ba? bitiwan mo ko"



"saan ka pupunta, wala na ang pamilya mo umuwi na, wala na ang mga sasakyan nila ohhhh,  ihahatid na kita"



"ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo at wala kang pake kung saan ko gustong pumuta afterall you don't have a say on whatever I will do!"



"bakit ba masyado kang hard sa akin ehhhh I just wanna offer a ride and besides masyado kang OA sa mga pinagsasabi mo, wala naman akong ginagawang masama sayo"



at nagwalk-out na siya, hindi ko siya hahabulin nohhh ano siya sinuswerte?  wala akong pake sa kanya



naglakad ako at nag-abang ng taxi pero wala atang dumadaan na sasakyan dito what the f***,  paano ako makakapunta nito sa mall, tinawagan ko sila marg at ange para sana magpasundo at makagala na rin





pero hindi naman sila nagrereply at sumasagot sa bawat text at tawag ko,  asan na kaya ang mga bruhang iyon,  mag gagabi na at walang paring dumadaan na taxi kaya wala akong choice kung di maglakad na hanggang sa may makita akong taxi



busy ako sa paglalakad ng may nag beep ng sasakyan liningon ko yun pero hindi naman pala taxi kaya gora ako sa paglalakad, nagbebeep parin ang sasakyan kaya tinignan ko kung nakaharang ba ako sa dadaanan niya pero hindi naman kaya naglakad parin ako keber sa sasakyan na iyan nagtaka ako at bigla itong huminto sa tapat ko at nagbukas ng bintana




"Wag na kasing matigas ang ulo, ihahatid na nga kita come-on"




"che!  umalis kana maglalakad nalang ako hanggang sa may makita akong taxi nohhh"





"wala kang makikitang taxi dito unless may pinapapasok kasi private itong lugar na ito tsaka malayo layo pa yung lalakarin mo kung ganon"





"thank you nalang ok!?  but no thanks kaya ko to,  maglalakad na lang ako kesa sumabay sa iyo"




"ok, hindi naman ako mahirap kausap,





bye! "





pinaharurut niya ang sasakyan niya at tuluyan na nga akong iniwan




"uyyy teka lang"




"uyyy wait sasakay na ako"





pero hindi na niya ata ako maririnig dahil malayo na siya sa akin, di ba niya alam na nagpapapilit lang ako?





di ba niya alam na kabaliktaran ng sinasabi ng mga babae ang totoong ibig nilang sabihin at gusto nilang iparating!??




hay nakooo...




pano na iyan ngayon mukhang totoo nga na malayo layo pa yong lalakarin ko, pagod na ako kakalakad tsaka mukhang naliligaw na ata ako.... 
umaambon pa mukhang maaabutan ako ng ulan nito




bakit pa kasi ako nag-iinarte kanina ehhhh lowbat pa itong phone ko paano na ako makakatawag nito ngayon...





"ayyy kung minamalas nga ka naman ohhhh, ngayon ka pa bubuhos kita mong minamalas na nga ako"




tuluyan na ngang bumuhos ang ulan at nababasa na ako, kailangan kong maghanap ng masisilungan neto buti nalang at may malapit na abandonadong building, dito muna ako magpapatila na ulan.....




syete naman ohhhh mukhang matagal pa bago tumila ang ulan, pano na ako nito ngayon



hindi ko na kayang maglakad pa, hinihila na ako ng antok, may nakita akong sasakyan na papalapit dito sa sinisilungan ko, tumayo ako at humingi ng tulong pero bigla nalang akong natumba




may bumabang lalaki sa sasakyan at lumapit sa akin,  di ko na alam ang iba pang nangyari at nilamon na ako ng tuluyan ng kadiliman...



The Mysterious AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon